Gabi's POV It's been days simula nung maka uwi kami sa Batangas. Ilang araw na rin akong umiiwas. Ilang araw na ring walang tigil ako sa kakaiyak. Tuwing naalala ko yung nangyari gusto ko na lang maglaho pansamantala. Naisipan ko na nga bumalik sa condo ko eh. Kaso hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Nalaman na rin ni Kuya yung sitwasyon ko sinabi kasi sakanya ni Kuya Hans. Nalaman ni Kuya Hans dahil pinilit niya paaminin si Iya. Hindi ko lang alam kung alam na ng magulang ko. Nag overtime ako ngayon sa office. Ayaw ko kasing maabutan si Hayme sa bahay. Bigla namang nag ring phone ko. Pag tingin ko si Kuya tumatawag. Hindi ko na lang pinansin, alam kong kukulitin lang ako niyan na umuwi na sa Cebu. Kaya pinatay ko yung phone ko at nag trabaho na lang ulit. 9 PM na ko natapos.

