Pagsuko (Chapter 25)

3526 Words

CHAPTER 25 CLYDE POINT OF VIEW "Paano, this is it na talaga ha? Kanya-kanya na ba tayo?" paninigurado ko sa kaniya. Andami pa rin kasi niyang sinasabi. Gusto ko na kanina pa na matapos ang lahat ng kadramahan. Said na ako. Stress na stress na! Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin. Basa na ng luha ang mukha. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Mahal kita e.” Hinila ko ang kamay kong hawak niya. “Masakit sa aking gawin ito,” pagpapatuloy niya, “ngunit kung ito ang paraan para kapwa matahimik ang buhay natin ay gagawin ko.” “Perfect! Naiintindihan kita at suportado ko ang kagustuhan mo.” “Sana sa paraang ganito ay matigil na nang tuluyan ang pagsasakitan natin.” “Sigurado ‘yon.” “Hindi ko alam kung paano akong magsisimulang muli ngunit alam kong makakaya ko ng paunti-unti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD