Napipikon si Bryan sa ngising demonyo nung lalaki lalo pa at hindi ito sumagot sa tanong niya. "Sino ang nag-utos sayong hayop ka!?" Hinablot na ito ni Bryan sa damit nang lalong ngumisi ito. Kahit napadaing man sa sakit ng sugat nito sa balikat patuloy pa rin ito sa pag ngisi. "Heheh patayin mo man ako, hindi na ako lugi dahil baon ko ang magandang mukha at katawan ng iyong asawa. Sayang nga lang hindi ko ito natikman." Sobra ang galit ni Bryan na nararamdaman. Kumukulo ang dugo niya sa pagkarinig sa sinabi nung lalaki kaya hindi na siya nakapagpigil pa at sinuntok niya ito with all his might. Kahit kamay ng pulis na sumangga sana ng kamay niya para hindi saktan ang lalaki ay hindi nakapigil sa nagbabaga niyang kamao. Ang mga mata ni Bryan kung tumingin sa lalaki ay parang mga sibat na

