Chapter 1

1534 Words
Chapter one... "Ate hangang anong oras ka ba matatapos sa pag lagay ng nail polish? Malate ka na sa job interview mo!" Sigaw ni monica "Ay palaka ka!" Nagulat siya sa sigaw ni monica kaya naman nasira tuloy ang black nail polish niya. "Kasi naman monica eh! Ginulat mo naman ako. Hays! nasira tuloy ang kuko ko!" "Jusko ate ano yan? Bakit ka nag cutics ng ganyan?! Lagot ka nanaman kay inay eh!" Lumapit si monica sakanya at pinulot nito ang maruruming damit na nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto "Hays uulitin ko pa tuloy to. Imbis na tapos na eh nasira pa tuloy!" reklamo niya. "Ate ano ba tong kwarto mo? Kwarto ba to o bodega?" Nakasimangot nitong tanong sakanya habang nililigpit nito ang marurumi niyang damit, mga tissue at bulak na naka-kalat sa sahig Magulo ang kanyang kwarto. Hindi kasi siya mahilig maglinis. Mas madalas niya pa linisin ang kanyang kuko kaysa sa kanyang kwarto "Pwede ba monica wag mo nga akong pagalitan. Mas matanda ako sayo ha" "Eh kasi naman ateang dumi dumi ng kwarto mo. Linis ako ng linis kalat ka naman ng kalat!" "Wag mo na kaseng linisin. Dudumi din naman yan eh!" kumuha siya ng acetone upang burahin ang nasirang cutics niya. "Paano ka makakahanap ng matinong trabaho ate. Nakikita mo pa ba ang sarili mo?" nakakunot nuong tanong nito sakanya habang patuloy padin ito sa pagpulot ng mga kalat sa kanyang kwarto "Oo nakikita ko pa naman itsura ko..." "Oh eh anong say mo sa itsura mo ate? Natatakot ka ba ha?" "Hmm Napapansin ko lalo akong gumaganda sa paglipas ng mga araw---Aray!" Binato siya nito ng maruming damit at sapul ang kanyang mukha "Tigilan mo nga yan ate! Look at you! Mukha kang.. mukha kang.. Ewan! Di ko maexplain ate! Tignan mo yang mga hikaw mo. Bakit ang dami niyan? Apat apat ang butas ng tenga mo ate! May hikaw ka pa sa pusod mo! Nakakakilabot na!" Napangiti siya sa reaksyon ng kanyang kapatid. "Palibhasa wala kang alam sa fashion!" Biro niya. Sinubukan niya itong balewalain at tinuloy niya padin ang pag lagay ng cutics sa kanyang kuko. "Fashion ba yan ate?! Palaging high blood si inay sayo eh! Graduate ka nga ng college pero di ka naman makahanap ng matinong trabaho dahil diyan sa itsura mo--" "Wala lang talaga taste mga employer--" "Ate naman! Grow up please! Tigilan mo na yang pagiging baduy err rakista errr basta! Di ko na alam itatawag ko sayo ate eh! " "Ingit ka lang sa pink hair ko eh." bulong bulong niya habang dakdak ito ng dakdak "Ate naman.. Haaays kahit kailan talaga wala kang pinapakingan samin.. Bilisan mo na diyan late kana sa interview mo.." Napabuntong hininga nalang si monica at lumabas na ito ng kwarto niya. Mukhang sumuko na ito sa pagpapangaral sakanya Napa-iling iling nalang siya. "Ano bang problema nila sa anyo ko? Ganito ang uso ngayon eh.." Niligpit na niya ang kanyang nail polish bag. Panay red and black lang nanan ang mga cutics na laman ng bag na iyon. Itinago niya yun sa drawer niya. "Hmm maganda naman mga hikaw ko ha?" Napatingin siya sa salamin. Sa totoo lang gandang ganda siya sa kanyang sarili . Pink hair color and black lipstick suits her. Para bang ang ganda ganda niya! "Pang ** nga tong aura ko eh.." ginalaw galaw niya pa ang kanyang itim na itim na kilay. Ginagaya niya kasi ang kanyang idol na si lady gaga. Ngunit pakiramdam ng mga tao sa paligid niya nababaliw na siya. "Hays. Anong gagawin ko. Eto ang gusto kong aura.. bahala nga sila" Palagi niyang kinakausap ang kanyang sarili wala naman kaseng nakakaintindi sakanya kundi sarili niya lang. madami siyang trip sa kanyang buhay na hindi maintindihan ng pamilya niya "Jusmiyo! Anak naman! Ano yang suot mo?!" Napalingon siya sa pinto ng kwarto niya kakapasok lang doon ng kanyang inay bebang "Rock po nay.." biro niya heto nanaman si nanay papagalitan nanaman ako. "Anak ka ng patis!---" "Anak po ako ng amerikano--" Lumapit ito at piningot ang kanyang tenga. Kahit twenty five years old na siya ganito padin siya pagalitan nito. "Aray nay naman!" hinaplos haplos niya ang kanyang tenga "Magpalit ka ng damit mo don! Job interview ang pupuntahan mo at hindi halloween party!" "Ano po bang masama sa damit ko?--" "Lahat yan! Jusmiyo kang bata ka. Hindi ka pwedeng mag apply ng ganyan ang suot mo!" Pinasadahan nito ng tingin ang suot niyang damit. Isang tube top na kulay itim ang suot niya may butas iyon sa bandang pusod niya upang makita ng husto ang hikaw ng kanyang pusod Nakasuot din siya ng itim na palda. Sobrang iksi ng kanyang palda kaya naman nag suot siya ng stockings na kulay itim. Tinernuhan niya iyon ng itim na boots hangang kalahati ng binti niya "Maganda naman diba nay?" umikot ikot pa siya sa harap nito "Jusko kang bata ka! Ipapasok na talaga kita sa mental hospital! Mag bihis ka don! nakakahiya kay angelo kung ganyan ang itsura mo!" She rolled her eyes. kaya nga ganito ang aura ko para makita ni angelo ang tunay na ganda ko "Nay naman. Kilala naman ako ni angelo mula bata pa kami kaya siguradong tatangapin ako nun!" "Jusko liza! Walang matinong employer ang mag hire sayo kung ganyan ang itsura mo. Mahiya ka naman anak. Naki-usap lang tayo kay tita abby mo na ipasok ka sa kompanya ng mga Hoffman para magkaroon kana ng trabaho! Limang taon kanang graduate anak pero wala ka padin nakukuhang trabaho---" "Meron naman nay. Singer ho ako---" "Singer? Pagkanta ba ang tawag mo diyan sa ginagawa mo?!-" halos maglabasan na ang ugat sa leeg ng kanyang ina. "Relax lang nay. Ang puso niyo" Babatuhin sana siya nito ng suklay na nadampot nito. Mabuti nalang nakaiwas siya "Bwisit ka! Umayos ka naman anak. di kana bata alam mo na ang tama at mali. Paano ka din makakapag asawa kunh ganyan ang itsura mo? Matinong trabaho nga hindi ka matangap---" Napatigil ito sa pag sasalita ng mapansin nitong nasaktan na siya sa mga sinasabi nito. "A..Anak sinasabi ko lang naman ang mga ito--" "Nay tama naman kayo eh. Mismong pamilya ko nga hindi ako matangap paano pa kaya sa ibang tao? Pero anong magagawa ko dito po ako masaya. Sige alis na po ako.." malungkot siyang lumabas ng kanyang kwarto Pagtalikod niya napangiti siya. Best actress talaga siya kahit kailan! Palagi niya dinadramahan ang kanyang ina upang payagan siya nito sa mga trip niya sa kanyang buhay. "Good luck sa interview mo ate.." Nakasalubong niya si monica sa hagdanan ng kanilang bahay mabuti nalang hindi nito nakita ang ngiting tagumpay niya "Thanks.." lungkot lungkutan niyang sagot Niyakap siya nito "Ate naman wag kana nga ganyan. Pinapagalitan ka lang naman namin dahil ayaw namin habang buhay kang ganyan" Tumango tango lang siya "Sige na mauna nako. Baka malate nako" Napabuntong hininga nalang si monica at hinayaan nalang siyang lumabas ng bahay nila Napangiti siya. Wala talagang taste si nanay at monica eh. Mga baduy kasi hihihi "Hoy liza!" Napalingon siya sa kuya Lito niya. Nag lilinis ito ng bagong sasakyan nito. "Oh bakit kuya?" "Wag mong gagamitin ang motor ko ngayon dahil sira yan" "Nako kuya kailangan ko mag motor eh. Nagmamadali nako eh." "Ang kulit mo. Mag taxi ka nalang--" "Bye kuya!" tumakbo na siya papunta sa nakaparada nitong motorsiklo. May duplicate key siya ng motor nito dahil palagi niya yung ginagamit "Hoy liza bumalik ka ditooo!" sigaw ng kuya lito niya habang hawak hawak nito ang host na pang linis sa kotse nito Ang damot talaga ni kuya palagi nalang sinasabing sira tong motor niya kahit di naman sira. Ayaw lang nila akong gumamit ng motor eh Pasipol sipol pa siya habang nagmamaneho ng motorsiklo ng kuya niya. "Wooooo magkakatrabaho nako. See you later angelo!" sigaw niya habang nag momotor siya ng mabilis malapit na siya sa hoffman building ng maramdaman niyang mahina ang kapit ng preno. "s**t!" Dahan dahan siyang pumasok sa parking area ng Hoffman's building. Mabuti nalang naagapan niya ang pag semplang niya. Bumungo siya sa pader ng parking lot kaya nahulog siya sa motorsiklo "Aray ko po!" Napaluhod siya kaya naman may sugat tuloy ang tuhod niya. Nasira tuloy ang black stockings niya. Nabutas iyon s bandang tuhod "Hoooo hooo.." hinipan niya ang sugatan niyang tuhod "Ma'am ayos lang ho ba kayo?" Napalingon siya sa security guard sa kanyang likod. Tinulungan siya nito upang itayo ang kanyang motorsiklo "Ayos lang ako manong. Salamat po" Tinitiis niya lang ang hapdi ng kanyang sugat Bahagyang nagulat ito sa kanyang mukha. marahil dahil sa itim niyang lipstick. Ngumiti nalang siya dito at inabutan niya ito ng bente pesos "Wag na ho ma'am" "Sige na po. Pang yosi niyo po" "Hindi ho ako nag yoyosi ma'am--" "Pamasahe niyo nalang. Bye! Salamat po" Tumakbo na siya papasok sa building ng Hoffman's. yare ako late nako. Chineck niya muna ang kanyang itim na nail polish kung nasira iyon. Napangiti siya dahil hindi iyon nasira Pakiramdam niya kase sa tuwing nasisira ang nail polish niya nasisira din ang kanyang araw Pag pasok niya sa Hoffman's building maraming mga tao ang napapalingon sakanya Dinededma lang niya ang mga ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD