Chapter 3

1231 Words
"Kuya? Wow i can't believe you remember me today?" "I have favor for you.." "I'm fine kuya. Ikaw kamusta ka? Akala ko zombie ka na sa pagtatrabaho eh. May favor ka lang pala akala ko pa naman naalala mo ang pinakagwapo mong kapatid.." Sarcastic nitong sagot sa kabilang linya "Did you remember liza?" "The crazy girl? Yung first love mo?" "Damn it Miguel. Hindi ko first love yun" Humalakhak ito sa kabilang linya "So tumawag ka sakin dahil tungkol ito kay ate Liza?" "Yeah.. wait kailan mo pa siya naging ate? Stop it miguel kilabutan ka naman sa sinasabi mo" Tumawa muli ito "Kuya alam ko naman may gusto ka kay ate liza noon pa man ayaw mo lang umamin. Anyway anong favor ba?" "Gusto ni mommy bigyan ko ng trabaho ang babaeng yun, You know how much i hated her--" "Haha. Yeah dahil hinalikan ka niya dati?" Lalo siyang nainis dahil pina-alala pa nito ang dahilan kung bakit inis na inis siya sa babaeng yun.. Flashback... "Anong ginagawa mo dito sa classroom ko?" Masungit niyang tanong kay Liza. Anak ito ng bestfriend ng kanyang mommy. Galit ang mukha nito. "Bwisit ka angelo.." Gusto niyang matakot dahil kulay itim ang lipstick nito. Higit sa lahat nakakatakot ang eyeliner nito sa mata Lalo na kalbo ito at walang kilay kaya naman nakakatakot talaga ang itsura nito Napa-atras siya dahil lumapit ito sakanya. Matangkad siya kaya nakatingala ito habang kinakausap siya "Pinag kalat mo sa school na sinapian ako?!" Galit na tanong nito sakanya "Yeah. Nagtatanong sila kung bakit ka kalbo ngayon. I j..just told them na sinapian ka. Pasalamat ka nga hindi ko sinabing nababaliw ka na--aww s**t" Na-out of balance siya dahil tinulak siya nito ng malakas. Napahiga tuloy siya sa semento ng classroom nila. Halos lahat ng mga kaklase niya nakatingin sakanilang dalawa Nanlaki ang mata niya dahil umupo ito sa kanyang tiyan kaya hindi siya makatayo. Hinawakan nito ang kwelyo ng kanyang uniporme. "Gwapo ka sana kaso chismoso ka! For your information hindi ako baliw at lalong hindi ako sinasapian!" Napalunok siya dahil hindi niya inaasahan na mabango ito. Amoy baby cologne ang babaeng ito. Amoy na amoy niya din ang fresh breath nito kahit pa kulay itim ang lipstick nito "A..Ano bang kinagagalit mo? Edi hindi na kunh hindi! Get off me!" "May girlfriend kana daw ha?!" Napakunot ang nuo niya dahil sa tanong nito. Bakit naman ito magagalit kung may girlfriend na siya? "A..Ano naman pake-alam mo?" "s**t ka angelo. Sinaktan mo puso ko!" Hinatak nito ang kwelyo ng kanyang uniform at nanlaki ang kanyang mata dahil bigla siya nitong hinalikan ng madiin na madiin sa kanyang labi Nagsigawan at nagtili-an ang mga kaklase niya dahil sa ginawa nito Humiwalay agad ito sa pagkakahalik sakanya. At mabilis na tumakbo palayo sa classroom nila. Pakiramdam niya ang bilis ng t***k ng kanyang puso Damn! D..Did she just kissed me? Pinunasan niya ang kanyang labi. May kulay itim na lipstick ang naiwan sa labi niya "Eeeewwww! Kadiri ka Angelo! You kissed that girl?! Break na tayo!" Napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil kahit kailan talaga kamalasan ang bitbit ni Liza sa buhay niya. Simula noon di na niya ito muli nakita dahil nag desisyon na siyang mag aral sa america. End of flashback.. "Kuya? Still there?" Inalog niya ang kanyang ulo sa mga flashbacks na na-aalala niya padin hangang ngayon "Y. Yeah.. About my favor" "Kanina ko pa tinatanong kung ano yung favor mo kuya. Pero natulala ka na yata diyan?" "I want you to hire liza as a singer in your bar--" "What?! Ayoko nga kuya panay kabaliwan ang babaeng yun eh!" Napangiti siya. Naglaro sa kanyang imahinasyon ang itsura nito kaninang umaga. As usual itim na itim padin ang lipstick nito. Mahaba na ang buhok nito ngunit kulay pink naman. Nagmukha tuloy itong ibon. "Yeah. mukhang mas baliw na siya ngayon" "Nako naman kuya baka makunsumi lang ako kay Liza--" "Just hire her. Kapag may ginawa siyang kabaliwan fire her. Ganon lang kasimple" "Bakit ba kasi ayaw mo diyan nalang siya sa kompanya mo kuya? Ang daming positions diyan---" "Ayokong sumakit ang ulo ko araw araw--" "Baka ibang ulo ang ayaw mong sumakit kuya? Tell me. sexy padin ba si ate liza hangang ngayon?" pang aasar ni Miguel sakanya Napalunok siya. Dahil mas lalong sumeksi ang babaeng baliw na iyon. Hangang ngayon malaki padin ang dibdib nito. At sexy padin ito kung manamit. Kurbang kurba padin ang bewang nito lalo na ang matambok nito puwet. what? Never akong maseseksihan sa babaeng yun! "Yuck.. She's gross" "Weh yuck ba talaga? Remember kuya noong nakitulog ako sa kwarto mo?" Napakunot ang noo niya ng maalala iyon "No i don't remember" "Hahaha Nag wet dreams ka at pangalan ni ate liza ang binabangit mo--" "Damn you Miguel. See you later!" He ended the call. Napabuntong hininga siya. Noong nagbibinata kase siya madalas niyang napapanaginipan si Liza. Damn it angelo tigilan mo nga pag iisip sa babaeng kutong lupa na yun? Napatingin siya sa kanyang cellphone ng tumunog iyon Mary Jane is calling you... Agad niyang sinagot ang tawag nito "Hello baby!" masigla nitong bati sakanya "Why?" "Wala lang namiss lang po kita. Nandito kami sa church ngayon nila mama. kakatapos lang namin magsimba" "May misa ba ng ganitong oras?" napatingin siya sa relong pambisig niya. It's already two in the afternoon. "Ah..Eh.. I mean nagdasal lang kami doon baby.. Kamusta ang araw mo?" "Okay naman. Nga pala hindi kita mapupuntahan mamaya dahil may b..business meeting ako" "Ganon ba? Ayos lang yun baby" Si Mary jane ang kanyang bagong girlfriend. Nakilala niya ito sa isang simbahan. Mukhang napakabait nito. Simple lang ito kaya niya ito nagustuhan. Unlike Liza. Tss bakit ko ba kinokompara lahat ng babae sa baliw na babaeng yun? Nakaka-anim na girlfriend na siya. Lahat ng iyon mga babaeng simple lang. Ang problema naghihiwalay din sila dahil hindi daw siya sweet sa mga ito. Anong gagawin niya? Hindi siguro talaga siya sweet na tao. "Bye. Ingat kayo" "B..Bye agad? Busy ka ba baby?" "Oo madami pa akong trabaho" Napabuntong hininga ito "Osige bye baby. I love you!" Malambing nitong paalam "Bye." He ended the call. Sinimulan na niya ang kanyang mga aasikasuhin na trabaho. Ngunit hindi siya makapag concentrate ng maayos dahil naiisip niya ang baliw na babaeng iniiwasan niya sa mahabang panahon Naputol ang pag iisip niya tungkol kay Liza dahil nag ring ang telephone sa kanyang desk "Mr.Hoffman miss liza is already here, hihintayin nalang daw po niya kayo sa lobby. Makulit po siya boss hindi po siya nakikinig samin. Sinabihan na po namin siya na mamaya pa po ang out niyo--" Napahawak siya sa kanyang nuo. Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang babaeng yun. Sinabihan na nga niya itong alasiete pa sila ng gabi magpupunta kay miguel. "Hayaan niyo nalang" "Po? Sige po boss.." Binaba na niya ang telephone. Napabuntong hininga siya. Kahit kailan talaga matigas ang ulo ng babaeng yun. Hindi ba nito naisip na sobrang aga pa? Mag-aalas tres palang ng hapon. Hays sakit talaga sa ulo.. Tinawagan niya ang kanyang secretary "Cancel all my appointments today." "Ha? Ano Po?" "Cancel my appointments. Early out ako ngayon.." ulit niya. Hindi ito makapaniwala dahil ito ang unang beses niyang mag early out at higit sa lahat mag cancel ng appointments. "O..Okay boss" Inayos niya ang kanyang table bago siya lumabas ng kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD