"Ganoon ba." Alanganin naman na tinanggap ni Pia ang pizza na binili ng babae, meron din pala itong bottled juice na apple ang flavor na nakalagay sa silid ng paper bag. "Ako nga po si Marie Pear maam, ma-repair ng puso't damdaming nawasak!" Ang lakas ng tawa nito pero si Pia ay nakakunot lang ang noo na parang hindi naintindihan ang sinasabi ni Marie Pear. "Ay waley... hehe biro lang po yun maam. Ako po ang madalas na tawagin ni Sir Bryan if meron siyang ipapagawa o iuutos." "Uhh." Tumango si Pia at ngumiti. "Sige po Maam alis na po ako. At maraming salamat na nakilala kita." Napakalapad ng ngiti ng babae. "Ay sandali po!" Daling kumuha ng pera si Pia sa wallet niya. "Heto po oh." Nanlaki naman ang mga mata ni Marie Pear. "Nako maam! Ba't ang laki nito! Three thousand? Eh hindi nga u

