MAGDA's P O V " Ano, Virgo!? Naniwala ka nang kasunod mo kami kapag nakita kitang pumasok sa bar, ha!? " paninita ni Brent nang bumaba siya mula sa kotse ng hindi ako sumakay Tinalikuran ko siya at nag lakad palayo subalit sumunod naman siya sa akin. Dire- diretso lamang ang lakad ko, dumagdag pa kasi siya sa pagod at puyat ko kaya mas lalo akong nainis. Wala naman silang nakitang violation sa bar dahil maaga pa kanina kaya wala pang mga naka- table na kasamahan naming Waitress. Mabuti na lamang din at hindi siya naging saksi sa extra service na ini- offer nga ng bar dahil siya na nga mismo ang nakasaksi niyon. Ang hindi ko lang kasi maintindihan ay kung bakit ganito ang inaasal niya? Napag kamalan pa tuloy kami ni Mama na may relasyon. " Bakit ka ba nangingialam!? Sino ka ba!? A

