CHAPTER 23 Clyde’s Point of View Kumilos siya. Kinuha ang mga lagayan ng kanyang mga damit. Nag-empake. Humihikbi siya habang ginagawa niya iyon. Nakikita ko kung paano siya nasasaktan. Hindi ko na kinakaya ang aking nakikita. Bumalik ang lahat ng aming alaala nang kami ay masaya pa. Bigla akong nakaramdam ng awa. Bigla kong naisip na kung aalis siya, magsasama silang muli ni Bruce at maaring hindi ko na siya muli pang makita. Hindi ko alam ngunit gulung-gulo na ako. Iyon bang alam kong magulo na ang relasyon namin ngunit ayaw ko namang tuluyan siyang mawala. Iyon bang nasasaktan na ako sa pakikipagkita niya kay Bruce ngunit hindi ko kayang isiping tuluyan na akong mawawalan ng karapatan pa sa kaniya. Alam kong nasasaktan ko na siya ngunit iyon din lang ang alam kong paraan para ipadama

