MARAHAS NA pinakawalan ni Jesse ang buntong hininga habang walang sawang pinagmamasdan ang larawang hawak niya. Isang larawang tanging kayamanan na maituturing niya. Kaya hanggang ngayon, iniingatan niya iyon.
"I miss you so much, Dom. Hanggang ngayon, umaasa ako na isang araw ay magkikita tayong muli." Mahina niyang sambit habang nakatingin pa rin sa kanilang larawan.
"Miss na miss na kita. Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nandito pa rin ako, lumalaban sa hamon ng buhay nang mag-isa."
Muli, marahas siyang napabuga ng hangin upang pakawalan ang paninikip ng dibdib niya. It's been a while. Ngunit sa tuwing pinagmamasdan niya ang larawan ng kan'yang kapatid, masakit pa rin.
"Alam kong buhay ka pa, Dom. Hindi ako mapapagod at magsasawang maghintay sa 'yo."
Patalo na ang mga luha niya nang sunod-sunod siyang mapakurap nang makarinig ng magkakasunod na katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto niya.
Nandito sila sa El Nido Palawan para sa team building ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Pero dahil dagat ang pinuntahan nila, mas pinili niyang mag-isa sa kuwarto pagkatapos ng activities nila ngayong araw kaysa ang mag-swimming. Bukod sa ayaw niya, hindi rin puwede.
"Jesse!" Narinig niyang tawag sa kan'ya mula sa labas kasabay ang muling pagkatok.
"Hoy, Jess. Si Diane 'to. Ano na?"
"Wait lang!" Malakas niyang sabi sa kaibigan at katrabahong si Diane.
Ito pala ang kumakatok at tumatawag sa kan'ya mula sa labas.
"Buksan mo 'tong pinto." Utos nito.
"Oo, teka lang," sagot niya, saka nagmamadaling pinalis ang mga luhang sumungaw sa kan'yang mga mata habang inaalala ang kapatid.
"Bilisan mo naman."
"Oo na. Teka lang."
"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto, ha? May ginagawa ka sigurong milagro diyan sa loob." Akusa nito.
Tinawanan niya ito. "Loka. Anong milagro ang pinagsasasabi mo diyan."
"Bilisan mo na kasi."
"Oo na nga. Ito na." Mabilis niyang itinago ang larawan sa wallet niya, saka isiniksik sa mga gamit niya.
Pagkatapos niyon, sinipat-sipat muna niya ang sarili sa salamin bago binuksan ang pinto.
Ang nakasimangot na kaibigan ang sumalubong sa kaniya.
"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pintuan, ha?" Nakatikwas pa ang kilay nitong tanong sabay silip sa loob ng kuwarto.
"Anong sinisilip mo?"
"Wala lang. Baka lang may itinatago kang lalaki rito sa hotel room kaya ang tagal mong magbukas ng pinto."
Natawa siya at pabirong hinila ang buhok nito.
"Kung anu-ano talaga iyang iniisip mo. Bakit naman ako magtatago ng lalaki rito, aber?"
"Aba, malay ko. Baka mamaya, pasekreto kang nagpapabembang. Ipaaalala ko lang na team building ang ipinunta natin dito, ha?"
"Ewan ko sa 'yo. Loka-loka ka talaga, Diane. Sa hitsura kong ito, sa palagay mo, may magkakainterest sa akin na maikama?" Itinuro pa ni Jesse ang sarili kay Diane.
Ngumiwi ang kaibigan niya pagkatapos siyang pagmasdan.
"Sabagay. Pero malay mo naman, may lalaking kagaya mo ang trip ikama."
"Feeling ko, wala." Siya na ang nagsabi.
"Bakit kasi ganiyan ka? Ayaw mo man lang magpabawas ng kilay mo. Ang kapal-kapal. Para kang si Betty Lapia. Tapos iyang salamin mo, sobrang kapal ng lens." Tila problemadong lumapit sa kan'ya si Diane at hinawakan ang bangs niya.
"Alisin mo na kasi iyang bangs mo, Jess. Nakaka-stress tingnan, sa totoo lang."
Tawang-tawa si Jesse sa mukha ng kaibigan. Halatang stress na stress talaga ito sa bangs niya. Matagal na siya nitong inuudyukan na huwag ng mag-bangs dahil hindi raw bagay sa kan'ya. Nagmumukha raw siyang nerd sa ayos niya.
"Ang ganda kaya ng bangs ko."
"Shucks, Jess. Kaibigan kita, pero ang sagwa ng bangs mo. Nakakaloka ka. Pagbalik natin ng Manila, sumama ka sa akin, ha?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Magpapa-salon tayo. Pumayag ka lang, libre ko na. Pati iyang pagpapa-dentist mo, ako na iyan. Mapalitan lang ang kulay ng braces mo. Kaloka ka."
Sumakit na ang tiyan ni Jesse sa katatawa.
"Seryoso ako, Jess."
"Bakit ba lahat na lang pinakialaman mo? E, sa ganitong kulay ng braces ang gusto ko, eh."
Pinandilatan siya nito ng mga mata habang siya ay tawang-tawa
"Huwag mo na kasing problemahin ang looks ko. Ang ganda ko kaya, 'no?" Pagbibiro niya dahilan para makatikim siya ng kurot sa baywang.
"Mas maganda ka kung babaguhin mo iyang style ng looks mo." Hirit pa nito na hindi na niya pinansin.
Dahil kung papatulan niya, aabutin sila hanggang umaga kinabukasan.
"Bakit pala katok ka nang katok?" Pag-iiba niya ng usapan para matigil na ito.
"Pinatatawag ka ng mga kasamahan natin."
"Bakit daw?"
"Aba, malamang para makasama ka sa amin. Nasa team building tayo, wala ka sa solong bakasyon para magsarili rito. Okay?"
"Tapos naman na ang activities natin, eh. Saka ayokong mag-swimming. Ang ginaw."
"Anong maginaw? Summer na summer tapos irarason mong maginaw?"
"Maginawin ako, 'di ba?"
"Maginawin. Walang giginawin nang ganito katirik ang araw, Jess." Hinawi pa nito ang kurtina sa bintana para makita niyang mainit nga.
"See? Tirik na tirik ang araw kaya huwag kang magdahilan na maginaw."
"Maini--" tinakpan nito ang bibig niya.
"Huwag na huwag kang magrarason na mainit kaya ayaw mo pa rin." Inunahan na siya nito sa dapat niyang sasabihin.
"Tara na sa labas. Maki-join ka sa amin." Pamimilit nito.
"Oo na. Sasali na ako." Pagpayag niya. "Pero mauna ka na. Susunod na lang ak--"
"Hindi. Magkasama tayong bababa."
"Diane, susunod na lang ako. Promise."
"Hindi." Hindi ito pumayag.
Hinila na siya nito palabas ng hotel room. Hanggang sa makababa sila, hindi siya nito binitawan. Kaya walang nagawa si Jesse nang isama siya nito sa dalampasigan kundi ang magpatianod na lamang.
"Uy, Jesse. Mabuti naman bumaba ka na." Bati sa kanya ni Sania-isa sa close friends nila ni Diane sa kompanya.
"Hindi talaga bababa iyan kung hindi ko pa sinundo sa taas." Nakalabing sabi ni Diane rito.
"Last day na natin dito, Jess. Sulitin na natin. Kaya nga half day lang ang activity natin today, eh. Para makapag-bonding tayo bago bumalik ng Manila," ani Sania.
"Sayang ang dagat, Jess," dagdag pa ni Sania.
"Alam n'yo naman, wala akong hilig sa dagat."
"Walang hilig sa dagat, walang hilig sa bar, walang hilig sa outing, walang hilig sa lalaki. Ang boring mo, Jesse." Hindi nakatiis na komento ni Hanna sa kan'ya.
Medyo tumikwas ang kilay niya. Hindi kasi sila magkaibigan, pero hindi rin naman sila magkaaway.
Sa loob-loob ni Jesse, wala siyang pakialam sa opinion nito dahil unang-una, isang taon pa lang silang magkasama sa kompanya.
Nang yayain siyang sumali sa laro ng mga kasamahan, nagpaunlak siya. Naglalaro sila ng truth or dare. Nakisali siya.
Nag-enjoy naman siya dahil puro kalokohan ang mga kasamahan niya. Game na game ang lahat. Hanggang sa kaniya mapatapat ang pinaiikot na bote.
"Truth or dare?" ani Sania na siyang nagpaikot ng bote na tumigil sa tapat niya.
"Dare." Malakas ang loob na sagot niya. Gusto niyang patunayan kay Hanna na hindi siya boring kagaya ng sinabi nito sa kan'ya kanina.
"Dare?" Si Hanna na may kakaibang ngisi.
Alam niyang may naglalarong kabaliwan sa isip nito kaya gano'n na lamang ang pagkakangisi nang mag-dare siya.
"Yeah, dare."
"I dare you to kiss our boss." May panghahamon sa boses nito.
Napanganga ang lahat maliban sa kan'ya na ngumiti pa.
"I dare you, Jesse. Kiss him." At inginuso pa ni Hanna ang direksyong kinaroroonan ng boss nilang si Mico Thompson.
Nasa di-kalayuan ito. Nakaupo sa bato. Nakatanaw sa kanila. Hindi alam ni Jesse kung nanunuod ba ito sa kanila o nag-e-emote na naman.
"Hindi mo kaya?" Panghahamon pa rin ni Hanna.
"Dare." Natatawa siya nang maghiyawan ang mga kasamahan nila habang si Hanna ay natulala.
Tila hindi makapaniwala na kumasa siya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhanginan at nilapitan ang kanilang boss na si Mico Thompson.
Nang tuluyan siyang makalapit, nasa mukha nito ang pagtataka. Marahil dahil sa mga kasamahan niyang hiyawan pa rin nang hiyawan.
"Yes?" Kaagad nitong tanong sa kaniya.
"Naglalaro kami ng truth or dare."
Tumaas ang kilay nito. "And?"
"Ako ang nataya at dare ang pinili ko."
"So?"
"Ang dare kasi ay halikan kita sa labi. French kiss daw, Sir."
Gustong humagalpak ng tawa ni Jesse nang umawang ang bibig nito. Hindi niya sure kung dahil sa gulat o pandidiri. Alam naman kasi niyang hindi ito magpapahalik sa kan'ya kahit magkaibigan na sila ng boss niya. Kinasahan lang niya ang dare ni Hanna dahil gusto niyang lapitan ang kanilang boss.
"Are you freaking serious?" ani nito nang makabawi.
"Oo, Sir."
"And you accept that fvcking dare?" Hindi makapaniwalang bulalas nito.
"Sir, naman. Laro lang 'yon. Oh, sige kahit hindi na french kiss, friendly kiss na lang." Ungot niya rito. Kulay na lang ay malaglag ang panga nito.
"Sige na."
"No way!"
Sumaminagot siya. " Kung maka-no way ka naman diyan parang hindi tayo friends, ah."
"Huwag mo 'kong konsensyahin, Jesse. Dahil kahit umiyak ka sa harap ko, I won't kiss you. You're crazy!" Eksaheradong sabi nito.
Of course, she knew. He won't kiss her. Alam ni Jesse na still waiting pa rin ang boss niya sa babaeng mahal nito. Kahit 2 years na mula nang umalis patungo sa ibang bansa. 2 years nang waiting ang boss niya sa pagbabalik ng ex-girlfriend nitong si Miss Short hair.
Masalimoot din ang naging love story ng mga ito. Saksi siya sa pinagdaanan din ni Mico.
At para kay Jesse, si Sir Mico niya ang patunay na kahit gago, deserve pa rin ng second chance kahit papa'no.
Gustong sampalin ni Jesse ang amo dahil natulala na ito sa harapan niya. Mukhang lumilipad na naman ang isip nito. Sinamantala ni Jesse iyon at mabilis na hinalikan sa noo ang kaibigan/boss niya.
Naghiyawan ang mga kasamahan niya. Nagwagi siya sa dare. Mabuti na lamang at nakatulaley ang boss niya. Hindi nito namalayang nakahalik siya. Wala itong kamalay-malay.
"Kumusta na kaya siya?" Malayo ang tingin nitong tanong mayamaya.
"Hindi ko rin alam, Sir. Tawagan mo kasi."
Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.
"What? Tawagan sino?"
Umikot ang mga mata niya.
"Sino pa ba? E, di 'yang taong laman ng utak mo. Sabi mo kasi, kumusta na kaya siya? Try mo kayang tawagan, ano?"
Mukhang noon lamang nito na-realize na naisatinig nito ang tanong na iyon at narinig niya.
"Bumalik ka na ro'n sa mga kasama mo."
Hindi niya ito sinunod. Hindi siya umalis, umupo siya sa tabi nito.
"Sabi ko, bumalik ka na ro'n sa kanila. Sulitin n'yo na dahil bukas, pabalik na tayo ng Manila."
"Ang hirap mag-enjoy kapag alam kong lungkot-lungkotan ka na naman dito."
"Hindi ako malungkot. Mas gusto kong mag-isa kaysa nandito ka."
Tumawa lang siya. She knew him. Alam niyang gusto lang nitong mag-emote.
"Hindi raw malungkot. Sus! Sa akin ka pa ba magkakaila, e, araw-araw tayong magkasama sa opisina," sabi niya rito.
Mayamaya, tinawag siya ng mga kasamahan.
"Mamaya na lang ako sasali ulit. Kailangan ni Sir ng maganda sa tabi niya, guys!" Hiyaw niya sa mga kasamahan.
"Hindi ko kailangan ng kausap. Sumali ka na ro'n." Taboy ni Mico sa kan'ya.
Hindi niya ito pinansin. She stayed. Pero na-realize ni Jesse na mas magandang maglabas ng saloobin kapag may pampainit. Kaya iniwan niya muna si Mico at kumuha ng maiinom.
Ibinigay niya rito ang dalawa at sa kan'ya ang isa. Beer lang naman kaya keri lang niya.
"Napaka-loyal mo pa rin sa kanya, 'no?" Pagbubukas niya ng paksa.
"Its been two years, pero hanggang ngayon naghihintay ka pa rin sa kaniya. Parang malapit na akong maniwala na true love exist."
"It is. Ano bang nangyari sa 'yo at parang allergic ka sa salitang love? Na-broken ka na ba?" tanong ni Mico sa kan'ya.
Tumawa siya.
"Uyy, sumisegway ka, ha?"
Hindi ito nagkomento. Nakatingin lang sa kaniya na para bang inaarok ang buong pagkatao niya.
"Sir," untag niya maya-maya.
"Hmm?"
"Paano kapag bumalik siya, pero taken na? What would you do?"
"Nothing."
"Nothing?"
"Yes."
"Why?"
"Because I love her and she deserves to be happy. K-Kung pagbalik niya ay may mahal na siyang iba, kahit masakit, tatanggapin ko."
"Ouch!" Eksaheradang sabi niya at humawak pa sa dibdib. "That's really hurt, Sir. Kayanin mo kaya 'yon? Ang makita siyang hawak na ng iba?"
Napangiti si Jesse. Ang plastic naman kasi nitong boss niya. She deserves to be happy raw, pero ang mukha, parang iiyak na.
"Kunwari ka pang kaya mo, Sir, ah." Tudyo niya rito.
"Puwede ba, Jesse, huwag mong mas'yadong problemahin ang buhay ko. 'Yang buhay mong mahiwaga ang problemahin mo."
"Ay ayoko nga. Mas exciting kapag buhay mo ang pinoroblema ko. Saka, hello. Wala akong problema sa life. I'm good. I'm fine with my life. I'm happy." And she lied.
"Talaga ba?" Pang-aarok nito sa kan'ya.
Nginitian niya ito.
"Mas exciting ang buhay mo, Sir. And don't worry, Sir, kapag may iba na siya. Handa kitang salohin. Nandito lang ako, sasamahan kitang uminom. Bottomless."
"It won't happen. Alam kong sa tamang panahon at timing, kami pa rin."
"That's great. 'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Malakas ang kumpiyansa mo pagdating kay Leira. Sure na sure ka talaga sa kaniya, ano?"
"I do."
"Kapag nagkabalikan kayo ni Ms short hair, Sir, magpapa-misa talaga ako."
Ngumiti ito.
"Totoo, Sir. Promise 'yan. Tapos kapag nagkabalikan kayo, maniniwala na talaga ako sa true love."
"Bakit ba ayaw mong maniwala sa true love? Hindi pa ba sapat ang pagmamahalan nina Uncle Mike at Keira para maniwala kang nag-e-exist talaga 'yon?"
Nagkibit-balikat siya. Ininom ang natitirang laman ng beer na iniinom niya.
Tumanaw sa malawak na karagatan si Jesse. At habang nakatanaw, nanikip ang dibdib niya nang may imahing gumunita sa isipan niya. Ang barkong unti-unting nilalamon ng nagngangalit na apoy. Ang mukha ng kapatid niyang puno ng takot at luha.
Napahawak siya sa sariling dibdib. Sa tuwing mapapalapit siya sa dagat, bumabalik lahat.
"Ayaw mong magkaroon ng sariling pamilya?" Mayamaya ay narinig niyang tanong ni Mico sa kan'ya.
Natigilan siya. Pamilya?
"Jesse." Untag nito.
"Anak lang ang gusto ko."
"What?" Natawa ito. "Seriously?"
Humarap siya rito. "Mukha ba akong nagbibiro?"
"Jesse."
"Alam mo, Mico Vladimir, hindi lahat ng lalaki ay kagaya mo at ni Boss Mike na faithful sa babae. Buti sana kung sure ako na ang mapupunta sa akin ay kagaya n'yo. Paano kung hindi?"
"Huwag ka kasing nega."
Umirap siya. "Hindi nega ang tawag do'n. Realistic. Hindi lahat ng babae, makakasuwerte sa lalaki, 'no?"
At isa na ako sa minalas. Sa loob-loob niya.
"Malay mo, isa ka pala sa suwerte?"
"At paano kung hindi? Nganga. Huwag na lang, uy! Baka makapatay pa ako kung sakali."
"Bakit ka naman papatay?"
Umikot ang mga mata niya. "Aba, siyempre! Anong akala mo sa akin, kapag sinaktan ng lalaki ay iiyak lang sa isang tabi? No way. Lintik lang ang walang ganti. Hindi ako fan ng mga martir na babae na ginagawa ng punching bag ng asawa, mahal na mahal pa rin."
"Walang gano'n, uy!"
Natawa na lang ito.
Mayamaya, sabay silang tumahimik ni Mico at tumanaw sa karagatan. May kani-kaniyang laman ang isipan.
Si Mico na ang laman ng isip ay ang babaeng mahal. Habang siya, laman ng isip ang mga taong bahagi ng kan'yang nakaraan. Mga taong nag-iwan sa puso niya ng sugat na hanggang ngayon ay sariwa pa rin.
Malalim na sugat na walang ibang nakaaalam.