"K.A, tapos na ang meeting namin nandito ako sa Henderson Mall saan kayo banda?" Kararating lang ni Ian sa Mall. Nagmadali siyang umalis sa opisina ni Bryan ng matapos ang meeting nila with the team for tomorrow's trip to Island of Guada. Tinawagan niya agad ang kakambal to ask where are they. "Nandito kami sa Snack Bar dumeretso ka na lang dito." Sabi naman ni K.A sa phone. "Where is that?" Tanong ni Ian. Kumunot ang noo ni K.A dahil nagtanong pa si Ian sa direksyon eh nakapunta naman siya dito noon. Kahit nagtaka siya, sinabi naman niya ang direksyon. "Mom, Iggie is coming." Wika ni K.A. Naubos na nito ang ice cream at ang milkshake na naman niya ang kanyang kinuha. And he sipped on it. "Oh, mabuti. Mag-order na rin tayo ng snacks for him." Sabi ng ina. Tinawag naman ni K.A ang crew

