GABRIELLA MARIE's POV
Isang oras na kaming nag hihintay sa office ni Ma'am Thalia pero walang Sophia Reyes na dumating. Yung totoo mag papa sakal este kasal ba talaga siya kay Hayme?
Bigla naman akong nakatanggap ng text galing kay Kuya Hans. Kuya Hans is not my brother. He's my brother's best friend.
Fr: Kuya Hans
Gabriella Marie!!
Napairap ako dahil sa nabasa ko. Full name, mukang may kailangan 'to sa'kin.
To: Kuya Hans
Bakit?
"Anak sure ka bang dadating si Sophia?" Ma'am Thalia asked Hayme.
"Yes. I'm sure" He said and sighed.
Anong sure eh di sana andito na kanina pa yun! Panira ng schedule! Sa lahat ng bride-to-be na hinandle ko eh si Sophia lang ata ang late! Yung iba ang aga aga pumupunta dito kasi sobrang excited nila.
After ilang minutes nag reply na si Kuya Hans.
Fr: Kuya Hans
Pwede mo ba ako samahan next Wed? Mag paayos ako ng car.
Nagsalubong ang kilay ko sa nabasa ko. Hindi niya ba kaya ipa ayos ang sasakyan niya ng wala ako?
To: Kuya Hans
Saken ka lalapit kasi di avail friends mo! Second option mo nanaman ako!
Close din talaga kami ni Kuya Hans. Sabay sabay kaming tatlo lumaki. Para ko narin totoong Kuya si Kuya Hans. Minsan nga pag magkasama kami akala ng iba girl friend niya ako.
Well minsan pinag papanggap niya akong girl friend niya para layuan siya ng mga babae na pinag sasawaan niya.
Lalaki nga naman.
I know some of his friends. Pero si Kuya Gelo palang ata ang nakikita ko sa personal.
Fr: Kuya Hans
Ito naman! Ang drama mo! Sige na pls :(
Mag rereply na sana ako ng biglang nag salita si Hayme.
"Sino kausap mo boyfriend mo?" He said. Napairap naman ako sa sinabi niya.
"Ano bang pake mo?" Inis kong sagot sa kanya. Pakielamero!
"So It's your boyfriend?" He asked again.
"Omg Gabi! May boyfriend ka na?!" Gulat na tanong ni Ma'am Thalia.
"Ma'am, wala po. I don't have time for that"
"Anong I don't have time, baka wala lang talagang nanliligaw sayo" Dinedma ko na lang ang sinabi ni Hayme. Nireplayan ko na lang si Kuya Hans.
To: Kuya Hans
May choice ba ako? Sige na nga.
Fr: Kuya Hans
Da'best ka talaga! Kaya ikaw ang favorite kong kapatid ni Mar eh!
Munggago, ako lang naman ang kapatid ni Kuya. Hindi ko na siya nireplayan at tinago ko na lang ang phone ko.
Minutes have passed there is still no sign of Sophia Reyes.
"Sure ka bang dadating fiancee mo?" Tanong ko sakanya.
"Yes, I'm sure" He said.
"Kung sure eh asan na siya? Kanina pa natin siya hinihintay. Ang dami na kayang oras na nasasayang!"
Sanay na si Ma'am Thalia e sa ganitong eksena. Sa isang taon na nag tratrabaho ako dito ito palagi ang ginagawa namin ni Hayme. Ganito ata ang bonding namin.
Mag sasalita na sana si Hayme kaso biglang may tumawag sakanya. Lumabas naman siya ng office para sagutin yun.
"Ma'am Thalia, sorry po ah. Nag aaway nanaman po kami ni Hayme." I said.
Kahit close na close na kami ni Ma'am Thalia and kahit lagi kaming nag aaway ni Hayme nakakahiya parin kay Ma'am Thalia no. Syempre boss ko parin siya. And anak niya parin si Hayme.
"Don't worry about it Gabi. It's okay, ang cute niyo ngang tignan eh" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ma'am Thalia.
Mag rereact na sana ako kaso biglang dumating si Hayme.
"She's not coming" He said.
"Told yah" I said pero hindi ako nakatingin sakanya.
"Ikaw kanina ka pa! Bibigwasan na kita!" Sigaw ni Hayme. Luh pikon.
"Ma'am oh si Hayme!" Sumbong ko kay Mam Nadine at ngumuso.
"Hayme, stop it. Diba napag usapan natin na wag mong aawayin si Gabi" Ma'am Thalia said.
Nag belat naman ako sakanya.
"What?! Ugh! Unbelievable!" He said then napaupo naman siya.
"So let's plan the ay wait someones calling" Ma'am Thalia said.
"Hello Jae?"
"Yes. I'm at the office right now"
"You want to me to be with you right now? Why is everything alright?" Nakauwi na pala si Ate Jae galing Vegas.
"Oh okay. Pupunta na ako diyan. Bye" Ma'am Thalia said then she ended the call.
"Bakit may problema ba si Ate Jae?" Nag aalalan tanong ni Hayme.
"She's fine. Gusto niya lang daw ako makasama ngayon. Alam mo naman siguro sitwasyon nun ngayon"Paliwanag sakanya ni Ma'am Thalia. Tumango na lang si Hayme.
"So. I'll leave you two here. Kayo na ang bahala mag plano ng wedding okay? Bye" Ma'am Thalia said then umalis na siya.
5 minutes walang nag sasalita samin. Nakaupo lang kami ni Hayme.
"So lets start?" Pambasag ko ng katahimikan, kinuha ko na ang planner ko then nilapit ko yung upuan ko sa upuan niya.
"So what kind of wedding do you want? Beach wedding? Garden wedding? or Church wedding?" Tanong ko sakanya.
Pag tingin ko naman sakanya ang sama ng tingin niya saakin. Ano nanaman nag ginawa ko?
"Of course I want a church wedding! I'm gonna marry her in front of God!" Sigaw niya.
"Bat ka galit?! Wala naman akong sinabi na pakasalan mo siya sa harap ng dagat o ng halaman eh! Nag tanong lang ako kasi hindi ko naman alam!" I said. Di na siya nag salita.
"So saang church kayo mag papasakal este kasal? Gusto mo ba dun sa church kung saan kinasal yung Mom and Dad mo?" Tanong ko sakanya.
"No." Nagulat naman ako sa sinagot niya.
"Bakit naman? Ang ganda kaya sa Manila Cathedral" I said.
"Eh di ikaw ang mag pakasal dun" Inis niyang sagot. Yung totoo sa sama ba ng loob 'to pinag lihi?
"Wala akong boyfriend"
"So? It's not my problem kung panget ka" Na bwiset nanaman ako sa sinabi niya.
"Ay di ko na rin problema kung bakit wala kang taste sa babae"
"What do you mean?" Napairap naman ako.
"Wala! Ang slow mo. Anong motif?" Pag iiba ko ng usapan. Dahil ayoko na makipag away sa kanya.
"Sorry" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh? Anong sorry? Walang color na sorry!"
"No! I mean. Ugh" Magkasalubong nanaman yung kilay niya.
"You mean what?" Tanong ko.
"I mean, I'm sorry for what happened earlier. It's just nawala ako sa mood" He said.
"Ah okay lang. Naiintindihan naman kita. Kung ako ikaw, magagalit at matatakot din ako" I said.
"Bat naman ako matatakot?" Nag tatakang tanong niya.
"Kasi di ka niya sinipot ngayon and baka sa wedding di rin siya pumunta" I said.
"Sumusobra ka nanaman eh! Bibigwasan na talaga kita!" Sigaw niya.
"Bakit? Wag mong sabihin na hindi mo naisip yun kanina?" Tanong ko.
"Whatever. Mag plano ka na lang. You're my wedding planner right?" He said. Napairap na lang ako sus. Iniwasa ang tanong ko.
Bumalik na lang kami sa pag pa plano ng kasal nila.