Chapter 25 Dalawang araw na hindi umuwi ng condo niya si Zabina. She drove around for the past two days. Kapag napagod sa gabi, nagbu-book na lamang siya sa madadaanan niyang hotel na mumurahin lang. She somehow felt okay when she had her personal time. Tinext naman niya ang ate Zara niya at sinabi niya ritong may tinatapos lang siya. Ino-off niya rin kaagad ang cellphone matapos niyang ma-inform ang kapatid niya. Marami na ring text messages at chat si Judas sa kanya. Nireply-an niya lamang ito na may pinuntahan lang siya at babalik din naman kaagad. Linggo ng hapon nang makabalik siya sa condo. Kaagad naman niyang kinumusta ang kapatid niya. Maayos naman ang paa ng ate Zara niya pero hindi pa rin ito lumalabas at nagpapahinga lang. She turned her cellphone on. Wala pang limang minuto a

