Pia's POV "Bryan wala ka ba talagang narinig na malakas na kulog?" umiiling ito. Para na itong nagtaka sa tanong ko kaya hinarap na niya ako. "Bakit may narinig ka ba?" Malumanay niya akong tinanong. "Pag may malakas na kulog hindi mo naman maririnig dito My P dahil sound proof itong gallery." sabi niya. Hinaplos niya ang aking pisngi. Halaka ano kaya yong narinig ko. Imposible naman. Naging palaisipan ko ang narinig ko kanina. Malakas na kulog talaga ang naririnig ko. Pero ayoko nalang isipin yon dahil kinikilabutan na ako. "Uhm sa bagay nga My B. Baka guniguni ko lang yon." sabi ko. Niyakap niya lang ako at inakbayan. "Halika dito My P. I have so much more to show you. I know you will like it. I mean you love it." saka ito ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. Inakbayan niya ako at din

