Hi! I’m Mark and today is my first day of Senior High and to be honest, ‘di ako excited.“Sir, dito na po tayo,” sabi ni Kuya Jess, my driver.“Oh okay kuya, salamat. Pasundo na lang ako ng 3pm mamaya. Wala kasi akong load tapos ‘di ko rin alam if pwede gamitin phone namin.”“Copy po, Sir.”“Thanks Kuya! Bye!”Pagkababa ko pa lang ng kotse, naalala ko na naman lahat ng bad memories ko sa school na ‘to. I can’t believe na kailangan ko ulit tiisin ‘to ng 2 taon. Oh well, wala naman akong magagawa.“Uy Mark, dito ka pa rin pala? Akala ko sa La Salle ka na? ‘Di ba nakapasa ka dun?” bati sakin ni Allen, former classmate ko noong Junior High School.Ito na nga ba ang sinasabi ko, sigurado puro ito ang itatanong sa akin ng mga dati kong kaklase. Noong mga huling araw kasi bago mag-graduation ay pinagkalat ko nang lilipat na ako ng school. Ang yabang yabang ko pa na sa Manila na ako mag-aaral tapos makikita pa rin pala nila ako dito. Sobrang nakakahiya.“Ah oo, ayaw kasi ako payagan pa ni Daddy mag-aral sa Manila,” sabi ko na lang.“Ohhh, anong strand ka?” tanong niya habang naglalakad kami paloob. “STEM,” sagot ko. “Ay sayang, ABM ako. ‘Di na tuloy kita makokopyahan,” patawa niyang sinabi. “Uy ito na room ko, mamaya na lang,” sabi ko sabay pasok ng room.‘Di na bago sa akin yung pang-aasar ni Allen. Aminado naman kasi ako na ang number one priority ko kahit anong mangyari ay pag-aaral. Only child kasi ako at consistent honor student mula elementary kaya ang laki ng expectations sa akin ng daddy ko. Competitive kasi siya kaya bawat achievement ko asahan mong ipopost niya sa f*******: para daw makita ng mga kumpare niya. Siguro nahawa na rin ako sa kanya kaya pati sa school ayokong natataasan ako ng iba. Pero, ‘di naman ako yung tipong nerd. ‘Yung tamang grade conscious at responsable sa acads lang. Kaya pag may assignment or group project, asahan mo nang nakalibot sa desk ko ‘yung mga katulad ni Allen. Mahirap man magbuhat ng mga kaklase, nagugustuhan ko naman kasi pakiramdam ko ang importante ko.Handa na ako sa ingay ng mga former classmates ko pero mas nagulat ako sa mga bago naming kaklase. “Hala, bakit may mga babae?” sabi ko sa sarili ko. All boys kasi yung highschool ko at dahil sister school lang din naman nila itong pinasukan ko, akala ko puro pa rin kami lalaki. May tsismis na noon na baka nga raw mag-coed na pero dahil akala ko nga sa ibang school na ako mag-aaral, ‘di na ako masyadong nakibalita. Last minute lang din kasi ‘yung desisyon ni daddy na ‘wag muna ako sa Manila.Medyo tulala pa ako nang biglang pumasok si Ma’am Santos sa room. Sa taranta, umupo na lang agad ako sa pinakahuling upuan ng classroom. “Puta, wala pa ata ako ni isang kilala sa section na ‘to” bulong ko habang tinitignan ko lahat ng estudyante sa kwarto. Late ko na kasi nalaman ‘yung section ko kaya ‘di na rin ako nakapagtanong sa mga kaibigan ko. Pero buti na lang kay Ma’am Santos ako napunta. Kung bakit, sa sususnod ko na lang kwekwento.“Hi guys! I’m Ms. Santos and I’ll be your class adviser. Welcome to STEM and to SHS. You are the pioneer batch kaya lahat kami nangangapa pa kaya please cooperate with us. Let’s arrange the class first. Guys at the back, may seats pa dito sa harap. Let’s Occupy these first at para marinig niyo rin ako. Mark? Bakit nandyan ka sa likod? There’s still a seat in front. Himala, ayaw mo ata tabihan best friend mo ngayon,” sabi ni Ms. Santos.Napatayo agad ako para tignan yung sinasabi na Ma’am na bestfriend ko. Umabot ata sa tenga yung ngiti ko nang makita ko sa Chin na nakaupo sa pinakaharap. Halos patakbo akong lumipat nang upuan. Pagkaupo, binulungan ko agad si Chin.“Gaga! Bakit ‘di mo ko tinawag…”“Mare, mamaya na lang. Nagsisimula na si Ma’am sa orientation.” sabi sa akin ni Chin.Halos maputol na yung mga daliri ko sa kamay kakasulat ng mga bagong rules, schedule, grading, at subjects namin. ‘Di pa nakatulong ‘yung ingay ng mga kaklase namin mas lalo na nang inannounce na pwede na talaga magdala ng cellphone at magdala ng sariling sasakyan papasok ng school. Halos 2 oras rin na hindi tumigil si Ma’am sa kakasalita.“Okay class, that’s the school bell. I’ll see you after lunch,” sabi ni Ma’am sa klase.‘Di pa man din nakakalabas si Ma’am ng classroom ay nagkwentuhan na agad kami ni Chin.“Uy mare!! Akala ko ako lang mag-isa sa section na ‘to. Sobrang stressed na ako dun sa likod kanina,” sabi ko sa kanya.“Gaga ka talaga. ‘Di mo ba chineck yung sinend ko sayong class list kaninang umaga? Nag-save pa nga ako sayo ng seat. Akala ko tuloy absent ka,” sagot naman niya.“Ay hindi. Wala naman kasi akong data. ‘Di na rin ako nagpa-load wala namang ka-chat. Anyways, buti na lang talaga magkaklase tayo. Infairness ha, halos 2 buwan lang tayong ‘di nagkita parang ang laki ng pinayat mo.” kwento ko.“Salamat! ‘Nagbawas na kasi ako ng kanin.” nakangiti niyang sagot“Wow, diet? Ilang bandehadong kanin na lang ngayon?” asar ko naman sa kanya.“Grabe sa bandehado. Sako kasi.” sagot niya sabay tawa.“Pero seryoso! Ang laki ng pinayat mo. I mean, mataba ka pa rin pero bagay na sa tangkad mo yung laki mo. Gets ba?”Malaking tao kasi talaga si Chin noong high school pa man kami. Sa tangkad at laki niya noon, matatakot kang lumapit sa kanya. Noong una nga kaming nagkita, hindi ko agad siya kinausap. Nakadagdag pa ‘yung pormahan niya noon na parang nerd na masungit. Ang kapal na nga ng salamin, lagi pang may hawak na libro. Pero, ‘pag nakausap mo na siya, doon mo malalaman na sobrang bait at nakakatawa talaga niya. ‘Di rin siya nerd pero sadyang pinanganak lang siya na matalino. Mabilis rin kami nagkasundo kasi parehas kaming sheltered ng mga magulang namin. Noong mga unang taon nga namin sa highschool magulang pa rin namin bumibili ng damit at naghahatid sa amin sa school. Buti na lang, noong huling year namin, nadiscover na namin parehas ang salitang “fashion” at “independence”. Ang hindi lang talaga namin maisip ay kung paano sasabihin sa mga magulang namin na bakla kami.“Ikaw rin naman, ang daming nagbago sa’yo.” sagot naman niya sabay tingin sa ulo hanggang paa ko.“Ganyan talaga pag nasaktan.” sagot ko agad.“I mean, tumaba ka mare? At infairness ha, ‘di ko alam na may iitim ka pa pala? Saan ka ba nag sunbathing? Sa Sun? Charot!” pangaasar niya.“Grabe. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina. Walangya ka! ”Pero tama naman talaga siya. Ang laki naman talaga ng tinaba ko noong summer. Wala na nga atang magkasya lumang t-shirt at pantalon ko eh. ‘Di ko pa rin naman kasing laki si Chin, pero palapit na doon. ‘Di rin nakatulong na pandak ako, 5’5 lang ako salamat sa genes ng tatay kong 5’4 lang. Kumbaga, sa flag ceremony ako yung laging nasa harap ng pila. Tama rin si Chin na mas umitim ako kesa dati. Halos nasa beach lang talaga kasi ako buong summer dahil may bahay kami na malapit sa dagat. Wala naman akong pake kung umitim pa ako mas lalo. Buong pagkabata ko, lagi akong inaasar ng mga kalaro ko na “aeta” dahil sa kulay ng balat ko at kulot na buhok. ‘Di ko maalalang naasar ako kasi ‘di naman panget ang mga “aeta”. Kaya habang lumalaki, nawalan na ako ng pake sa itsura ko. Minsan nga pumapasok ako ng school na ‘di nagsusuklay eh. Tsaka, nakakatamad na rin mag-ayos ng buhok kasi mas malaki na ata noo ko kesa sa buhok, salamat ulit sa genes ng tatay ko. ‘Di pa rin nakontento si Lord kaya pinalabo pa nang sobra ang mata ko noong last year ng highschool kaya may suot na rin akong salamin ngayon. Basta, isipin niyo na lang yung famous line na “Tall, dark, and handsome”, ako ang perfect example ng kabaliktaran ‘nun. Ang pinanghahawakan ko na lang talaga ay yung sinabi sa akin ng nanay ko na cute naman daw ako.“Bago mo pa maasar buong pagkatao ko kain na lang tayo sa baba? Tara, Libre ko!” aya ko kay Chin.“Ay, G ako dyan,” mabilis niyang sagot.Sa lahat ng nabago sa aming dalawa sa ilang taon na pagkakaibigan namin, katakawan lang talaga namin ang ‘di nawawala. Basta pagkain, ‘di kami makakatanggi. Halos tuwing uwian, laman kami ng mga kainan sa palibot ng school.Palabas na sana kami ng room kaso may lalaking nakaharang sa may pintuan.“Excuse me! Pintuan po ‘to. Labasan ng tao. ‘Wag kayo dito magkwentuhan at tumambay.” mataray kong sabi.“Ay sorry.” sabi niya sabay talikod patingin sa amin.Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ko yung mukha niya. Ramdam na ramdam kong biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Pakiramdam ko nang mga oras na ‘yun kahit anong oras pwede ako himatayin.“Uyyy Mark!!! What the f**k, ikaw nga! Dito ka pa rin pala? Akala ko nagbibiro lang si Allen” sabi sa akin ni Vince.Buti na lang at siniko ako ni Chin sa tagiliran kaya medyo nahimasmasan ako sa mga nangyayari.“Mare, una na ako sa baba ha. Ibibili na kita,” sabay bitaw at lakad nang mabilis ni Chin.“Gaga, ‘wag mo kong iwan,” pabulong kong sabi habang sinusundan ko ng tingin si Chin pababa ng hagdan. ‘Yun na ata ang pinakamabilis ko siyang nakita maglakad.“Uyyy!!! Bakit dito ka pa rin?” sabay hawak sa balikat ko ni Vince.Fuck, kung minamalas ka nga naman. Unang araw pa lang, siya agad makakausap ko. Kaklase ko si Vince simula Grade 7 hanggang Grade 10. Sa buong apat na taon na ‘yun, sa kanya lang talaga ako nagkagusto. Grade 7 pa lang kami, part at active na si Vince sa school basketball varsity team namin. Nung una, ‘di ko siya masyadong napapansin kasi madalas wala naman siya sa klase. ‘Di rin naman ako mahilig sa sports kaya wala akong pake kung sino ba yung mga varsity na ‘yan. Naging close lang talaga kami nang iassign siya sa akin ng adviser namin para maging study buddy. Uso kasi sa school namin yung “collaborative learning” kaya lahat ng nasa top ng rankings binibigyan ng mga medyo nasa baba.‘Di naman talaga bobo si Vince, wala lang talaga siyang time para mag-aral kaya medyo mababa ‘yung grades niya kaya ‘di rin ako nahihirapan turuan siya. Noong una lang talaga, medyo natatakot ako tuwing kasama ko siya kasi kilala silang mga varsity na bully at mayayabang. Pero, kahit isang beses naman, ‘di niya ako niyabangan o inaway. Madalas pa nga, mas maaga siyang dumadating sa library kesa sa akin kasi nahihiya siyang paghintayin ako. Minsan nililibre niya rin ako ng pagkain mas lalo na kung sobrang late na kami natapos.“Uyyyy! Okay ka lang ba?” tanong ni Vince sabay alog sa akin. Doon ko na lang ulit naalala na nasa harap ko nga pala yung lalaking iniisip ko.“Uy! Sorry sorry! Puyat kasi ako kagabi kaya lutang pa. Ano nga ulit yung tanong mo?”“Sabi ko, dito ka pa rin pala? Huli nating usap diba La Salle ka na sabi mo?”“Ahh, ayaw pa kasi ni Daddy,” sagot ko naman. “Una na ako ha, baka hinihintay na ako ni Chin. Mamaya na lang! ” nagmamadali kong sabi sabay hawi ng kamay niya sa balikat ko.Hindi pa man din ako nakakahakbang ay binalik na niya yung mga kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Binaba niya yung ulo niya para tignan ako sa mata. Grabe, titig pa lang niya para na akong matutunaw. Amoy na amoy ko na naman yung pabango niyang pasikreto kong inaamoy tuwing tinuturuan ko siya noon. ‘Di man ganun katangos ang ilong niya pero bagay na bagay naman sa mga mataba niyang pisngi na mahirap hindi mapansin mas lalo na kapag nakangiti siya. Hay, tangina talaga ng ngiti na yan, yung ngiting halos nawawala na yung mata? Yung ngiting kahit malungkot ka kaya ka pasayahin? Sobrang delikado ng ngiti ni Vince - sobrang delikado sa puso.“Gusto mo bang pag-usapan natin yung sinend mo?” halos pabulong niya tanong sa akin.Ramdam kong nag-init yung buong mukha ko sa hiya. Hindi ko na siya matignan sa mata kaya bahagya ko na siyang tinulak.“Kahit ‘wag na! Okay na ‘yun! Gets ko naman na! Sige na, bababa na talaga ako. Gutom na talaga kasi ako,” sabi ko sabay ngiti sa kanya.Habang naglalakad palayo, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Takot ba dapat na baka layuan na niya ako pagkatapos kong sabihin lahat ng ‘yun? O takot na baka ipagkalat niya sa lahat? Hiya ba dapat? O lungkot kasi wala akong natanggap na kahit anong reaksyon sa kanya ng ilang linggo? Noong mga oras na ‘yun, gusto ko nang umiyak, sumigaw, at magmura nang sabay-sabay at walang tigil.“Putangina Lord, ano bang ginawa kong masama para ilagay mo ko sa sitwasyon na ‘to?” isip ko.