Chapter 2: TAHANAN

1255 Words
TWO: Hanggang sa makilala ko si Miguel.. Pinsan siya ng isang kasamahan ko sa trabaho na si Clarisse. Matagal na siya nitong inirereto sa akin. Matagal din siyang nanligaw sa akin. Bago ko siya sinagot. Isa siyang part time Engineer. Gwapo, mabait at malambing siya. Kaya siguro agad ko siyang nagustuhan. Kahit matanda siya sa akin ng labing limang taon. Naging masaya kami sa nakalipas na ilang buwan bilang magkasintahan.. Sa idad kong 23 anyos at 38 naman si Miguel nagpasya kaming tuluyan ng magsama. Kaya lumipat kami ng mas maayos na apartment. Kasabay ng pangako na magpapakasal kami kapag nakaipon na! Pagpapakasal na hindi na nangyari pa.. Sabi ng marami.. Makikilala mo lang daw ang isang tao kapag nakasama mo na siya sa iisang bubong.. Tama sila! Dahil ang buong akala ko kilala ko na si Miguel.. Hindi pala! Totoong napakasaya ko sa una naming naging pagsasama. Ngunit nang lumaon saka ko lang ganap na nakita. Ang tunay niyang ugali.. Bukod doon ang pagiging part time Engineer niya. Naging fulltime na! Fulltime tambay na siya ngayon. Hindi naman nakapagtataka. Dahil sa ugali niyang mapagmalaki, mayabang at higit sa lahat sadista. Madalas siyang umuwi ng lasing.. Halos araw-araw din niya akong sinasaktan. Minsan pagkatapos niya akong saktan. Bigla na lang akong dinugo. Nalaman ko na lang na buntis pala ako sa sana'y una naming anak. Pero patuloy pa rin akong nakisama sa kanya, umaasa na magbabago rin siya. Lalo na kapag nagkatrabaho na siya ulit. Kailangan ko kasing paasahin ang sarili ko. Dahil siguro mahal ko na rin siya talaga at umaasa na.. Isang araw magkakaroon ulit kami ng anak at magiging isang ganap na pamilya. Ayoko na kasing mag-isa, natatakot na akong mag-isa. Ayoko ng malungkot at nag-iisa. Simple lang naman ang pangarap ko. Ang maging masaya, ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya, ang magkaroon ng tunay na tahanan na mauuwian. My greatest fear in life.. 'Yun tumanda akong nag-iisa, malungkot at walang bahay na pwedeng uwian.. To be a homeless again.. Kaya kailangan kong pagtiisan ang lahat at umasa na magbabago rin ang lahat para sa amin ni Miguel.. Si Miguel lang kasi ang nag-iisang kong pamilya. Parang replay lang naman ng buhay ko noon ng pamilya ko.. Kung matatawag nga ba kaming isang pamilya? May nanay at may tatay pero? Ang pagkakaiba lang.. Ako na ngayon ang nasa lugar ng nanay ko. Hindi ko tuloy maiwasan na palagi siyang maalala. Ngayon ko lang narealized mahal din pala ako ni nanay. Nagawa rin pala niya akong pahalagahan at protektahan noon hindi ko lang nakita. Dahil bata pa ako noon.. Dati ang akala ko galit siya sa akin. Kapag sinasaktan siya ni tatay sa tuwing uuwi itong lasing o lango sa gamot. Madalas ikinukulong niya ako sa loob ng aparador, sa isip ko tuloy gumaganti siya sa akin pagkatapos.. Ngayon ko lang lubos na naintindihan. Gusto lang pala niya akong itago kay tatay at kung bakit nagawa niyang ipamigay ang mga naging kapatid ko. Dahil marahil iniisip niya na hindi naman n'ya ito kayang protektahan. Ang mahalaga kailan man hindi niya naisipang magpalaglag.. Naalala ko pa.. Minsan sinabi rin niya sa akin.. Dapat daw iwanan ko na rin siya. Dapat daw ipinamigay na rin niya ako noon.. Dahil hindi daw siya ang karapat-dapat kong maging ina! Ngayon ko siya higit na naiintindihan ngayong narito na rin ako.. At sana'y isa na ring ina? ______ Muling lumipas ang mga araw. Hanggang.. Isang araw. Nalaman ko na buntis ako ulit sa ikalawang pagkakataon. Napakasaya ko ng araw na iyon.. Bulong ko pa sa aking sarili habang hawak ko ang impis ko pang tiyan. "Anak naririnig mo ba ako? H'wag kang mag-alala aalagaan kita.. Hindi na ako papayag na mawala ka sa akin.. " "Palalakihin kita magiging masaya tayo anak pangako 'yan! Ikaw lang ang magiging kakampi ni nanay tandaan mo 'yan! Kaya sana h'wag kang gagaya sa kapatid mo ha? Huwag mo sana akong iiwan anak.." Noong araw ding iyon masaya kong ibinalita kay Miguel ang pagbubuntis ko. Huli na ng marealized ko na hindi ko pala dapat ginawa iyon! Dahil sa halip na matuwa siya! Bigla na lang niya akong tinitigan ng masama! "Anong sabi mo?" Mariing niyang tanong kasabay ng mariin din niyang paghawak sa aking mga braso at tinitigan niya ako ng nanllisik niyang mga mata, sabay tanong niya ng.. "Kanino anak 'yan! Niloloko mo ba ako ha?" "Hindi! Miguel ano bang sinasabi mo? Hindi kita niloloko.." Nahihintakutan kong sagot, kasabay ng paulit ulit na pag iling.. "Ah! Gano'n? akala mo ba hindi ko alam na nagmana ka lang sa Nanay mong malandi. Kaya nga siya naging kabit ng Daddy ko! Ang naging dahilan kung bakit nagpakamatay ang Mommy ko. Dahil iniwan niya kami dahil sa put*** ina mo!!" "Miguel a.. anong? Hindi ko maintindihan." sagot ko na puno ng pagkalito. "Hindi mo maintindihan o sadyang tanga ka lang ha? Akala mo ba gusto kong magkaanak sayo? At saka hindi naman ako naniniwalang sa akin nga 'yan!" "Miguel ano bang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw lang ang lalaki sa buhay ko!" Sigaw ko. Dahil sa halo halo na ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ang sakit pala sa pakiramdam na pinagdududahan sa isang bagay na hindi mo naman ginawa o kahit naisip gawin. "At sinong niloloko mo ha? Nasaan ang lalaki mo? Papatayin ko siya!" Sigaw niya kasabay ng paghawak niya sa magkabila kong braso at pagyugyug sa akin.. "Miguel maniwala ka wala akong ibang lalaki.. Ikaw lang Miguel!" Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak! Dahil sa magkahalong takot at pag-aalala na baka maulit na naman 'yung una. "Maniwala? Sinungaling.. Pak!" Sigaw niya kasabay ng malakas na pagsampal na nagpayanig sa akin! Ito na ang kinatatakutan ko, mauulit na naman ba? Hindi! Hindi pwede pero.. Alam kong hindi lang sa isang sampal matatapos ang lahat. Katulad ng palagi na niyang ginagawang pananakit sa akin! Kaya bago pa siya muling makalapit.. Lakas loob na akong nagsalita at umasa na makikinig siya sa akin. "Miguel! Maawa ka sa akin Miguel.. Huwag mo akong sasaktan! Buntis ako maawa ka sa anak natin.. Anak mo ito maniwala ka sana.. Mahal kita Miguel ikaw lang maniwala ka!" Puno ng takot kong pagmamakaawa sa kanya. Habang pilit akong lumalayo ng paurong.. Habang palapit naman siya ng palapit.. Takot na takot ako.. Pero parang wala lang siyang naririnig. Patuloy lang siya sa paglapit.. Habang sa isip ko, hindi s'ya dapat makalapit sa akin, sasaktan niya ako. Alam ko tulad ng dati niyang ginawa. Hindi na ako papayag na madamay pa ang anak ko. Hindi! "Diyos ko tulungan n'yo po ako! Ano ba itong lalaking minahal ko? Huwag n'yo po akong pabayaan sa kanya lalo na ang aking anak." Mahina kong dalangin.. Ngunit maski yata ang langit hindi na ako naririnig.. Dahil ang gabing iyon! Ang gabing hinding hindi ko malilimutan. Habang ako ay nabubuhay! "Miguel!" "Huwag po.." Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag! "Halika! Alam ko na.. Maglaro tayo ha? Ako ang taya! Kaya kailangan mong magtago, mahal ko!" Sabi niya na nakangisi.. Tingin ko nababaliw na s'ya! Hanggang sa.. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hablutin sa buhok! Dahil na rin sa pagkagulat ko! Napasalampak na ako sa sahig.. "Halika mahal.. Kailangan mong magtago. Para hindi ka na makita ng lalaki mo! Halika!" Sigaw niya na nagpanginig na sa buo kong kalamnan! Kasabay ng magkahalong pakiramdam ng pagkabanat ng aking anit at sakit ng aking pang-upo. Napatili ako sa sakit.. "Ahhhhh! Miguel!!" * * *TY  MG'25 (12-19-20)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD