Earlier before the party begins... "Bryan pwede bang maaga tayo pupunta ng venue? Gusto ko sana ibigay ang gift kay Ian ng maaga." Inangkla ni Pia ang kanyang braso sa kanang braso ni Bryan at agad naman siya tumingin sa asawa na parang naglalambing ito sa kanya. Unti-unti na niyang sinanay ang sarili na parte ng buhay ng asawa niya si Ian McCartney, kaya tumalima siya at saka birthday naman nito. "O sige kung iyan ang gusto mo, pupunta tayo ng maaga." Pero sa isip ni Bryan nandoon din si Maleah. Sa nakikita kasi niya may kakayahang manakit si Maleah may tao man o wala. Wala itong pinipiling lugar. Kailangan niyang protektahan si Pia from her at all cost. A little flashback from yesterday's happening... Medyo kinabahan si Bryan nang makita niya si Maleah kanina sa boutique. Alam niyan

