Gabi's POV Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Medyo nakakasilaw ang sinag ng araw. Feeling ko namamaga yung mga mata ko. Pano ba naman kasi nakatulog ako kagabi sa kakaiyak. Pinilit kong bumangon para kumain na. Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Nag ayos na ko at kumain ng breakfast. After nun ginawa ko na ang morning routine ko. Lumabas ako ng bahay para makapag lakad lakad sa beach. Napapakalma talaga ako ng dagat pati ang simoy ng hangin. Napaka hawak naman ako sa tiyan ko. "Sorry babies ah pati kayo nadadamay" Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Kagabi kasi after kong makipag sagutan kay Hayme kumirot ang tiyan ko. Kinabahan ako nun kasi di ko alam gagawin ko at mag isa lang ako kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Good morning" Napangiti

