"What the actual hell?”
Ang matalim kong sigaw ay umalingawngaw sa walang laman at napakaluwang na espasyo ng aking penthouse condo sa city. Kagagaling ko lang sa isang nakapapagod na five-hour look-book shoot para sa aking bagong brand, at ang tanging gusto ko lang ay magbabad sa aking bathtub habang umiinom ng mamahaling wine.
Ngunit pagkabukas ko ng pinto, sinalubong ako ng isang nakapangingilabot na katahimikan.
Wala na ang aking malaking velvet sofa. Wala na ang aking gintong coffee table. At higit sa lahat—halos gumuho ang buong mundo ko nang buksan ko ang aking walk-in closet at makitang walang kahit isang piraso ng aking mga limited edition na Chanel, Hermes, at Louboutin ang natira. Literal na pader na lang at mga bakanteng hanger ang sumalubong sa akin.
Bago ko pa man matawagan ang security ng building para ipatapon silang lahat sa riles ng tren, biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Ang pangalan ni Vittorio ang nakarehistro sa screen.
"Vittorio!" pasigaw kong sagot sa telepono, ang aking barbie-like face ay nanginginig na sa matinding poot. "My condo was robbed! Somebody stole my entire life! My bags, my shoes, everything is gone! I swear to God, kapag nalaman ko kung sino ang gumawa nito, ipapakain ko siya sa mga buwaya sa Palawan!"
"Calm down, piccola," narinig ko ang napakababa, napakakalmado, at nakalilibang na baritono ni Vittorio sa kabilang linya, may kasama pang mahinang tunog ng pag-ikot ng wiski sa baso. "Walang nagnakaw sa mga gamit mo. I just sent my logistics team to clear out your place early this morning. You are my wife now, Mrs. Farinelli. Your place is in my mansion, not in a bachelorette pad."
"You did WHAT?”
Ang aking kanang kilay ay literal na sumakop na sa aking buong noo sa tindi ng galit.
“Without my permission? Sino ka para pakialaman ang mga luxury items ko? I am going there right now, Vittorio! At sisiguraduhin kong ang panga mo naman ang babaliin ko!"
Marahas kong ibinaba ang telepono, isinuot ko ang aking apat na pulgadang takong, at padabog na sumakay sa aking sasakyan. Ang dugo ko ay tuluyan nang kumukulo. He thinks he can just manipulate my life because we signed that stupid contract? Hindi pa niya kilala kung gaano kalala ang sumpa ng isang Lindsay Andrada.
Matapos ang dalawampung minutong marahas na pagpapatakbo, pumasok ang sasakyan ko sa napakalaking gate ng kaniyang mansyon sa isang kilalang subdivision. I slammed my car door shut, bitbit ang aking Chanel bag na parang isang sandata, at marahas kong itinulak ang engrandeng pinto ng kaniyang sala.
"Vittorio, lumabas ka riyan tang-ina ka—!"
Napatigil ang aking hininga. Ang aking matatalim na salita ay literal na nabaon sa aking lalamunan.
Napatulala ako sa gitna ng sala. Sa harap ng marangya at milyong-halagang interior ng mansyon, may dalawang matandang babae na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng dambuhalang hagdanan. At ang kanilang mga suot?
Dio Santo.
My eyes are burning.
Para silang mga alagad ng neon colors na diretsong dumaan sa pagsabog ng isang tindahan ng highlighter. Ang isa ay nakasuot ng isang neon green na duster na may nakatataling kulay-orange na belyako sa baywang, habang ang kaniyang buhok ay kulay-pula na nakatali sa dalawang pigtails gamit ang mga berdeng rubber band ng gulay. Ang mukha niya ay nababalutan ng makapal na pulbos na kulay-puti na parang dumaan sa pagsabog ng harina.
Ang isa naman ay mas malala. Nakasuot ito ng isang neon pink na spandex leggings—na hapit na hapit sa kaniyang hits na ipinares sa isang neon yellow na sando na may nakasulat na taste me. Ang kaniyang buhok ay may nakataling kulay-purple na bandana, at may hawak siyang dambuhalang pamaypay na may balahibo ng manok. Para silang mga senior na miyembro ng Zumba mommies na naligaw mula sa isang pampublikong plasa sa probinsya.
Humarap ang dalawa sa akin, at sabay na sumilay ang matitinding kayabangan sa kanilang mga mukha.
"Aba, sino ka namang nilalang ka na pumasok sa teritoryo ng aking My Vito-min” pasigaw na bungad ng matandang naka-neon pink ang spandex, habang marahas na ipinapaypay ang kaniyang balahibo ng manok.
“Ako si Bebang! Ang nag-iisang reyna ng opisina at ang nag-iisang nagpapatakbo sa buhay ng aking Vito! At ito naman ang aking kasamang mayordoma na si Badiday!"
"Yes, of course! Good afternoon to your fashion face!" biglang singit ng isang matandang mapulbos, sabay taas ng kaniyang dambuhalang sandok ng kanin na nakasabit sa kaniyang baywang.
“I am Badiday, the general governance of this kitchen netherworld! Who are you to intrude the perimeter of the Farinelli kingdom without a formal appointment from the local government?”
Napakunot ang buong mukha ko sa matinding pagkangiwi. Ang kanilang mga boses ay napakatinis, at ang English ng isang nagngangalang Badiday ay napakagulo na parang isang puzzle na kulang sa piraso. Hindi ko maintindihan ang isang salita sa kaniyang sinabi.
"I don't care who you two Zumba rejects are," asik ko, tinikwasan ko sila ng aking kanang kilay nang may buong kamalditahan at poot.
“Nandito ako para sa asawa ko. I am Lindsay."
Nang marinig ng matandang nagngangalang Bebang ang pangalan ko ay biglang napatigil ang pagpaypay niya. Ang kaniyang mga mata na pinaliligiran ng makapal na kulay-asul na eyeshadow ay marahas na namilog.
"L-Lindsay?” bulong niya, ang kaniyang boses ay biglang naging garalgal.
At sa isang pitik ng segundo, bigla siyang tumingala sa kisame at nagpakawala ng isang napakalakas, napakahaba, at nakapangingilabot na alulong na parang isang asong gala na may malubhang kaso ng rabies sa gitna ng kalsada.
"AWWWWWUUUUUUUUUUUUUUUU! ANG ASO NA SINASABI NI BOSS VITO NA PINAPAKAIN NIYA NG MAMAHALING DE-LATA AY ISANG TUNAY NA TAO NA MUKHANG MANAHALING MANIKA? TARAGISSS!”
Napaatras ako nang isang hakbang, ang aking puso ay biglang tumibok sa matinding gulat habang ang aking mukha ay nabalutan ng purong dumi at diri. What the hell is wrong with this old woman? Is she undergoing a psychiatric breakdown?
"Hoy, matandang kulay pink!" sigaw ko, itinuro ko siya gamit ang aking Chanel bag habang matalim ko siyang tinitingnan.
“Bakit ka umaalulong sa harap ko? Are you insane?”
Ibinaba ni Bebang ang kaniyang mukha, at ang kaniyang sulyap sa akin ay naging napakasama, napakatulis, at napakapuno ng poot na para bang handa na siyang sumugod at mangagat ng tao sa kahit anong segundo. Ang kaniyang mga ngipin ay literal na nagngangalit.
"Aba't tinikwasan mo pa ako ng kilay, ha?” damba ni Bebang, habang umiiyak na nang marahas, ang kaniyang maskara ay unt-unti nang natutunaw dahil sa luha.
“Akala ko talaga noon ay aso ka, Lindsay! Sabi sa akin ni Boss noon, may inaalagaan siyang masungit, bratty, at napakagandang Lindsay na palaging umiiyak sa penthouse niya kapag hindi niya pinapakain! Ang buong akala ko ay isa kang balahibuhing bulldog na imported mula sa Italya! Umiyak pa ako sa gabi dahil naawa ako sa 'yo! Pero... pero totoo ka pa lang tao? At ikaw... ikaw ang kumuha sa puso ng aking My Vito-min? Agh! Grabe Badiday. It’s a heartache to me. Awooo! It’s broken to pieces,” umiiyak na hiyaw ni Bebang.
“Agoy! Agoy! Ihilak ra gyud ang tanan beshywap.”
“My Vitomin! Va’t mo nagawa sa ‘kin ‘to? Awoo!”
"My Vito-min?” ulit ko, ang aking kamalditahan ay tuluyan nang umapaw sa tindi ng pagka-bwisit.
“He is my husband, you crazy neon monster! At hinding-hindi siya magiging bitamina ng isang tulad mo!"
"Hoy, Bebang! Stop the crying and historical validation of your broken heart!" biglang namagitan si Badiday, marahas niyang iwinagayway ang kaniyang sandok sa tapat ng mukha ni Bebang upang pigilan ito sa pag-alulong muli.
Humarap si Badiday sa akin, at muli siyang nagpakawala ng kaniyang bersyon ng high-class English na lalong nagpangiwi sa aking perpektong mukha.
"Do not be afraid of her, Madam Lindsay Farinelli! She is just experiencing a romantic limitation because her hallucination about Sir Vitto is now officially assassinated by your presence! As the leader of the housekeeping department, I welcome your fashion shoes to this mansion! The ref is cold, the floor is shiny, and we are very ready to circumcise your luggage that was transferred by the truck this morning!"
Napatitig ako sa kaniya, tuluyan nang nawala ang lahat ng katinuan ko sa loob ng bahay na ito. Circumcise my luggage? Anong klaseng salita 'yon? Ang aking mga mamahaling limitadong edisyon na bags ay kaniyang tutuyuin o kakatayin?
"Stop talking, please!" pasigaw kong putol sa kaniyang English, habang hinahawakan ko ang aking sintido na nagsisimula nang sumakit sa tindi ng stress.
“Hindi ko maintindihan ang isang salita sa mga pinagsasabi mo! Where is Vittorio? Ilabas ninyo ang dambuhalang lalaking 'yon bago ko tuluyang sunugin ang dalawang neon dusters ninyo!"
Sa gitna ng aming napaka-epic at magulong eksena sa sala, isang pamilyar, mababa, at dambuhalang tawa ang biglang narinig mula sa itaas ng hagdanan.
Nandoon si Vittorio, nakasandal sa gintong railings, may hawak na baso ng whisky habang may malawak, nakalilibang, at demonyong ngisi sa kaniyang matigas na panga. Katabi niya si Luca na ngayon ay literal na nakaupo na sa baitang ng hagdan dahil sa walang katapusang tawa.
"Welcome home, Mrs. Farinelli," pilyong bulong ni Vittorio sa kaniyang baritono at may foreign accent na boses. "I see you’ve already met the governance of your new kingdom."
Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi, halos umabot na sa utak ko sa tindi ng poot, habang ang aking matalas na dila ay handa nang magpakawala ng panibagong sumpa sa lalaking tuluyan nang sumira sa aking tahimik at marangyang buhay. Ang impiyerno ko ay opisyal nang nagsimula sa mansyong ‘to.
How? Papaanong napunta ako sa ganitong sitwasyon?
"Umalis kayo sa harap ko," malamig at matalim kong utos kina Bebang at Badiday.
Hindi ko na sila nilingon pa habang dire-diretso akong naglakad paakyat sa engrandeng hagdanan ng mansyon. Bawat tapak ng aking apat na pulgadang takong sa marmol ay may dalang matinding poot. Nalagpasan ko si Luca na pilit pa ring itinatakpan ang kaniyang mukha upang itago ang kaniyang tawa, ngunit hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Ang aking mga mata na nagniningning sa galit at matinding determinasyon ay nakapako lamang sa dambuhalang lalaking nasa tuktok ng hagdan.
Fucking Vittorio.
Nananatili siyang nakasandal sa gintong railings, marangyang pinaiikot ang wiski sa loob ng kaniyang baso. Ang kaniyang madidilim na mga mata ay sumunod sa bawat galaw ko, bawat hakbang ko patungo sa kaniyang teritoryo. Walang kahit isang bakas ng takot o pagkabahala sa kaniyang matigas na panga; sa halip, isang banayad ngunit napakamapanganib na ngisi ang sumilay sa kaniyang mga labi.
Nang makarating ako sa kaniyang tapat, marahas kong hinawakan ang kuwelyo ng kaniyang polo, pilit siyang itinulak patungo sa madilim na pasilyo ng ikalawang palapag—malayo sa maingay at nakaririnding presensya ng kaniyang mga neon-colored na kasambahay sa ibaba.
"Seryoso ka ba talaga, Vittorio?” asik ko sa mababang boses, ang aking barbie-like face ay nababalutan ng purong yelo habang nakatingala ako sa kaniya.
“Inilipat mo ang mga gamit ko nang walang abiso, at ngayon... balak mo akong patirahin sa impiyernong ito kasama ang dalawang baliw sa ibaba? Like, the hell? You signed the contract! I am not your submissive doll!"
Hindi siya sumagot agad.
Sa halip, dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang baso ng whisky sa isang kalapit na lamesa. Sa isang mabilis, marahas, ngunit napaka-eleganteng galaw, hinawakan niya ang aking dalawang pulso gamit ang kaniyang malaking kamay. Bago ko pa man magamit ang aking matalas na dila upang barahin siya, naramdaman ko na lang ang marahas na pagdikit ng aking likod sa malamig na pader ng pasilyo.
Napasandig ako.
Ang aking mga kamay ay binitay niya sa itaas ng aking ulo, nakakulong at tila ba napakaliit sa loob ng kaniyang palad. Ang kaniyang 6'4" frame ay tuluyang lumikha ng isang nakalulunod na anino sa ibabaw ng aking buong katawan. Masyado siyang malapit—sobrang lapit na maramdaman ko ang bawat pag-angat ng kaniyang malapad at maskuladong dibdib sa ilalim ng kaniyang itim na polo, diretsong nakadikit sa akin.
"Let me go, Farinelli!" hamon ko, pilit kong itinataas ang aking mukha upang hindi magpakita ng kahit kaunting kahinaan, kahit ang totoo ay nagsisimula nang manginig ang aking mga tuhod sa tindi ng kaniyang nakalulunod na presensya.
"I told you before, Lindsay," bulong niya, ang kaniyang baritono at may foreign accent na boses ay naging isang mababang dagundong na literal na nagpadala ng nakapaninindig-balahibong kuryente sa buong katawan ko.
“The moment you signed that paper, you stepped into my perimeter. At sa loob ng bahay na 'to... ako lang ang nagpapasya kung kailan ka makalalabas."
Tinitigan ko siya nang matalim, pilit na hinahanap ang aking boses sa gitna ng matinding awra na bumabalot sa aming dalawa. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mukha, sapat lang para maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking pisngi, pababa sa aking sensitibong leeg. Amoy na amoy ko ang kaniyang maskulinong bango ng cedarwood at mamahaling tabako na humalo sa aming paligid, pansamantalang binubura ang lahat ng ingay sa labas ng mansyon.
"You think your contract protects you from me, piccola?" bulong niya muli, ang kaniyang panga ay matigas habang dahan-dahan pang idinidikit ang kaniyang katawan sa akin upang maramdaman ko ang tindi ng kaniyang lakas.
“You can write all the escape clauses you want. But every single night that you spend under my roof, inside my bedroom... I will make sure you forget the meaning of the word 'freedom'."
Napaselyo ang mga labi ko sa marahas na pag-singhap. Ang aking buong katawan ay bahagyang nanginginig—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa parehong nakatutunaw na tensyon at kakaibang kilig na matagal ko nang pilit na itinatanggi sa aking sarili. Ang kaniyang malalaking kamay ay dahan-dahang bumaba mula sa aking pulso, ngunit hindi siya lumayo. Inilagay niya ang kaniyang palad sa gilid ng aking mukha, hinahaplos ang aking makinis na balat gamit ang kaniyang hinlalaki.
"You... you wouldn't dare," banta ko, ngunit sa pagkakataong ito, ang aking matalas na dila ay bahagyang nawalan ng lakas, ang aking boses ay naging isang sexy ngunit mapanghimagsik na bulong.
"Then try me, Mrs. Farinelli," pilyo ngunit napakamapanganib niyang ngisi.
Inilapit niya ang kaniyang mga labi sa aking tainga, ibinaba niya ang kaniyang boses sa pinakamalalim nitong tono na nagpatindig ng aking mga balahibo bago siya tuluyang lumayo nang bahagya.
“Ang kwarto mo ay nasa dulo ng pasilyong ito. Kasama na roon ang lahat ng mga mamahalin mong sapatos at bags na pinag-ingatan kong ilipat. Mag-ayos ka na ng sarili mo, dahil mamayang gabi... mag-uumpisa na tayong mag-usap kung paano natin uubusin ang unang buwan ng dalawang taon mo. Don't lock the door tonight, Lindsay. Because a Farinelli always has the key to his own property."
Binuhat niya ang kaniyang wiski, at iniwan niya akong nakasandig pa rin sa pader habang tulala at hinahabol ang aking sariling hininga. Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi upang itago ang tindi ng kabog sa dibdib ko. The game’s starting. Bago pa pero unti-unti na akong nanghihina.