NINE

1171 Words
Gabi's POV Maaga akong gumising ngayon kahit hindi ako sanay,para hindi magkita ang landas namin ni Hayme. Naiinis ako sa ginawa niya kagabi. Panira ng plano bwiset.  Pagdating ko ng office,kaunti pa lang ang tao. 6 AM pa lang kasi ng umaga.  Inayos ko na lang yung schedule namin ngayon ni Tita Nadz. Mga 8 AM siyang nakarating sa office.  "Good morning po" Bati ko sakanya. "Good morning din Gabi, sabi ko naman sayo diba sumabay ka na sakin sa pag pasok" She said. "Okay lang po, maaga kasi ako nagising kanina kaya pumasok na lang po ako ng maaga" Sagot ko.  "Ah okay. Oo nga pala, kami na bahala ni Myrtle sa mga clients natin ngayon. Samahan mo na lang si Hayme sa pag plan ng wedding niya. Kawawa naman kasi nasa palawan ngayon si Sophia kaya wala siyang makakasama" Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita Nadz. "Ah. Si-ge po, ako na bahala kay Hayme" I said.  "Thank you Gabi ah, sige pasok nako" She said then pumasok na siya sa office niya. Napaupo naman ako sa chair ko. Hay akala ko maiiwasan ko siya ngayon. Mag sasama pala kami mag hapon.  Maya maya bigla kong naramdaman na may nakatayo sa harapan ng desk ko. Pag tingin ko si Hayme ang nakita ko. "Oh andiyan ka na pala, upo ka na. Mag start na tayo" Sabi ko sakanya. Umupo naman siya.  Kinuha ko na ang planner at ballpen ko. "Church wedding kayo diba? Anong theme niyo? Vintage, Royal,-" Di ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nag salita. "Gabi, I'm so-rry about last night" "Don't worry about it. Alam kong concerned ka lang  sa wedding niyo. Wag na natin pag usapan yun. Mag plan na lang tayo" I said then binalik ko ang tingin sa planner ko. "So anong theme?" Tanong ko ulit sakanya.  "I changed my mind. I want a beach wedding" Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.  "Oh akala ko ba sa harap ng diyos mo siya gustong pakasalan? Bat ngayon sa dagat na?" I said. "Sophia wanted a beach wedding" He said. I just nodded.  Nag plano na lang kami, halos 2 PM ba rin kami natapos. Hindi kasi namin namalayan ang oras.  Tatayo na sana ako para mag lunch kaso biglang nag salita si Hayme.  "Umm. Do you want to have lunch with me?" Tanong niya. "No tha-"  "Please. Para makabawi man lang ako sayo" He said.  "Wag na okay nga lang"  "Please. Pag di ka pumayag kukulitin kita" Napairap naman ako sa sinabi niya.  "Libre mo ba?" Pabiro kong tanong. Napatawa namam siya.  "Yes"  "Eh ano pang hinihintay mo diyan? Tara na" I said then tumayo na.  Aba sayang noh, libre din yun. Pumunta na kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse niya at umalis na. Sa malapit lang kaming restaurant pumunta.  "What do you want?" Tanong niya. "Ikaw na lang bahala" Sagot ko.  Maya maya eh dumating na yung waiter para kunin yung order. Hinayaan ko na lang siya mag order. Umalis na rin yung waiter pagkatapos makuha ang order namin.  Ang awkward, wala samin nag sasalita. Ako nakatingin lang sa labas ng bintana.  "Gabi" Tawag niya saakin.  "Oh?"  "I'm really sorry for shouting at you last night" He said.  "Don't worry about it. Naiintindihan ko naman na gusto mo maging maayos wedding niyo"  He was about to say something, pero dumating na yung mga order namin.  Kumain lang kami ni Hayme ng tahimik. Nang matapos kami agad niyang binayaran ang bill at sumakay na kami sa sasakyan.  Habang nag da drive siya napansin ko naman na hindi ito yung way papunta sa office.  "Te-ka san tayo pupunta?!" Tanong ko.  "Don't worry. Matulog ka na lang diyan, malayo layo ang pupuntahan natin"  "Ano?! Hindi pwede ibalik mo ako sa office!"  "Why? Ako lang naman ang schedule mo ngayon so I can take you wherever I want" He said.  "Fine" I said then pinikit ko na lang ang mga mata ko.  Matutulog muna ako tutal ang aga ko nagising kanina.  Nagising ako ng may naramdaman ko na may gumising saakin.  "Gising na, we're here" Hayme said.  Napatingin naman ako sa paligid. At nagulat ako sa nakita ko.  "Pinto Art Museum?! Andito talaga tayo?!" Di ko makapaniwalang tanong. "Yup!"  "Grabe! Alam mo bang gustong gusto ko pumunta dito kasi ang layo ng Antipolo! Tara na baba na tayo" Excited kong sabi at bumaba ba. Sumunod naman sakin si Hayme.  Siya na nag bayad ng ticket namin. After nun pumasok agad kami.   "Grabe ang ganda talaga dito!" I said. Siya naman eh tinitignan lang ako.  "Uy picturan mo ako dito!" Utos ko sakanya. Di naman siya nag reklamo.  "Ay ang sweet naman ng boyfriend niya!"  "Oo nga sana ganyan din ang boyfie ko"  Narinig kong sabi ng mga babae. Hindi ko na lang sila pinansin.  Masayang nag libot kami ni Hayme sa museum. Nawala naman ang inis na nararamdaman ko sakanya. Sobrang bait niya kasi. Tas ewan nakakagaan ng loob pag kasama ko siya.  Gabi na rin kami natapos. Buti nga bukas pa eh. Niyaya naman ako ni Hayme mag dinner. Sabi ko wag na kasi late na kami nag lunch.  Pero pinilit niya parin. Hindi naman daw kami kakain ng heavy kaya pumayag nako.  After ilang minutes nakarating na rin kami. Dito lang kasi sa Antipolo.  "Cloud 9? Baka naman singilin mo sakin yung mga libre mo ah" Napatawa naman siya sa sinabi ko.  "Dont' worry, I wont" He said.  After niya mag park pumunta na kami dun sa may restaurant. Kinausap niya dun yung babae habang ako eh tinitignan ang view. Grabe ang ganda ng view dito. Kitang kita ang city lights.  "Let's go?" He said. I just nodded.  Nagulat naman ako na pumunta kami sa may hanging bridge na papunta sa 360 degree view.  "Seryoso?! Pupunta tayo diyan?" Tanong ko sakanya.  "Yup. Diyan din tayo kakain." "Pwede ba yun?" "Yup. Ako bahala. Let's go" He said then pumunta na kami sa hanging bridge.   "Te-ka! Wala bang ibang way?! Natatakot ako!" Sabi ko sakanya.  "Don't worry. Ako bahala sayo." He said.  No choice akong pumunta ng hanging bridge.  Habang pataas kami sigaw ako ng sigaw. Pag  humihinto ako hinahawakan niya ang kamay ko kaya nawawala medyo and takot ko.  "Finally!!!" Sigaw ko ng makarating kami.  Napatingin naman ako sa view. Wow kung maganda na ang view sa baba mas maganda dito.  "It's beautiful" I said.  "Yes it is" He said habang nakatingin sa view.  "Umm. Gabi." Tawag niya sakin.  "Yes?"  "About last night. Not because concerned ako sa wedding kaya hindi kita pinayagan. It's because sayo ako concerned."  Dug. Dug. Dug.  "Kakagaling mo lang sa sakit. I don't want you to get sick again. Sobra akong nag alala nung nahimatay ka. Can you promise na alalagaan mo ang sarili mo?" Naguguluhan ako sa mga sinasbai niya.  "I promise" Sagot ko. Kahit gulong gulo ako sa mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD