Ngumiti lang ng tipid si K.A sa sinabi ni Pia. "It's okey Pia. But I will never forget it, instead, I will treasure it." Natigilan si Pia. Hindi siya nakapagsalita. Tumayo na si K.A sa pagkaupo mula sa buhangin. "Come on? I'll take you home now." Sabi nito na inilahad ang kamay. Ipinatong naman ni Pia ang kamay niya sa mainit na palad ni K.A. Parang may kaunting boltahe ang kamay nito pero hindi niya ito pinansin. Marahan siyang hinila ni K.A kaya tumayo na siya. Binuksan ni K.A ang pinto ng passenger seat para kay Pia. Nang pumasok na si Pia at nakaupo na, marahan niya itong sinara at tumakbo siya patungo sa driver's seat. Pinaandar na ni K.A ang sasakyan at deretso na sila pauwi. Ihatid niya si Pia sa bahay nila Bryan. While K.A driving, hindi na ito nagsasalita pa. Focus lang ito

