FOURTEEN

1308 Words
Gabi's POV Sa ayaw at sa gusto ko dapat maaga ako umuwi para dinner mamaya. Gagawa na lang sana ako ng dahilan para di makapunta kaso nakakahiya kasi nag request si Tita Nadz na dapat complete kami ngayon.  Pag pasok ko palang ng bahay naririnig ko na yung mga tawanan nila sa dining area. Andiyan na kaya sila Hayme? Mukang nag eenjoy sila ah.  Hindi muna ako pumunta sa dining area, tumaas muna ako ng room ko at nag palit na ng damit. After ko mag palit dumiretso nako sa dining area.  Pagdating ko agad kong nakita si Hayme and Sophia na nakatayo. Bigla nanaman akong may naramdaman na kirot sa puso ko ng makita silang naka holding hands.  Nababaliw na ata ako.  "Gabi!" Sigaw ni Ate Jae sakin habang nakangiti. Nginitian ko rin siya.  "Oh Gabi andiyan ka na pala." Tita Nadz said while smiling. "Opo, actually po medyo kanina pa po, nag palit po ako ng damit" I said.  "Tamang tama kakadating lang din nila Hayme, sige na upo ka na" She said.  Nag lakad na ako papunta sa tabi ni Ate Jae. Nadaanan ko naman si Hayme and Sophia na hanggang ngayon nakatayo parin.  "Hi" Bati ko kay Sophia. Nginitian niya lang ako. Napatingin naman ako kay Hayme pero agad akong umiwas. Pagkaupo na pagkaupo ko agad akong kinausap ni Ate Jae. "Nginitian ka lang? Di man lang nag hi" Bulong niya sakin.  "Okay lang yun Ate Jae, baka nagulat lang siya kasi andito ako" "Hindi ah, kanina niya pa alam"Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate Jae. "Seryoso ate? Eh pano yun diba ayaw mo muna ipagsabi?" Kahit sobrang nagtataka kami kung bakit ayaw niya isabi sa iba eh nirespeto na lang namin desisyon niya. "Eh wala na akong magawa, sinabi na ni Hayme eh. Pero pinagsabihan ko si Sophia na wag muna sabihin sa iba kung hindi lagot siya sakin" I just nodded.  Maya maya eh nag start na kaming kumain. Habang kumakain hindi ko maiwasan na tignan sila Hayme at Sophia na sobrang sweet. "So nakapag decide na kayo kung saan kayo ikakasal?" Tita Nadz asked them. Ako naman nakatingin lang sa pag kain. Medyo nawalan ako ng gana. "Opo. Dun po sa isang resort sa Laiya Batangas" Sagot ni Sophia.  "Talaga? Good choice, maganda dun" Tito James said.  "Eh kelan kayo pupunta dun para i-check yung event?" Tanong ni Tita Nadz. "Not sure, we still have to check our schedule" Hayme said.  "Okay. Just tell Gabi kung kelan kayo pupunta dun. Siya na ang isama niyo"Nagulat ako sa sinaibi ni Tita Nadz. Napatingin naman ako sakanila. Si Sophia nakangiti lang kay Tita Nadz. Si Hayme naman napatingin sakin pero agad siyang umiwas.  "O-kay po" Sagot ko. Wala naman kasi akong choice.  Bumalik na lang kami sa pagkain. Si Ate Jae naman pinanggigilan ako. Kanina pa kinukurot pisngi ko. Pero okay lang, kasi di naman masakit. Mas masakit pa yung nararamdaman kong kirot sa puso ko.  After namin kumain nagsitayuan na sila.  "Tita Nadz tulungan ko na po kayo" Sabi ko sakanya. Nakalabas na agad sila Hayme.  "Nako Gabi, kami na lang ni Jewel dito" She said.  "Okay lang po Tita Nadz. Sige na po tulungan ko na po kayo"  "Okay kung yan ang gusto mo" Sabi niya.  "Sige Gabi, hintayin na lang kita sa room ko ah?" Ate Jae said. I just nodded. Then lumabas na siya ng dining area.  "Tuwang tuwa ako kasi dito ka nakapag dinner ngayon. Na miss ka namin" Tita Nadz said. Bigla naman akong na guilty.  "Sorry po ah. Kung di pa po sinabi ni Hayme sakin na gusto niyo daw po maging kumpleto ngayon di ako uuwi ng umaga. Sorry po talaga" Pag amin ko sakanya.  "Teka. Anong sabi ni Hayme sayo?" Nag tatakang tanong niya.  "Pinapasabi niyo raw po na sumabay ako ngayong dinner sainyo kasi gusto niyo daw po na maging complete tayo ngayon"  "Huh? Wala naman ako sina-" Napakunot naman ang noo sa sinabi ni Tita Nadz.  "Ah! Oo nga! Sinabi ko yun hehe" Biglang bawi niya.  Bat parang may mali? Di ko na lang pinansin at bumalik na lang kami sa pag lilinis. Pagkatapos ko maglinis dumiretso na ako sa room ni Ate Jae. Mukang kanina pa umalis si Sophia at Hayme.  "Gabi, can I ask you something?" Ate Jae said. Nakahiga kami ngayon sa kama niya. "Sure ate ano yun?"  "Anong tingin mo sa kapatid ko?" Natigilan naman ako sa sinabi ni Ate Jae. "Kay Ha-yme po?" Aba malamang Gabi! Si Hayme lang naman kapatid niya. Ate Jae just nodded.  "Ummm. Sa tingin ko po ano, masungit, laging galit at-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. "Oo alam ko na yan pero anong tingin mo sakanya? Friends or more than?" Teka ano bang pinag sasabi nito ni Ate Jae? "Tingin ko pa sakanya is, isang client ko at anak ng boss ko" I said.  "Yun lang? Di man lang friends?"  "Mukang impossible naman po yun" I said. Hindi naman ako makatingin sakanya. Buti na lang di na siya nagtanong ulit,nagkwentuhan na lang kami. Nang makatulog na siya, umalis ako ng room niya ng tahimik.  Hindi muna ako pumasok ng room ko, pumunta muna ako sa garden. Habang nakaupo dun biglang nag ring phone ko. Pag tingin ko, si Mommy tumatawag. "Hello Mommy"  [Hi baby, miss na kita] Di ko napigilan tumulo ang luha ko sa narinig ko. "Miss na rin po kita. Kamusta na po kayo diyan?" [Okay naman kami dito. Eh ikaw kamusta ka diyan? Okay ka lang ba diyan sa bahay ng boss mo?] Na kwento ko rin kasi kay Mommy ang paglipat ko.  "Okay naman po ako dito kala Tita Nadz. Tinuturing din po nila ako na parang family na din" [Mabuti naman kung ganun] Umiiyak parin ako,pero syempre hindi ko pinapahalata.  "Mom pwede mag tanong?"  [Sure baby ano yun?] "Pano kung ma inlove ka sa taong hindi na pwede maging sayo?" Pag kailangan ko kasi ng advice, alam kong andiyan lang si Mommy para bigyan ako at pakinggan ang mga problema ko.  [Dalawa lang yan anak, It's either papakawalan ko siya o ipaglalaban ko siya] Bumalik nanaman yung kirot sa puso ko.  [Bakit baby may problema ba?] Tanong ni Mom. "Ay wala po, si Iya po kasi may problema sa lovelife, yung mahal niya po kasi ngayon ikakasal na" Palusot ko,  [Ay mahirap yan kung ikakasal na, pero kung alam naman niya na mahal nila ang isa't isa ipaglaban nila, para wala silang pagsisihan pag dating ng panahon, mas mahirap yun]  "Sige po Mom, sasabihin ko po sakanya" [O sige na, matulog ka na may pasok ka pa bukas. I love you anak] "I love you too Mom" I said then I ended call.  Hindi ko alam kung susundin ko ang payo ni Mommy. Alam ko na alam niya na hindi si Iya ang tinutukoy ko. Pero ano bang pinoproblema ko? Hindi ko naman siya mahal eh. Siguro gusto ko lang siya. Pero hindi mahal. Pinunasan ko ang mga luha ko atsaka tumayo.  Nagulat naman ako sa nakita ko sa  nakatayo sa pintuan. Si Hayme. "Are you okay?" He asked. "Okay lang ako" I said. Lalagpasan ko na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko. "No you're not"  "Pwede ba Hayme tigilan mo ako. Eh ano naman kung hindi ako okay? Sino ka ba? Para sakin client lang kita at anak ng boss ko. We're not even friends. Kaya please bitawan mo nako"  Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Kaya binitawan niya na ako. Agad naman ako pumasok sa loob,  Sorry Hayme kailangan ko toh gawin. Katulad nga ng sinabi ko kanina, gusto lang kita pero hindi mahal. At ayaw ko dumating sa point na sobra na akong nasasaktan dahil mahal na kita. Kailangan ko toh gawin para sakin.  Dahil alam kong walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD