Uuwi sila sa bahay ni Bryan. Nagpakiramdaman lang sila sa isa't isa habang nasa byahe. Walang isa sa kanila ang gustong magsalita. Nang may nag ring, cellphone ito ni Pia. Si Ian ang tumawag. Sinagot ito ni Pia agad. "Hello Ian? Bakit napatawag ka? May problema ba?" Pagkasagot ni Pia nagsalubong agad ang dalawang kilay ni Bryan. Mahigpit nitong hinahawakan ang manibela ng kanyang sasakyan. Hindi niya gusto ang narinig na si Ian ang tumawag. "Hello Pia. Nasaan ka na ngayon?" Boses na pag-alala ni Ian. "On the way pa kami sa bahay ni Bryan, Ian. Bakit?" "Bahay natin Pia!" Sabat naman ni Bryan na inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Napasulyap na lang si Pia kay Bryan. Naramdaman ni Pia na nairita at galit ito. "I just want to remind you to take good care of yourself. Sabihin mo k

