HULI PERO HINDI KULONG

1395 Words
THIRD PERSON's P O V Sumabak na naman nga sa task ang grupo nila Magda, as usual lagi namang successful kaya marami na ulit silang perang papartihan. " Ano balita kay Brent? " usisa ni Fatima kay Magda nang mag kita- kita ulit sila sa kanilang opisina. Siya na lamang ang huling dumating, ang mga kasamahan niya ay narito na at nag lilinis na kanilang mga @rmas. Pero tatambay lamang sila rito dahil wala silang task sa araw na ito. " Wala! " mabilis naman niyang tugon sabay upo sa sofa habang hinuhubad ang suot niyang leather jacket " Anong wala!? " sabay- sabay naman tanong ng mga kasamahan nilang lalake kaya mahina silang natawa " Wow, ha! Nag- practice!? " pabirong wika naman niya, hindi naman kumibo ang mga ito. " Hindi pa ulit nagpapa kita mula noong sinumbatan ko! " dugtong pa niyang wika " Oh! " " Huh!? " " Tsk! " " Delikado! " " Mag- iingat ka pa rin! " payo naman ng bossing nila " Oo nga e! Binubusisi ko muna ngang mabuti kung wala bang kahina- hinala sa labas ng bahay namin bago ako umalis. Tapos paiba- ibang way rin ang dinadaanan ko patungo rito! " naiinis namang wika ni Magda " Good! Mabuti na rin ang nag- iingat kaysa magsisi sa huli. Ikaw rin dalawa lang naman ang kakabagsakan mo kapag nahuli ka. " saad naman ni Fatima " Anong dalawa!? Baka malamig na rehas lang! " kontra pa niya sa sinambit ng kaibigan " Tsk! Rehas o matipunong bisig ni Brent! " turan nito kaya inirapan niya lamang " Aayyyiii! " panunukso pa ng mga kasamahan nila " Matipunong bisig na lang ako, masarap pa! " hirit naman ni Ernesto kaya sinamaan lamang siya nang tingin ni Magda, tinawanan lang naman sila ng kanilang mga kasamahan " Sa bar n'yo, hindi na sila bumalik? " tanong naman ni Rudy " Hindi na rin! Pero inalis na rin ng Manager namin ang extra service, natakot na kasi! " mabilis niyang tugon kaya naalis kay Ernesto ang kanyang pansin " Tsk! Delikado ka pa rin! " nag- aalalang sambit naman ni Jose " Kaya nga! Para akong magnanakaw na bago makalabas ng bahay ay titingin pa ako sa paligid tapos minsan nag papalit pa ako ng suot na damit at motorcycle sa bahay ng kakilala ko para mailigaw kung may sumusunod man sa akin patungo rito! " naiiling na wika pa niya " Bakit, hindi ba at magnanakaw ka naman talaga!? " prangkang singit na may halong pang- aasar pa ni Rudy kaya natawa na lamang sila " Kung h'wag ka muna kayang umalis ng bahay n'yo mga dalawang linggo? " seryosong suhestyon naman ng bossing nila " Hala! Bossing! Ano ang idadahilan ko na naman sa Mama ko!? " mahaba ang ngusong sagot niya Wala namang naging komento ang kanilang kasamahan, basta kasi nag desisyon ang kanilang bossing ay walang pwedeng kumontra. Mangatwiran maaari pa. " Kinakabahan kasi ako riyan sa Brent na 'yan e! Kahit hindi ko pa siya nakikita. " saad pa no Bossing " S- Sige po, mag- iisip ulit ako nang idadahilan ko kay Mama. " medyo atubili pang tugon ni Magda " Dito ka lang naman hindi pupunta pero sa bar magta trabaho ka pa rin naman! " sambit naman ni Jose " Oo nga ano!? " natatawa pa niyang wika, habang napapa kamot sa batok, kaya natawa na rin ang mga kaharap niya. " Iniisip ko kasing hindi rin ako papasok sa bar, madali ko nang lusutan kay Mama kapag sa araw ako hindi aalis ng bahay, pero kung pati sa bar ay hindi ako papasok. Naku! Wala na yata akong maaaring ipangatwiran! " naka ngiwing wika pa niya Nag bigay naman ng iba't ibang suhestyon ang mga kasamahan niya sa trabaho kung ano ang idadahilan nga niya sa kaniyang Ina kung bakit wala siyang trabaho sa araw. " Salamat, maraming salamat sa inyo! Maasahan talaga kayo! " wika pa niya sa mga ito " Tara! Sa labas tayo kumain at nag- day off ang kasambahay rito. " aya naman ng Bossing nila pagkatapos nilang mag plano " Yown! " " Ayos! " Kanya- kanya na silang tayo at kuha ng mga jacket sa sofa sabay suot. " Van na lang ang gamitin natin, " ayon sa kanilang Bossing pero natigilan iyo ng may mapansin, " Suot n'yo pa talaga iyang leather jacket n'yo? Baka naman kung ano ang akalain sa atin sa mall? " " Ay, oo nga! " nag tawanan pa sila nang tingnan ang suot isa- isa Tila naman napapaso silang hinubad ang mga iyon tsaka lumabas ng opisina. " Sa samgyupsal tayo para unli chibog! " utos ni Bossing kay Rudy na siyang nagda- drive Kanya- kanya naman silang pindot sa mga cellphone nila na akala mo hindi magkaka kilala. Hanggang sa makarating sa pinakamalapit na mall. " Thank you! " sambit ni Bossing sa waiter nang ibigay nila rito ang kani- kanilang mga order. Isang table na nasa gawing sulok na mahaba ang kinuha nila para kasya silang walo. " Magda! " nagka tinginan naman sila nang maka rinig ng boses na may tumawag sa kanya, luminga- linga naman siya sa paligid para hanapin kung sino iyong naka kilala sa kanya Na higit naman niya ang kanyang pag hinga nang matanaw si Brent na papalapit sa kanilang table na mula sa kanyang likuran. Na seryoso ang mukha. " Kumusta? " tanong nito agad pagkalapit sa kanilang kinauupuan " Uy! Kumusta ka raw! " siko ni Fatima sa braso niya na katabi niyang nakaupo sabay bulong kaya naman tila noon lamang siya natauhan at kinurap- kurap pa niya ang kanyang mga mata. " A- Ahm, O- Okay naman! " hindi malaman kung ngingiti siya o ngingiwi siya dahil sa hindi inaasahang pag kikita ng lalaking ilang araw rin niyang hindi nasisilayan. Kumabog din ng malakas ang kanyang dibdib at pinag pawisan " Good! Sino sila? Hindi mo ba ako ipapa kilala? " tugon naman nito sabay tanong sa kanyang mga kasamahan at tiningnan pa isa- isa tsaka nginitian " Ahh! . . . " " I'm Luisa! " prisintang pakilala na nito sa sarili sabay abot ng kamay sa binatang alagad ng batas. " Ito si Ernesto my labs, " dugtong pa nito, nakipag kamay rin ang nobyo niya gayundin ang iba niyang kasamahan na bawat ipa kilala. " Ako nga pala si Brent, ayaw yata akong ipa kilala ni Magda sa inyo e! " pabirong saad pa nito kaya napa nganga sa kanya ang mga bagong kakilala " Huh!? " " B- Brent!? " " S- Sigurado kang i- ikaw . . . s- si B- Brent? " Hindi tuloy sila makapaniwalang usisa ni Ernesto, napaubo pa nga ang iba nilang kasamahan at napa singhap ng malakas ang mga kababaihan. Mabuti at nag- serve na ng basong may lamang tubig ang waiter sa kanila kanina. Napainom tuloy sila kahit hindi naman nauuhaw. " Yeah, why? " kunot ang noong sambit ng binata " W- Wala! Ehem! N- Nakikipag biruan lang ang mga iyan! " wika naman ni Magda nang matauhan at maubod ang tubig sa kanyang basong " Ahh! Akala ko naikwe kwento mo na ako sa kanila. " nangingiting saad pa nito sabay kamot sa ulo " Tsk! Kapal! " pairap pang wika niya kaya mahina lamang natawa ang binata " Sige! Balik na ko sa table namin baka magalit ang ka- date ko! " paalam na nito ng matantya sigurong hindi siya aalukin ni Magda na mag- join sa table nila. " S- Sige! " kiming saad pa ng dalaga sabay tango. Tumalikod na nga ang binatang alagad ng batas at umupo sa katabi pala nilang table, may kasama nga itong babar na maganda. " Akala ko ba malaki ang tiyan no'ng Brent? " bumubulong na saad ni Ernesto kaya nabalik sa kanila ang focus ni Magda " Oo nga! Ang sabi maitim daw. " sulsol pa ni Melchor Napapa hagikgik na lamang ang mga babae na tila kinikilig. " Kumain na nga tayo at baka marinig pa kayo! " awat na sa kanila ni Bossing, sakto naman kasing dumating na ang kanilang order Gayunpaman ay hindi nakaligtas si Magda sa pangangantyaw ng mga kasamahan nang makaalis sila Brent. Hindi na lamang sila pinapansin ng dalagang Waitress at abala sa pagkain ng korean food.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD