@anti_lindsay: Kapal ng mukha! Mayaman ka lang kasi corrupt ang tatay mo!
@solid_gomez: Physical abuser! Sinaktan mo si Cassandra! May pasa siya sa braso!
"Oh, another simulation of high-level stupidity," sabi ko habang nag-i-scroll sa screen gamit ang aking manicured finger.
"'May pasa si Cassandra sa braso dahil sinaktan ko? Really? I merely held her wrist because she was trying to slap me like a hysterical woman in a public market. Ang lambot naman pala ng balat ng idolo ninyo kung isang hawak ko lang ay nagkapasa na siya. Baka naman kulang lang siya sa vitamins? O sadyang gumagawa lang kayo ng kwento para magkaroon siya ng ingay dahil laos na ang huli niyang teleserye? And what? My father is a corrupt politician? Wow! As if naman malaki ang pondo ng gobyerno. Why don’t you look at the liquidation reports para makita mong mas malaki pa ang personal na ambag ng ama ko sa probinsyang ‘to kaysa budget niya. Nakakahiya naman sa ‘yo.”
Isang hater ang nag-comment nang napakahaba, sinusubukang laitin ang hitsura ko.
@beauty_critic_ph: Maganda ka lang dahil sa mga gluta at rhinoplasty, Lindsay! Kung tatanggalin ang pera mo, mukha ka ring ordinaryong tao sa gilid ng daan!
@inside_showbiz: Balita namin, maging ang stepmother mo at stepsister mo sa mansyon ay gabi-gabi mong inaapi at tinatawag na basura! Napakasalbahe mong anak!
Napatigil ako sa pag-scroll, at isang malalim ngunit sarkastikong ngiti ang gumuhit sa aking mukha.
"Ah... ang paborito kong topic. Ang dalawang extra baggage sa mansyon ng Daddy ko," banayad kong saad, bawat salita ay may dalang lamig na kayang magpatigil ng t***k ng puso.
“Para sa kaalaman ng lahat, hindi ko sila inaapi. Sinasabihan ko lang sila kung saan sila dapat lumugar. Kung ang pagpapaalala sa isang gold-digger na huwag gamitin ang credit card ko ay tinatawag ninyong pambu-bully... then yes, I am a proud bully. Ang mansyong tinitirhan nila ay pundasyon ng tunay kong ina. So, bago kayo magmalasakit sa kanila, siguraduhin ninyo munang may pambayad kayo sa sarili ninyong renta ngayong buwan, okay? Huwag niyo akong tularan na hindi alam ang salitang 'budget' dahil marami akong pera."
@hater_number1: Sobrang mayabang ka! Isusumbong ka namin sa mga sponsors mo! Ibo-boycott namin ang mga covers mo sa magazines!
"Go ahead. Boycott all you want," sagot ko, itinataas ko ang aking kanang kamay para ipakita ang aking bagong gawang kuko at ang tatak ng aking mamahaling singsing.
“Ang mga magazines na kinatatamparan ko ay hindi binibili ng mga taong tulad ninyo na naglo-load lang ng sampung piso para mag-internet. International brands don't care about the opinions of third-world trolls. Sila ang nagmakaawa para sa mukha ko dahil ang pangalan ko ang nagdadala ng bilyon-bilyong kita sa kanila. So, please, save your energy. Baka sa susunod na buwan, mas lalo kayong maiyak kapag nakita ninyo ang malaking billboard ko sa gitna ng Paris at Milan."
Lahat ng mga bad issues, lahat ng mga tsismis tungkol sa akin, ay sinagot ko nang walang kaunting preno o takot. Ang mga comments na masyadong nonsense o walang kwenta tulad ng 'Lindsay, pakasal ka na sa akin!' o 'Lindsay, pautang naman!' ay basta ko na lamang nilagpasan nang may kasamang irap.
Naramdaman ng mga bashers na wala silang laban. Ang kamalditahan ko ay hindi isang acting lang—ito ang totoong ako. At dahil chill lang ako, walang luha, walang boses na nanginginig, at lalong walang paghingi ng paumanhin, unt-unting napalitan ng takot at paghanga ang comment section. Ang mga totoong fans ko ay nagsimula nang mag-ingay at mag-spam ng mga crown at fire emojis.
@lindsay_slays: QUEEN! Grabeng sunog ang mga bashers! Wala silang masabi!
@high_fashion_lover: This is why she is the Ice Queen! No one can break her reputation!
@troll_hunter: Sh*t, nakatatakot si Lindsay. Bawat salita, tagos hanggang buto.
"If there are no more intelligent questions, I am going to end this live," saad ko habang dahan-dahang inaayos ang pagkakahulog ng aking silk robe sa aking balikat, sandaling ipinakita ang aking makinis at perpektong leeg kung saan alam kong wala na ang mga marka ni Vittorio dahil sa magandang cream na ginamit ko kanina.
“May mas mahahalaga pa akong bagay na gagawin kaysa ang makipag-usap sa mga taong walang ambag sa ekonomiya. Have a great day, everyone. At kay Cassandra... mag-practice ka pa ng paglakad, dear. Masyadong mabigat ang balakang mo para sa runway. Baka sa susunod, matisod ka na nang tuluyan."
I smiled sweetly at the camera, waved my hand with absolute elegance, and tapped the "END LIVE" button.
Humilig ako sa aking silya, pinakawalan ang isang malalim at nakalilibang na hininga. Tiningnan ko ang screen ng phone ko na ngayon ay napupuno na naman ng mga mensahe mula kay Rico, ngunit sa pagkakataong ito, puro papuri at gulat na ang natatanggap ko mula sa kaniya.
Napasandal ako sa backrest, at ang aking mga mata ay dahan-dahang pumikit. Ang buong bansa ay nagkakagulo dahil sa akin, ang mga trolls ay nagngitngit sa galit, pero para sa akin? Isang ordinaryong umaga lang ito. Walang sinuman ang pwedeng umagaw ng spotlight o bumasag sa trono ko.
Ngunit habang nagpapahinga ako, biglang tumunog ang isang pamilyar at kakaibang tunog ng notification mula sa aking private w******p account—isang account na iilang tao lamang ang nakakaalam.
Binuksan ko ang message mula sa isang hindi kilalang numero, ngunit ang nakasulat na pangalan sa dulo ay sapat na para patigilin ang t***k ng puso ko at ibalik ang lahat ng init sa aking mukha.
Unknown: “You look beautiful when you're destroying people, piccola. But you look even better when you're under me, crying my name. See you next week in my penthouse. — V.F.”
Marahas kong ibinaba ang phone ko sa lamesa, ang aking mukha ay biglang namula sa matinding inis at pagnanasa. Bwisit na Vittorio na 'to! Kahit sa gitna ng iskandalo ko, nakasubaybay pa rin siya! Wala ba siyang trabaho at updated siya sa ganap ng buhay ko? Maybe he’s a psychopath? A freak!
I sighed and fanned myself. Nakakapagod din pa lang i-deal ang mga trolls.