Matapos ang kalahating oras ay dumating na kami sa islang sinasabi niya. Hindi makalapit yung yacht, of course, so we took a boat papunta sa dalampasigan. I was so amazed to how clear the water is. The sand is white. Ang ganda ng paligid. Napakaaliwalas. Napakaraming palm trees. Not far from the sea is a big house, which I think is their guest house. Yun lang ang tanging building na nakikita ko rito. Walang kung anu-anong bagay na nagba-block ng view sa front view ng bahay. It's made of glass, the windows are so big, I can already imagine how cool it is to live here. I mean, mula sa taas, siguradong tanaw mo lagi ang pagsinag at paglubog ng araw. "Babe, dito ka muna. May titingnan lang ako saglit." anang si Christian. Kumunot ang noo ko. "Saan

