CHAPTER 12

1150 Words
XYRAH'S POV Ika limang araw na simula nung may nag pa gulo sa isip ko pero hanggang ngayon wala parin akong sagot sa lahat ng mga katanguan na nabubuo sa isipan ko, at dalawang araw na din simula nung may napapansin akong kakaiba kay Maricor, Sheina at Kaiko at isama pa yung isa niyang kaibigan na si Vincent, dati rati ayaw na ayaw ni Sheina kay Maricor tapos ngayon parang kinalimutan na nila ako. “ Hoy Maricor sabihin mo nga saakin may tinatago ba kayong dalawa ni Sheina?” tanong ko kay Maricor habang kumakain ako ng snack ko. “ Ha! Tinatago? Wala naman bat mo na tanong?” “ Wag mo akong sasagutin ng isang tanong sa isa pang tanong Maricor” sabay baling ko kay Sheina na kanina pa ngiti ng ngiti parang tanga lang sino na naman tong ka chat niya, this week kase napapansin ko din na parang na bubuang na siya kapag nakahawak siya ng cp niya. “ At ikaw naman Sheina sino ba yang ka chat mo at panay ngiti ka diyan na babaliw ka na ba mag sabi kalang sa'kin ng madala na kita sa mental.” Nabaling nanaman yung tingin ko ng mag salita si Maricor, ywa mababaliw din ako sa pinag gagawa nila sa'kin. “Di mo lang alam Xy, iyang best friend mo may kalandian na yan.” “At sino na mang kalandian niya? Ey sa mukha palang to wala ng papatol sa kanya.” pag bibiro kung sabi sa kanya. Sana lahat may kalandian ey ako kailan kaya ako mag kakaroon ng kalandian? Ey yung crush ko naman malandi kung maka landi din kay Maricor wagas di ba niya nakikita na nasasaktan ako sa tuwing may ipinapakita siya kay Maricor na nakakapag pa tawa sa kaibigan ko. “Wow nahiya naman ako sayo Xyrah, kung walang papatol saakin ano tawag sa kachat ko ngayon? Anong tawag sa jowa kung si Brixton, at di lang yung kase yung crush kung si Aizen Waley chinat niya ako nung isang araw o diba tapos kung makapag sabi kang walang papatol wagas, tingnan mo nga ikaw di ka man lang mapansin pansin ng crush mo, dahil palagi yung atensiyon niya ay nasa Isa mong kaibigan.” prankang sabi sakin ni Sheian ywa walang preno talaga itong bibig niya, pero ano daw si Aizen Waley? As in si Aizen talaga? Chinat siya, magugunaw na ba ang mundo kaya siya chinat ey ang tagal na ni Sheina yun crush tapos di siya man lang na kacrushback tapos ngayon nakaka chat na niya. Paano niya yun na gawa? Pwede paturo ako. “ Seriously Sheina nakaka chat mo talaga siya? Ey pano si Brixton di ba jowa mo yun ngayon?” Kaloka talaga tong si Sheina lumalandi kahit may jowa pa, oo alam kung crush niya na ng matagal si Aizen hindi pa niya yun boyfriend si Brixton tapos ito ngayon nakaka chat na niya talaga, pero paano na si Brixton kung ganon mygadd Sheina bakit ang haba ng buhok mo. “ Like duhh Xyrah mag isip ka nga, si Brixton jowa ko, si Aizen crush ko lang, kaya kung nag iisip ka diyan na malandi ako, itigil mo na lang.” “ Pero kahit na dapat kase, aghrr pano mo ba yun ginawa, papaano ka na pansin ni Aizen anong ginawa mo, paturo ako nyahaha.” “ So inamin mo din na naiinggit ka, alam mo kung naiinggit ka Xyrah pumikit ka na lang.” Natatawang sabi niya sakin. “ Pero seriously Xyrah wala akong ginawa talaga na mapansin niya ako, kung gusto mo siya at gusto ka niya, tadhana na ang gagawa ng paraan para pag lapitin kayo.” so parang sinabi na din niya yun na hindi si Kaiko ang naka tadhana sa'kin kasi hindi gumagawa ng paraan si tadhana na pag lapitin kami kundi pinag lalapit niya lang ay si Maricor, no way kapag nag kataon na naging sila ni Maricor di ko alam kung kakayanin ko yung tipong mag ka ngiti-an lang sila nasasaktan na ako ano pa kaya kapag naging mag jowa na sila baka ikasakit ko pa yun sa apdo este sa puso. “ Sheina naiisip mo ba ang naiisip ko?”tanong ko nanaman kay Sheina, hindi ko matanggap na sa ganon lang hindi ako mapapansin ni Kaiko dahil kung hindi niya ako mapansin wala na akong pag asa para mahalin din ni Kaiko. “Aba hindi, Kita mong hindi tayo parehas ng utak, mag tatanong ka pa.” Ywa inaatake na naman to sa kasungitan kanina lang ngiting-ngiti pa to. “ Common sense nalang kase, pero Sheina what if, what if lang naman, si Kaiko at Maricor ang para sa isa't-isa paano na ako.” “ At paano na sabi manghuhula ka ba ha! Kita mong si Vincent yung gusto ng kaibigan mo tas mag iisip ka pa ng kung ano-ano.” “ Kasi naman tignan mo sabi mo tadhana ang gumagawa ng paraan para pag lapitin kayo para sa isa't-isa, o ede diba di naman yan sila/ikaw mag close yan dati nila Kaiko pero ngayon parang malapit na kayo sa kanya samantalang ako hindi man lang mapansin pansin niya.” totoo naman talaga simula nung naging close nila si Kaiko kinalimutan na nila ako. “ Tangik ka talaga, ede syempre kaya kami close kay Kaiko kasi nag papa tulong siya na manli-” Naputol ang sasabihin ni Sheina ng sumabat si Maricor sa usapan namin, saan ba to nag sususulpot na wala na lang to kanina habang nag uusap kami. “ Isa Sheina, subukan mong ituloy iyang sasabihin mo, isusumbong kita kay Brixton na may kinakachat ka nang iba bukod sa kanya.” Nag palipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa kasi naman wala na akong maintindihan sa sinasabi ni Maricor, at bakit kasi pinutol ni Maricor yung sasabihin ni Sheina di ko pa naman narinig ng klaro kasi ang ingay ng mga kaklase ko, epal talaga itong Maricor din eyy. “Teka nga lang ano ba pinag sasabi mo diyan Maricor, anong pang blablackmail na naman yan kay Sheina at kailan ka pa natuto mang blackmail ha? At ikaw naman Sheina” sabay baling ko kay Sheina aba diko kasi narining ng klaro yung sinabi niya. “ Ano nga ulit yung sinabi mo sa'kin about kay Kaiko hindi ko narinig ng klaro ang eepal kasi ng classmate natin.” “ Hindi ako nang blablackmail Xy hehehe, pinapaalalahan ko lang itong si Sheina, Right Sheina.” Maricor said before she looked to Sheina. “ Oo, hindi talaga yan nang blablackmail Xyrah kaya don't worry at Isa pa wag mo na din intindihin yung sinabi ko wala yun.” Piking ngiting sabi sa'kin ni Sheina. Bakit hindi kapani-paniwala ang sinasabi nila may tinatago ba sila sa'kin? “Tara na nga gala nalang tayo total wala na naman tayong klase.” pag aaya sa'min ni Maricor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD