Tumingin si Bryan kay Pia asking her by just looking of her eyes if sasama ba siya sa pag-uwi o hindi. Pero sumagot si Pia na walang pag-aalinlangan. "Sasama ako." Nagpahid ito sa kanyang pisngi na basa ng mga luha gamit ang likod ng kanyang kamay. Tumingin sa kanya ang lahat. "Sasama ako." Ulit niyang sabi. "Sigurado ka ba Pia? Delikado pag sasama ka sa kanya." Nag-alalang tanong ni Ian. Titig na titig siya sa kaibigan at naghihintay sa sagot nito. "Oo sigurado ako. Asawa ko ang sinasamahan ko. Alam kong hindi niya hayaan na mapapahamak ako. At saka gusto ko ring makita ang demonyong hayop na taong yon." Nangingibabaw na kay Pia ngayon ang galit. Niyakap siya ng kanyang asawa. "Okey lang sa akin na di ka sasama My P. I will take care of this. Tama si Ian delikado ang sitwasyon." Wika

