Maraming pinamili sila Pia, Doreen at Tita Grace nila. Mga chocolates, chips, biscuits, beverages at marami pang iba. Ipamimigay daw nila ang iba sa mga construction workers doon sa isla. Tuwang tuwa naman silang tatlo. Si K.A naman sunod ng sunod lang sa ina at taga-push ng cart na nilagyan ng kanilang bibilhin na goods at punong puno ito. May time na magkasalubong sila Pia at K.A pero hindi sila nagpansinan. Hindi rin tumingin ang binata kay Pia. Mas tumingin pa si Pia kay K.A. Kaya naninibago si Pia. Kanina lang kasi nakikiusap ito sa kanya na makipagkaibigan at dahil she refused, hindi na ito namansin sa kanya at hindi na ito nakipag-usap sa kanya. Napansin niya din na sobrang makaiwas ng tingin si K.A sa kanya. Na parang hindi siya kaaya-ayang tingnan kaya parang may something sa ka

