"But if you really want to continue working in your old art room I have a suggestion, you work here weekdays and you work there weekends with me around. What can you say about that." Titig na titig si Bryan sa asawa habang nakatukod ang kamay nito sa ulo. Ngumiti lang si Pia. Parang ayaw pumayag sa suhestiyon niya. Mainam siyang naghintay sa sagot ng dalaga. "Will... Okey lang naman. Ang akin lang, abala na ito sa trabaho mo." Nakatukod din ang kamay nito sa ulo at humarap sa kanya. "Diba sabi mo kanina habang kumakain tayo na, next week pupunta ka na sa Isla Guada? Tapos babalik ka dito para samahan ako doon sa bahay ng mga magulang ko? Huwag na Bryan okey na ako dito." Ngumiti si Pia at mas lalong malaki ang ngiti ng asawa. "Okey good. Mas panatag ang loob ko kung dito ka magpipinta, p

