CHAPTER 12
Sunday ng umagang iyon parehas nasa bahay ang dalawa si Kios at si Gaile,sabay silang nagaalmusal sa niluto nitong sinangag, sunny side up eggs, bacon,beef tapa at may atsarang papaya na home made na gawa din ni Manang Lucing
May bago na din silang katulong pamangkin ni Manang lucing dumating eto kahapon mula sa pobinsiya ng Bicol taga duon kasi sila Manang Lucing, sa wakas nag bunga na din ang pagpaparinig nya Kay Sir Kios nya na matanda na sya na nahihirapan na syang umakyat at bumaba sa paglilinis baka daw isang araw walang tao sa bahay si Kios ay nasa office at si Gaile naman ay nasa campus, ay baka daw mahulog sya sa hagdanan ng walang nakakaalam
Kaya sa takot ni Kios sumangayon etong kumuha na ng makakasama sa isang kondisyon kailangan ang kunin daw ni manag Lucing ay kakilala o kamaganak mismo nya at seguraduhing mapagkakatiwalaan at hindi madaldal
Hindi naman sa nagtitipid si Kios mag pasahud sa katulong Kaya ayaw nya kumuha ng iba pang katulong sa napaka laki nyang pamamahay ang katwiran nya kasi marami syang lihim Ayaw nya na marami ang nakakaalam.. Ayaw din nya ng magulo dahil tahimik syang tao
At dahil narin Kay Gaile Kaya nagkaruon ng lakas ng loob si Manang lucing umapila ng makakasama, tinuruan sya nito sa Kong ano ang kanyang Sasabihin at umepekto nga..
Habang kumakain ang dalawang pekeng magasawa sila ay lihim na nagtitinginan kumakain ng walang imikan, hanggang sa matapos na silang kumain ay wala parin gustong magsalita.. Naunang tumayo si Gaile at tinutulungan sila Manang Lucing sa gawain sa kusina at si Kios naman ay pumunta sa living room
Lumipas ang ilang sandali may malakas na tunog silang narinig mula sa labas
May bumubusina sa labas ng gate ng bahay ni Kios Kaya kaagad naman pinuntahan ni Manang Lucing at ng sya ay bumalik sa loob ay sinabing nasa labas si Ma'am Fiona
Si Kios ay nagulat at mabilis na pumaruon sa labas upang salubungin ang kanyang kasintahan na si Fiona, na sinundan naman ni Gaile pagkababa ng babae sa sasakyan ay agad naman nagyakapan ang dalawa si Kios at si Fiona at naghalikan labi sa labi
Sumakit ang puso ni Gaile sa nakikitang tagpo. Panandalian syang nalito Kong ano ang nararapat nyang gawin...wala naman syang dapat ikatakot kahit makita sya ni Fiona sa loob ng pamamahay ni Kios dahil sinabi naman ni Kios Kay Fiona ang tungkol sa kanya ang pekeng kasal,, at pumayag naman daw eto.....
Pumasok ang dalawa sa loob at nakita sya ni Fiona
Sya ba! Ang Sabi nito Kay Kios.. At tiningnan sya mula ulo hanggang paa
Yeah, kasabay ng pagtango nito..... Let's go to my Room ang Sabi ni Kios Kay Fiona
Si manang Lucing ay lihim na pinagmamasdan si Gaile Alam nyang may pagtingin na eto sa kanyang amo, lalot nasa iisang bahay Lang silang nakatirang tatlo madalas nya etong nakikitang lihim na tumitingin sa amo nyang Si Kios,,titig ng umiibig
Nasasaktan sya Para dito.....
Naisipan ni Gaile na tawagan si Eve, yayain nya etong gumala kailangan nyang maglaho mona sa bahay ni Kios dahil masasaktan lamang sya sa masasaksihan nya at hindi rin sya kailangan ni Kios sa bahay nya ngayon, dahil dumating na ang tunay na nagmamayari sa kanya
Eve,available ka ba today Tara gala tayo sunduin kita dyan
Aba, sa wakas naman naalala mo ako, akala ko kinalimutan mo na ang pangalan Eve
Ikaw naman, pasensya na po masyado Lang komplicated ang buhay ko ngayon, Kaya work at campus Lang ang araw araw Kong destinasyon promise
OK. Sige Naniniwala na ako, pero marami Kang dapat ipaliwanag sa akin,.. Balita ko de kotse ka na daw ngayon
OO de kotse nga pero pahiram Lang hindi akin
Ows! Talaga Lang ha sino? pahiram ng boyfriend mo?
Hindi, pagamit lang ng Boss ko
OK,sige Naniniwala naman ako sayo, impossible naman kasi talagang magka kotse ka, depende na Lang Kong may nagkagusto sayo na Mayaman at inalok ka ng milliones
Biglang nanahimik si Gaile sa kabilang linya
OH, na tahimik ka na dyan Parang hindi ka naman mabiro,, sige na sunduin mo na ako ngayon din dito sa bahay at magaayos na ako wait kita,,
OK, bye
Umakyat si Gaile patungo sa kanyang kwarto napako ang kanyang mga Mata sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Kios, parang naninikip ang dibdib nya kinakailangan umalis na mona sya sa bahay na iyon hindi nya kakayanin talaga
Pumunta sya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit at kinuha ang kanyang sling bag at inilagay sa loob nito ang kanyang wallet, cell phone at kinuha ang susi ng kanyang kotse at nagmamadaling bumaba ng hagdan,,
Naabutan nya sa baba ng hagdan si Manang Lucing at nagtanong Kong aalis sya.. Sinabi naman nya ang totoo na aalis sya may kailangan syang asikasuhin
Naiwan si Manang Lucing na naawa Kay Gaile, Alam na Alam nya Kong bakit nagpasya etong lumabas ng bahay,, Isa din syang babae Kaya naiintindihan nya ang sitwasyon na kinakaharap ni Gaile sa ngayon
Samantala sa loob ng kwarto ni Kios katatapos Lang ng dalawa magsex, na miss Nila ang isat isa si Kios at ang kanyang kasintahan na si Fiona
Parehas silang walang saplot ang mga katawan, at nakaunan sa braso ni Kios si Fiona
Bakit bigla Kang nauwi... mag exit ka na ba sa grupo nyo? ...
Hindi Ah! Umuwi Lang ako kasi na miss kita, bakit ayaw mo ba? Ang malambing at mapangakit na Sabi ni Fiona Kay Kios
Kinabig at niyakap ng mahigpit ni Kios si Fiona,,Thank you! Kong ganun, akala ko isinasantabi mo Lang ako hindi ako mahalaga sayo
I love you Kios! ,, kahit nasa malayo tayo sa isat isa pero ang puso ko ay nandirito at itinuro PA ni Fiona ang puso ni Kios
I love you so much Fiona!!!
I love you too Kios!!!
At muli nilang Inulit ang ritwal na kanilang pinagsaluhan Kani kanina lamang... Napupuno na naman muli ang kwarto ni Kios ng mga Makamundong ungol at halinghing nilang dalawa................
Anong gusto mong kainin at mamaya mag shopping tayo bibilhan kita ng damit sagot ko ang gastos
Aba! Mukhang yayamanin na ngayon ang aking best friend san ka nakamina baka pwede naman Maka share
Sasabihin ko sayo later kumain na mona tayo
Bumababa na silang dalawa sa kotse ni Gaile Ngunit pagkalabas ni Eve sa sasakyan ay bigla syang nakaramdam ng hindi maganda nahilo sya Kaya nawalan sya ng balanse napa hawak sya sa pintuan ng kotse, nakita naman eto ni Gaile at agad naman sya umikot papunta sa kabilang side ng kotse Para maalalayan si Eve
Anong nangyari sayo,?..... ang tanong ni Gaile Kay Eve
Bigla akong nahilo Gaile hindi ko alam
Ohhh, OK maupo ka mona Dyan at eto uminom ka mona ng tubig
Binuksan muli ni Gaile ang aircon sa loob ng kotse at kinuha ang small medecines kit na lagi nyang dala sa kanyang sling bag. Kinuha nya dito ang white flower medium size white flower
Ipinahid nya sa sintido ni Eve at ipinaamoy sa kanya..
At ng medyo mahimasmasan si Eve ay ngumiti na eto sa kanya at sinabing let's go nagugutom na yata ako... Masyado kasing mainit ang panahon baka na bigla Lang ako, malamig ang aircon sa kotse mo at sa labas napakainit
Hmmm.. Seguro nga..... Ang sagot naman ni Gaile
Habang naglalakad silang dalawa papunta sa loob ng isang sikat na mall. Tahimik na nagiisip si Eve,kanina kasi pakiramdam nya nagsipagtaasan ang mga balahibo nya sa katawan at pagkatapos nanlamig sya at parang saglit na nag dilim ang kanyang paningin.. Masama ang kutob nya lalot naalala nyang dalawang buwan na syang walang dalaw
Isa din syang nagaaral ng medesena o pagka doctor parehas sila ng kurso ni Gaile. Subalit Napilitan syang huminto dahil kinakailangan nyang tumulong sa kanyang mga magulang nawalan kasi ng trabaho ang kanyang Ama mula sa company na pinagtratrabahuan nito
Ang kanyang scholarship ay nawala sa kanya ng bumaba ang kanyang grades dahil nagsisideline na syang kumanta sa Night Club at hindi na nya kayang e maintain ang kanyang grado sa palaging pagpupuyat
Kaya naisipan nyang huminto mona hanggang sa makahanap muli ng trabaho ang kanyang ama o kaya, makaipon sya.....
Ang kanyang Ina naman ay kelan lamang nakaalis bilang isang OFW sa bansang Dubai
Ang kanyang Kuya Allan ay nagaaral ng engineer at nagparaya mona sya dito dahil next year ay magtatapos na eto...
Ang ikinatatakot nyang mangyari ang magbunga ang ginawang kahayupan sa kanya ni Dave Valdemor..
Paano na ako, anong Sasabihin ko Kay Leon. Hindi maari eto.. Anong Sasabihin ko sa pamilya ko.. Anong gagawin ko
Oy! Eve anong nangyayari sayo nahihilo ka pa rin ba? Bakit nanahimik ka Dyan.
Wala Gaile, Halika na kumain na tayo gutom na yata ako,...
Kumain at nag window shopping ang dalawang magkaibigan,Kong saan saan sila naglibot sa loob ng malaking mall, sa haba ng oras na kanilang ginugol sa pagiikot ni isang damit wala silang nabili..
Nakakapagtaka din na hindi pa Sila nakakaramdam ng pagod,, Kahit may mga inililihim sa isat isa ay hindi Nila nagawang mag kwento, at parehas din silang hindi nakakaramdam na may problemang kinakaharap ang bawat Isa sa kanila.. Parehas kasi silang abala sa pagiisip sa mga kanya kanya nilang alalahanin....
Inihatid mona ni Gaile si Eve sa kanilang bahay bago sya bumalik sa bahay ni Kios, at paguwi nya nalaman nya buhat Kay Manang Lucing na umalis sila Kios at Fiona kanina pa daw umalis ayon Kay Manang Lucing
MAs mabuti na rin iyon atleast wala syang iiwasan ang sa loob loob ni Gaile
Pumanhik si Gaile sa kanyang kwarto at umupo sa coach na upuan sa kanyang kwarto kinuha nya ang kanyang cellphone mag alas:11:30pm na ng gabi. Seguro Kong wala si Fiona paniguradong tatanungin na naman sya ni Kios Kong saan na naman sya nanggaling,
Sino ang kanyang kasama at bakit ngayon Lang eto umuwi... O di Kaya tinawagan na sya kanina pa at tinanong Kong nasaan na sya... At binibilangan na sya ng oras nito
Dumating Lang si Fiona kinalimutan na sya ni Kios..
Eto ang mga Naiisip ni Gaile sa mga oras na iyon, kahit Alam naman nyang wala syang karapatan pero nasasaktan sya...
Kong bakit naman kasi nahulog ang kanyang puso Kay Kios ng hindi nya namamalayan
(Authors mind)
Ganun talaga Sabi nga ng matatanda at Sabi din nila
Ang PAGIBIG daw Para daw etong isang magnanakaw hindi mo Alam Kong kelan eto darating, at hindi din pinaplano..
..........................................................
Thank you guys for reading my works!!!. Please do a vote and any comment
It's give me more encouragements to continue?