"I need the Chanel runway look from the Spring-Summer collection packed in the medium trunk, and do not fold the tulle skirt. Kung may makikita akong kahit isang lukot dyan pagdating natin sa Paris, sisiguraduhin kong sa loading dock ng eroplano ka matutulog buong biyahe," malamig at maawtoridad kong utos sa assistant ko habang tinatapos ko ang aking pangatlong espresso para sa araw na ito.
Nasa pribadong hangar kami ng mga Farinelli sa Manila.
Ngayong araw ang flight namin patungong Europe para sa sinasabi niyang mabilisan at sekretong kasal. True to his word, Vittorio booked a private jet for us. Isang naglalakihang luxury plane na may tatak ng kaniyang pamilya sa labas. At dahil seryoso ako sa mga kondisyon ko, kasama ko ang aking chief legal counsel na si Atty. Santos, hawak ang huling draft ng aming prenuptial agreement na may nakapaloob na divorce clause.
"Ma’am Lindsay," maingat na lapit sa akin ni Atty. Santos, medyo pinapawisan ang noo kahit napakalamig ng aircon sa hangar. "Na-revise na po ng mga foreign lawyers ni Signor Farinelli ang kontrata. Pumirma na po sila nang walang binabago kahit isang salita. In two years, the marriage will automatically be dissolved unless both parties sign a renewal."
Isang napakatamis ngunit matalas na ngisi ang gumuhit sa aking barbie-like face. Inayos ko ang aking Chanel sunglasses.
"Perfect," bulong ko. See? I told you, he’s just another man who thinks his money can buy me forever. Napakadaling kausap kapag naramdaman nilang hindi sila ang may hawak ng alas. Two years. I just need to endure being a mafia wife for twenty-four months, at pagkatapos niyon, babalik ako sa rurok ng fashion industry nang mas makapangyarihan kaysa noon.
Napatigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang tunog ng mga mamahaling sapatos na naglalakad patungo sa pwesto ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking sunglasses. Pumasok si Vittorio sa hangar. And as usual, the giant intruder looked sickeningly handsome. He was wearing a casual black cashmere sweater, dark trousers, and a long wool coat that emphasized his tall frame. Kasunod niya si Luca na may hawak na isang itim na briefcase.
"You look ready to conquer Europe, piccola," bumaba ang kaniyang baritono at may foreign accent na boses habang humihinto siya sa harap ko. Umalingawngaw ang kaniyang maskulinong amoy ng cedarwood at mamahaling tabako sa paligid ko.
"I am always ready to conquer anything, Vittorio," irap ko, tinaasan ko siya ng kilay habang pinapasadahan ko ng tingin ang kaniyang casual na suot. "At least naging mukhang tao ka ngayon. Sabi ko naman sa 'yo, an arranged marriage doesn't mean I have to endure looking at your boring corporate suits every single day."
Narinig ko ang mahinang tikhim ni Luca sa likod na pilit itinago ang tawa gamit ang pag-ubo.
Si Vittorio naman? He just smirked devilishly. Dahan-dahan siya honumakbang palapit sa akin, binawasan ang distansya naming dalawa hanggang sa maramdaman ko ang init ng kaniyang malaking katawan. Inabot niya ang kamay ko, at bago ko pa man ito maiatras, marahan ngunit mariin niyang idinala ang kaniyang mga labi sa likod niyon.
"Ang matalas mong bibig ang unang-una kong mamimiss kapag natutulog ka na sa tabi ko, Lindsay," bulong niya, ang kaniyang madidilim na mga mata ay nagningning sa isang kakaibang uri ng amusement. "Let's go. Our private flight is ready."
Nakaakyat na kami sa loob ng eroplano. Habang busy ako sa pakikipag-usap sa aking assistant tungkol sa mga gagamitin kong sapatos para sa hapunan namin sa Paris, napansin kong lumipat sina Vittorio at Luca sa pribadong conference area sa likod ng jet.
Mula sa pwesto ko, sulyap ko ang tila seryosong bulungan ng dalawa habang inaabutan ni Luca ng isang baso ng scotch ang bago kong 'fiancé'. Hawak-hawak pa ni Luca ang kapipirma lang na prenup at divorce papers na ipinaglaban ko. Kitang-kita ko ang bahagyang pag-ikot ng alak sa baso ni Vittorio at ang tila mapang-angking tawa na dumaan sa kaniyang mukha habang sumasandal siya sa kaniyang leather seat.
Tsk. Sige lang, mag-usap kayo riyan. Malamang ay pinag-uusapan nila kung paano ako naging ganito katigas pagdating sa mga kondisyon ko. Siguradong gumuho ang macho-mafia ego ni Vittorio nang mapilitan siyang pirmahan ang clause na walang karapatan ang kahit sino sa kanila na hadlangan ang career ko pagkatapos ng dalawampu't apat na buwan.
He wants to play the king? I will let him enjoy his little throne for now, habang hindi niya napapansin na hawak ko na ang sarili kong kalayaan.
Matapos ang ilang oras na biyahe, lumipat ako sa private bedroom ng eroplano upang makapagpahinga. I removed my blazer and lay down on the plush bed, looking at the ceiling.
Para sa isang tulad ko na palaging kontrolado ang lahat ng bagay mula sa anggulo ng mga camera hanggang sa takbo ng mga kumpanya ko, ang ideya na nakatali ako sa isang Italian mafioso ay dapat nagdadala ng matinding takot. Pero habang naaalala ko ang mapanganib na ngisi ni Vittorio kanina, ang taming nararamdaman ko lang ay isang matinding kuryente ng excitement.
He thinks he can trap me, isip ko habang pilyong ngumingiti sa dilim. He thinks he’s the ultimate predator.
But he doesn’t know that an Andrada is built to survive and destroy. Kung akala niya na ang pangalang Farinelli ay sapat na para pasukuin ako, then he’s in for a very expensive and dramatic surprise. In two years, I will walk away with his connections, his European network, and his pride broken into pieces.
Bumukas ang pinto ng kwarto nang dahan-dahan, at ang dambuhalang anino ni Vittorio ay pumasok, bitbit ang isang bagong bukas na bote ng champagne.
"Hindi ka pa natutulog, piccola?" tanong niya, ang kaniyang boses ay parang isang marangyang haplos sa gitna ng gabi.
Tinaasan ko siya ng kilay, sumandal ako sa mga unan at tinitigan siya nang may buong kamalditahan.
“I don't sleep early when I am traveling with a criminal, Vittorio. Baka mamaya ay ihulog mo ako sa karagatan para lang makuha ang mga ari-arian ko nang mas maaga."
Humalakhak siya nang mababa, lumapit siya sa kama at umupo sa gilid niyon, dahilan para lumubog ang dambuhalang kutson dahil sa kaniyang bigat. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, amoy na amoy ko ang kaniyang maskulinong bango na unt-unting sumisira sa natitira kong depensa.
"Kung gusto kitang patayin, Lindsay, hindi kita ihuhulog sa dagat," bulong niya, ang kaniyang malalaking daliri ay dahan-dahang humawak sa ilang hibla ng buhok ko. "I would rather smother you with my kisses until you can't breathe anything else but me."
"In your dreams, Farinelli," asik ko, kahit ang totoo ay nagwawala na ang t***k ng puso ko sa tindi ng kaniyang lapit. Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi sa kaniya bago ko kinuha ang baso ng champagne mula sa kamay niya.
“Inumin mo na lang 'yan at umalis ka na sa kwarto ko. We have a contract to sign in Florence, and I need my face to be absolutely perfect for the legal papers."
"Masusunod, aking reyna," pilyo niyang ngisi bago siya tumayo at nag-iwan ng isang mabilis ngunit napakainit na halik sa noo ko.
Nang isara niya ang pinto, napahawak ako sa aking dibdib. Ang laban namin ay magpapatuloy paglapag namin sa Italya, at sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang huling halakhak.
Kung may isang bagay man na nagawa nang tama ang gagong banyagang ito, iyon ay ang pagpili sa lokasyon ng aming kasal.
Nandito kami ngayon sa isang lumang pribadong chapel sa itaas ng burol sa Florence, Italy.
Ang buong paligid ay pinaliligiran ng mga uubassn at natatakpan ng manipis na hamog ng umaga. Walang nakasisilaw na flash ng mga lokal na paparazzi, walang mga trapik sa kalsada, at walang mga tsismis.
Just pure, unadulterated luxury.
"Signorina Lindsay, five minutes and we are ready," mahinahong paalala ng aking French stylist habang maingat na inaayos ang dulo ng aking belo.
Hinarap ko ang dambuhalang salamin sa aking silid. I was wearing a minimalist, off-shoulder silk gown na gawa ng isang sikat na designer sa Paris. Walang masyadong ruffles o kung anong borloloy, ito ay simple ngunit sumisigaw ng milyong-milyong halaga dahil sa tindi ng pagkakadikit sa aking perpektong katawan. My barbie-like face was painted with neutral tones, keeping the Ice Queen aura sharp and dangerous.
"Two years, Lindsay," bulong ko sa aking sarili habang itinataas ko ang aking noo. "Isang pirma lang, at pagkatapos ng dalawampu't apat na buwan, ang buong European fashion market ay magiging palaruan ko na."
Nang mag-umpisa ang mahinang tunog ng organ mula sa loob ng kapilya, dahan-dahan akong naglakad patungo sa dambuhalang pinto ng altar. Walang nakalatag na mahabang carpet para sa daan-daang bisita. Ang tanging nakaupo lang sa loob ay ang aking ama na mukhang nakahinga na sa wakas dahil selyado na ang kaniyang kaligtasan—at si Luca na nakasuot ng kaniyang eleganteng suit habang may hawak na isang gintong pluma.
At sa dulo ng altar, nakatayo ang lalaking nagmamay-ari ng aking dalawang taon.
Vittorio Farinelli.
Dio Santo. Aaminin ko, kahit gabi-gabi ko siyang gustong saksakin ng itim na kurbata, ang mafioso na ito ay mukhang isang diyos ng underworld ngayong araw. He was wearing a classic black tailored tuxedo na hapit na hapit sa kaniyang malalapad na balikat at 6’4 frame. Ang kaniyang gupit ng buhok ay maayos na naka-style pabalik, at ang kaniyang matigas na panga ay may bahagyang pilyong ngisi habang pinapanood ang aking marangyang paglakad patungo sa kaniya.
Nang makarating ako sa kaniyang tabi, hindi niya hinintay ang pari na magsalita. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay, at ramdam ko ang init at presensya ng kaniyang palad.
"You look breathtaking, piccola," bulong niya sa kaniyang baritono at may foreign accent na boses, sapat lang para marinig ko. "Masyadong maganda ang aking reyna para sa isang mabilisang kasunduan."
Tinaasan ko siya ng aking kanang kilay nang may buong kamalditahan habang nakatingin nang diretso sa kaniyang madidilim na mga mata.
“Huwag kang masyadong ma-excite, Vittorio. Ang ganda kong ito ay may kaunting bayad, at mag-uumpisa ang singil ko sa oras na matapos ang seremonyang ito."
Ang seremonya ay mabilis, pribado, at walang kaunting drama—eksakto sa kung ano ang nakasulat sa kontrata ko. Nang iabot sa amin ng Italyanong pari ang mga legal na dokumento ng kasal, kasama na ang prenuptial agreement, agad kong kinuha ang gintong ballpen.
I signed my name with absolute confidence and pride. Pagkabitaw ko ng panulat ay inikot ko ang aking mga mata at binalingan ko si Vittorio na may mapang-asar na ngiti, ipinamumukha sa kaniya na nakuha ko ang gusto ko. Nakita ko naman ang mabilis na pagguhit ng isang pilyo at tila demonyong ngisi sa kaniyang mukha bago niya kinuha ang pluma para pumirma sa ibaba ng pangalan ko. Tsk, umarte ka lang na parang kontrolado mo ang sitwasyon, Farinelli.
"I can now pronounce you, husband and wife," saad ng pari sa wikang English. "You may kiss the bride."
Dahan-dahan akong hinarap ng bago kong opisyal na asawa. Bigla niyang ipinalupot ang kaniyang malalaking kamay sa aking maliit at manipis na baywang, marahas ngunit marangya niyang inilapit ang katawan ko sa kaniyang matigas na dibdib. Bahagya akong napasinghap sa gulat sa biglaang pamilyar na presensya niya, ngunit pinanatili ko ang talas ng aking mga mata bilang paghamon.
"Two years, Vittorio," bulong ko sa kaniya habang magkadikit ang aming mga mukha, hindi nagpapatalo ang matalas kong dila kahit nasa harap kami ng altar. "The countdown starts now."
"Then let's make every second of it unforgettable, Mrs. Farinelli," pilyo niyang bulong bago niya tuluyang sinakop ang aking mga labi sa isang napakatamis at mapang-angking halik.
Habang hinahalikan niya ako, narinig ko pa ang mahinang pagpalakpak ni Luca sa likod. Todo ang ngisi ni Vittorio, malamang ay iniisip niyang magiging sunod-sunuran ako sa kaniya ngayon dahil kasal na kami. Hayaan mo lang siyang mag-ilusyon.
Matapos ang seremonya at ang isang mabilis na tanghalian sa burol, pansamantalang pumasok ako sa aking private suite upang magpalit ng aking sapatos at outfits para sa biyahe namin pabalik ng Maynila bukas. Isinuot ko ang aking naglalakihang kulay-balat na trench coat, kinuha ang aking mamahaling leather bag, at siyempre, ang aking paboritong Chanel sunglasses.
Nang lumabas ako ng kapilya patungo sa labas kung saan nakatayo ang aming mga itim na SUV, agad kong nakita sina Vittorio at Luca. Nakatayo sila malapit sa kotse habang humihithit si Vittorio ng kaniyang tabako, hinahayaan ang usok na tangayin ng hangin ng Florence. May hawak na tablet si Luca at tila may masinsinan at seryosong pinag-uusapan ang dalawa na may kasama pang pilyong tawanan habang nakatingin sa direksyon ko.
Ano na namang pinaplano ng dalawang ito? Malamang ay ang pamamalakad sa mansyon niya sa Maynila ang pinag-uusapan nila, o kaya nama'y kung paano ako pasusukuin ng tang-inang Italyanong ito sa kaniyang poder. Marahil ay iniisip din nilang matatakot ako sa kung anong naghihintay sa akin sa Pilipinas. They can scheme all they want, but I am an Andrada. Kung akala nila ay madali akong masisindak sa laro nila, nagkakamali sila.
"Vittorio!" tawag ko nang may buong awtoridad habang dire-diretsong naglakad patungo sa pwesto nila.
“Ang bagal ninyong mga lalaki kung kumilos. Let's go to the airport. Ayaw kong ma-late sa flight dahil lang sa pakikipag-tsismisan mo sa alagang aso mo."
Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi sa kanila. Sandaling napatigil at tila napanganga si Luca sa tindi ng pagkamaldita ko, habang si Vittorio naman ay dahan-dahang sumunod sa akin, may bakas pa rin ng malalim at nakalolokong ngisi sa kaniyang mukha.
Hindi ko na sila hinintay at nauna na akong pumasok sa loob ng sasakyan. The war starts today, at magpapatuloy ito pagbalik namin sa Maynila, at sisiguraduhin kong ako ang huling reynang tatayo nang may korona.