PART 2

1033 Words
Sumakay agad sa kotse niya si Faith. Sa high tech din na kotse niya. At sinigurado niyang nasundan niya ang mga kidnapper ng kanyang target. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang patayin pa rin ang target niya pero hinayaan niya muna dahil na-curious siya sa tatlong lalaking mapangahas na kumidnap sa target niya. Sa tingin niya kasi ay mga ordinaryong mga lalaki lang ang mga iyon. Pero malalakas ang loob na kidnap-in ang isang bilyonaryong negosyante. How amazing! Isa pa dati pa niyang naririnig ang mga kidnapper na mga ito. She was now interested to them. Sinuot niya ang high tech din niyang smart eyeglass or wearable computer glass. Na kayang mag-detect ng mga information ng mga bagay na ititingin mula rito. Magmimistulang robot ang taong magsusuot. Mababasa sa mata ang mga kulay green na information na lalabas sa screen ng eyeglass. At kaya rin nitong mag-capture ng picture o mag-save ng video gaano man kalayo at kabilis ang object. Subalit anong pagkadismaya ni Faith nang itutok niya ang tingin niya sa plate number ng van dahil 'no info' ang lumalabas. Meaning gawa-gawa lamang o peke ang plate number ng sasakyan. Well, what will she expect? Padaskol na tinanggal niya ang aakalaing ordinaryong eyeglass na iyon sa kanyang mga mata. At siguro'y mga nakatunog ang mga lalaki sa kanya dahil biglang nagkyambo ang van pakanan kung saan ay dead end ang kalsadang iyon imbes na magdire-diretso lang. Napangisi siya na dumeri-diretso na lang para hindi siya mas paghinalaan. "Wala na ba 'yung sumusunod sa'tin?" nakikiramdam na tanong ni Rey sa mga kasama. Buti na lang at naging mailap ang paningin niya kanina at napansin niyang sinusundan sila ng kotse ng babaeng hindi niya namukhaan. "Wala na, Pare? Ano ba 'yon? Parak?" kinakabahang tanong ni Jomar. "Hindi ko alam," sagot niya. "Sige tara na." ANG HINDI NILA ALAM ay pumarada lang si Faith sa 'di kalayuan. Sa isang pindot niya sa maliit at special na button sa kotse niya ay nag-iba ang kulay ng kotse niya, a Color Changing Car. Ang kanina'y nangingislap na red ay naging itim ng kotse. Ganoon katindi ang gamit niya bilang isa sa mga pinakamagaling na assassin sa bansa. Pero ang kakayahan niyang iyon ay ginagamit lang niya para sa mga utos ng kanyang ama na businessman. Para sa mga kalaban ng kanyang ama sa negosyo for exact. Napangiti siya nang dumaan na sa tapat ng kotse niya ang van at sinundan niya ulit. Binuntutan niya ito saka binuksan ang bintana. Inilabas niya ang kamay niya na may hawak na baril, baril na hindi ordinaryong bala ang karga, it was a high tech mini camera. Nang binaril niya ang likod ng van ay dumikit doon ang napakaliit na camera. Mabilis lang iyon pero ilang capture na agad ng larawan ang nakuha nito na nag-transfer sa tablet niya, kahit pa tinted ang salamin ng van, then nahulog at sumabog. Well, for now gusto niya munang maglaro kaya pinabayaan na niya ang mga ito, at umuwi na. Pagpasok niya ng bahay ay pinasa niya agad ang napakaliit na flash drive kay Jhie. "I-check mo ang lahat ng mga info ng mga lalaking nandiyan," at aniya rito sa seryosong-seryoso ang mukha. "Kumusta ang lakad mo?" Agad na sinalampak ni Jhie ang flash drive sa isang port ng animo'y simpleng laptop lang. Pero nang may pinindot si Jhie ay nagsilabasan ang mga hologram monitor sa paligid nito. Nagbihis muna siya. Walang ano mang naghubad siya ng damit. "Anong meron?" Saka siya nakiusyoso sa ginagawa ng alalay. She crossed her arms over her chest at nakibasa sa mga nakasulat sa monitor. "Sila ang matinik na kidnapper sa bansa. Ang Kidnapper Kid kung tawagin. Bakit ka naman nagka-interesado sa kanila?" tanong ni Jhie na panay ang tipa sa mga keyboard. Napabuntong-hininga siya pagkuwa'y napaisip. Bakit nga ba? "Wait! Siya si--" Gitla si Jhie sa nakita pa nitong larawan. Tapos ay takot na napatingin sa kanya. "Hindi mo napatay?" She shrugged her shoulder. "Kinidnap, eh." Natampal ni Jhie ang sariling noo. Alam na kasi nito kung ga'no kadelikado kapag hindi magawa ni Faith ang pinapatrabaho ng ama nito. At ito na nga, dahil biglang may dumaan na ngang napakabilis na bala sa pagitan nila na nag-uusap. Nanlaki ang mga mata nila. Agad na dumapa si Jhie habang si Faith ay parang matrix lang sa pelikula na nag-bend ng kanyang katawan huwag lang matamaan ng sumunod pang bala. Pagkuwa'y paback-tumbling na nagtago siya sa pader. Hinugot niya ang baril niya na nakakabit pa sa kanyang hita. At nang tumigil sa pagbaril ang pumupuntirya sa kanila ay walang takot niyang hinarap ito at papaputokan din sana. Subalit natigilan siya nang makita sa kabilang building kung sino ang bumabaril sa kanila. Nag-vibrate sa kanyang daliri ang singsing niya, may tawag. Hinugot niya iyon at inilagay sa tainga niya. Naniningkit ang mga mata niyang pinindot iyon. "Sister, you don't change a bit. Maliksi ka pa rin," sabi ng boses babae roon. Her brows knitted. Ang Ate Len niya iyon. Isa ring assassin pero mas malupit ito keysa sa kanya. At hindi niya kasundo. "You're a goddamn crazy b*tch!" she cussed. Ibinaba na niya ang baril niya. "Yeah, I know. Pero kasi pinapalalahanan ka ni Dad. Rule number one! If he said kill! KILL!" "Alam ko!" Tumawa ang ate niya pagkuwa'y nakita na niya itong nagpadausdus sa building pababa. Para itong ibon na pabagsak sa lupa. "Sino 'yon?" Nakahingang labas ni Jhie sa pinagtaguan nito nang makita nitong tinilapon niya kung saan na lang ang baril niya. Ibig sabihin wala na ang kalaban. "Si Ate Len," sagot niya. Isinuot niya ulit ang singsing niya at saka mabilis nang nagbihis. "Sa'n ka na naman pupunta?" "Kailangang tapusin ko ang sinimulan ko." "Bakit kasi hindi mo pa ginawa kanina, eh?" Hindi siya nakaimik. Bagkus ay dinampot ulit niya ang baril niya. "Send mo na lang sa 'kin lahat ng info na malalaman mo sa kidnapper kid. Lalo na ang location nila ngayon." "Okay. No problem." At maangas nang lumabas siya ng bahay. Ang nangyari kanina ay isang simpleng mensahe lang 'yon ng kanyang Dad. Na kung hindi niya papatayin ang target ay siya ang papatayin nito o ipapapatay nito kahit anak pa siya nito.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD