"Natutuwa kami hija na nakapunta kami rito sa isla talagang napakaganda dito. Parang tagong paraiso. Sulit talaga ang ilang araw naming pananatili dito." Wika ni Grace. "Oo nga sobrang ganda Babaeta. Andami na ngang likes ng aking mga pictures in my social media account nagtatanong kung saan daw ang lugar na ito, sa labas ng bansa ba daw ito." Ani ni Doreen na sobrang tuwa na nag scroll sa kanyang mga pictures. "Hahah talaga ba? Nakakatuwa naman. Mapagkamalan talaga ito na parang nasa ibang bansa ang islang ito." Sabi naman ni Pia na nagningning ang mga mata sa tuwa. "Tama hija parang nasa ibang bansa tayo." Wika naman ni Grace na natutuwa din. "Ako, hindi ko pa sinabi kung nasaan ang lugar na ito. I just said to my friends and followers that it's a secret for the meantime at abangan n

