"Pumili ng gown para sa party buk..." Hindi nakatapos si Pia sa pagsasalita dahil pinutol agad ito ni Maleah. "Ay sos!" Napatampal si Maleah sa kanyang noo. "Nakalimutan ko! Opening nga pala sa Palace Hotel niyo bukas at the same time birthday din ng asawa mo! Diba?" Kung makapagsalita ito parang close silang dalawa. Kumunot naman ang noo ni Pia. Anong pinagsasabi ni Maleah. Bakit parang tinutukoy niya na asawa ko ay si Ian. Tumingin si Pia kay Bryan. Pero si Bryan nakatingin kay Maleah na kunot ang noo. "Stop it Maleah! Your talking nonsense." Lumingon si Maleah kay Bryan. Tumaas ang kilay nito. "Anong nonsense Brie. Well anyway, hinahanap kita hindi ka ma contact. Where were you?" Akma itong maglambing sana pero tumayo si Bryan sa pagkaupo sa long sofa ng boutique. Napansin ni Male

