"Sige po maam sobrang init po talaga." Wika ni Tessa na hindi komportable sa naramdaman. "Parang nga, dahil namumula yung pisngi mo." Sabi din ni Pia na pinagmasdan si Tessa. "Sige uminom ka muna doon habang wala pa si Denny." Wika pa ni Pia. "Hihih, sige po maam Pia." Ngumiti ng hilaw si Tessa. Tumalikod na ito at dali itong pumunta sa kusina at nagkuha ng baso at kumuha din ng tubig na malamig sa ref. Uminom si Tessa at talagang naubos niya ang isang basong tubig dahil sa uhaw at init na kanyang pakiramdam. Pero hindi pa siya nakuntento naglagay pa siya muli ng tubig sa kanyang baso para inumin. "Hoy Tessa nasaan sila Maam Pia at Sir Bryan?" Biglang tanong ni Denny mula sa likuran ni Tessa kaya nagulat ito sa biglaang pagsasalita ni Denny. "Apppprrssss." Nabuhos ang kanyang tubig na

