Umalis na sila Pia at Bryan. Papunta sila sa office ni Pia. Lumabas si Tessa at hinanap niya sa likod bahay si Denny. "Hoy Denny!" Masungit pa rin itong tumawag kay Denny. May dalang tray si Tessa na nilagyan ng banana milkshake at bacon sandwich. Tulad ng sabi ni Pia ibigay niya ito kay Denny. Lumingon sa kanya si Denny na nakakunot ang kilay. "Ano na naman ba Tessa?" Napakamot si Denny sa kanyang kilay dahil estorbo ito sa trabaho niya. Nangunguha siya ng mga tuyong dahon ng mga halaman. "O heto o! Inumin mo ito at kainin mo itong dala ko." Masungit na wika ni Tessa. "Ano naman 'yan?" Tanong ni Denny na lalong nagpataray sa mukha ni Tessa. "Heloow hindi mo ito alam! Banana milkshake 'to no at bacon sandwich! Ano kaba!" Nagsalubong ang kilay ni Tessa dahil inis siya kay Denny. "Hel

