Nakatulog sila Pia at Bryan na magkayakap. Nakaunan si Pia sa braso ng asawa niya. Mahimbing ang dalawa kahit magpatunog pa ng trumpeta hindi sila maiistorbo dahil masarap ang kanilang pagtulog. Bakas sa mukha ni Pia ang saya. Ramdam na kasi niya na okey na sila ni Bryan. Kahit may isa pang tanong na nakalambitin sa kanyang utak. Sa susunod na lang siya magtatanong kay Bryan tungkol dito. Gusto lang muna niya namnamin ang sarap ng kanilang gabi. . Kinabukasan, late ng nagising si Pia. Inabot niya ang kanyang cellphone sa bedside para tingnan ang oras it's 10 a.m! Ganito siya katagal nagising?! Dali siyang bumangon pero naramdaman niya na mabigat ang kanyang katawan hindi siya makakilos. Tiningnan niya kung bakit, laking pagtataka niya na si Bryan! Nakapulupot ang braso ni Bryan sa kanyan

