Chapter 23 Ibinalik ni Judas sa ina ang dalawang milyong piso na ibinigay nito kay Zabina. Ayaw pa nga nitong pumayag noong una pero wala na rin naman itong nagawa dahil mapilit si Judas. He will not let Zabina leave him just because of her Mom's money offer. Hindi na nga rin niya isinama si Zabina dahil baka kung ano na naman ang gawin no'n o maisipan. Napaka-unpredictable pa naman ng babaeng 'yon. He just want to solve this first. Saka na lamang niya ulit paghaharapin ang Mom niya at si Zabina. Paniguradong masakit sa ulo kapag nagsama ang dalawang babaeng 'yon. Nagmamaneho na si Judas pabalik sa condo nang biglang tumawag si Zabina. Kaagad naman niyang sinagot 'yon. "Yes, Baby? You miss me already?" Bungad kaagad ni Judas. "Nasaan ka? Bakit wala ka pa? Nangbabae ka, 'no? Sino 'yan

