Umaga ng nauwi si Bryan sa bahay nila. Nagulat siya ng may makita siyang bakas ng dugo sa sala nila. Lumukob agad ang takot sa buong sistema niya. Dali siyang tumakbo patungo sa kanilang kwarto ni Pia. Pagdating niya doon wala ang asawa niya. Hinahalughug niya ang buong kwarto pero wala ito. Grabe ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hinahanap niya ito buong bahay pero wala talaga ito. Wala namang bakas na may nagnakaw. "Pia!" Sinubukan niya itong tawagin. "Pia nasaan ka?" Walang sumagot. Kaya kinuha na niya ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang pantalon at tinawagan ang asawa sa cellphone nito. Mabuti na lang at sumagot ito agad. "Pia! Where are you? Wala ka dito sa bahay bakit may dugo dito may nangyari ba sayo? Nasaan ka?" Alalang-alala si Bryan sa asawa niya. "Nandito ako ngayon sa

