MAGDA's P O V " Ano ba!? Saan mo ba ako dadalhin!? " sigaw ko sa kanya habang hawak niya ako sa braso at mabilis akong hinila papasok sa kasukalan ng mga damo at halamanan kaya naman mas dumoble ang kaba ng aking dibdib. Baka kasi rito na niya ako isa-salvage para walang makakita. Gayunpaman ay alam kong alam na ng mga kasamahan kong may nakahuli na sa akin. Tahimik na kasi ang earpiece ko, sana nga lamang ay naka ligtas ang iba naming kasamahan at ako lamang ang nahuli. Malaki kasing problema kapag kaming lahat, siguradong mati timbog ang aming grupo. " H'wag kang maingay kung ayaw mong huminas ng rehas! " gigil na saway nito sa akin kaya hindi na lamang ako kumibo at tahimik na sumunod sa kanya " D'yan ka lang at h'wag kang aalis kung ayaw mong hindi na makasama ang Mama Jacklyn mo!

