CHAPTER 6
"Akala ko ba hindi ka mayaman bakit may pa Lexus ka na car ngayon Gaile?" Tanong sa akin ni Yunah na classmates ko.
"Hindi akin eto, pahiram lang ng employer ko."
"Hello! Grabe namang employer 'yan, galante eh at Lexus pa. Ang mahal mahal kaya n' yan. Segurado akong lalaki yang employer mo at panigurado din na may gusto 'yan sayo. Nanliligaw kaya ipinagamit sayo."
"Hindi naman sa ganun. Kasi walang dumadaan na tricycle at taxi sa loob ng subdivision na tinitirhan ko. Napakalayo ng labasan kaya ayon nagsabi ako sa employer ko at hindi ko naman sukat akalain na ipapagamit sa akin eto."
"Ah, ganun ba? seguro mabait nga lang talaga yang employer mo.. Ano ba ang trabaho mo d'on, mahirap ba?"
"Oo mahirap nga. Nagaalaga ako ng abnormal na tao."
"Ah kaya naman pala, abnormal. Pagbutihin mo na lang yang trabaho mo dahil sa panahon ngayon ay napakahirap maghanap ng trabaho. At hindi lahat ng employer mababait at aalukin kang gamitin ang sasakyan nila."
"Oo naman. Sige na Yunah, aalis na ako ng makauwi na. Baka kasi hinahantay na ako ng alaga ko.
Ayaw mo bang sumabay sa labasan, halika ka na sumabay ka na sa akin para hindi ka na maglakad papunta sa sakayan."
Eto naman Para Kang sira Alam mo naman may sasakyan ang boyfriend ko syempre wait ko sya ah. Para sweet moment sige na Go na girl bye bye..
Lumisan na si Gaile palabas ng Campus,natatawa na lang sya sa kanyang sarili dahil kapag nalaman ng FAKE husband nya na ang tinutukoy nyang inaalagaan Abno ay sya, baka bawiin sa kanya ang sasakyan......
I love you Fiona! , magiingat ka palagi at kahit anong bussy mo huwag mong kalimutan kumain ng maayos dito lang ako na naghahantay sayo... Ok sige na bye na....... Ibinaba na ni Kios ang kanyang telepono dahil namataaan na nyang pumapasok na sa garage ang Lexus na pinagamit nya Kay Gaile.. Alas 6:00pm na ng Gabi
Masiglang bumaba ng kotse si Gaile at pumasok na sa malaking bahay naabutan nyang nakaupo si Kios sala
HI!Honey!
Bakit ngayon ka lang? hindi bat Sabi MO ang out mo is 5:00pm bakit 6:05pm na..... tumingin pa si Kios sa wrist watch nya habang nagsasalubong ang mga kilay
Si Gaile na kanina ay nasa good mood na palitan na ng bad mood,
Sir! Boss Amo, Honey!.. Yes po 5:00pm nga po ang out ko, sa huling klase... Syempre maglalakad pa ako palabas ng room at campus papuntang parking area syempre naman lumalakad ang oras ilang minuto din ang kakainin nun hindi ba?..
At syempre hindi ko naman po hawak ang kalsada at naipit pa ako sa traffic syempre kakain din iyon ng oras, seguro naman po HONEY naiintindihan nyo naman seguro Ano po?
OK, sige magayos ka na at pupunta na tayo sa Hospital Kay Grandma bilisan mo
Ang maatorisadong utos ni Kios Kay Gaile
Eto na po HONEY aakyat na po at bibilisan ko na din po
Napaka antipatikong Kumag talaga nito,Kong hindi lang sa milliones mo buti Kong magstay ako sayo,,,
Nagmamadaling nagpalit sya ng damit nagsuklay at nagayos ng kaunti, nag lagay ng lipstick sa labi, ganun Lang sya kasimpleng magayos...bestidang floral ang kanyang suot na white and black ang design na hanggang tuhod ang haba at naka flat shoes
Honey let's go... ang wika nya Kay Kios at tumayo na din eto mula sa pagkakaupo sa sofa........
Samantala sa bahay ni Dave
Kalalabas lang ng bathroom si Dave at nagpupunas eto ng katawan habang naglalakad patungo sa kanyang dressing room
Pinasadahan nya ng tingin ang mga damit nyang nakasabit mula sa cabinet at ng makapamili ay kinuha nya eto ay tinanggal mula sa pagkakahanger isang long sleeves na black at jeans na black din ang kanyang Napiling suutin
Kumuha din sya pair of white sacks at kinuha ang rubber shoes na Nike,at hindi din nya kinalimutan mag suot ng mga accessories katulad ng white gold no kwintas, white gold bracelet at relo na mamahalin
Huli nyang kinuha ang pabango na Polo blue ang amoy nito ay parang bagong paligo,...
Bago umalis sa kanyang dressing room ay siniyasat nyang mabuti ang kanyang itsura sa salamin at ng masatisfied na sya sa kanyang itsura ay umalis na....
Kinuha nya ang kanyang wallet at mga susi at serysong lumabas ng kanyang kwarto,sa itsura nyang yon mukhang may pinaghandaang mabuti
Sino Kaya ang target ng playboy na si Dave ngayong Gabi at Saan eto pupunta.............
Grandma Hello, kumusta po kayo? Pasensya na po at two days akong hindi nakadalaw sayo. May inaasikaso kasi,, hindi naman po Seguro kayo magagalit sa gwapo nyong apo di po ba?
Sya na ba ang asawa mo?
Yes po! Grandma sya po si Gaile
Gaile, Halika meet my beautiful Grandma her name is Ruth
Kinakabahan man si Gaile Ngunit kailangan nyang pagbutihin nag trabaho Para naman hindi masayang ang milliones na ibinayad sa kanya ni Kios
Hello! po Grandma ako po si Gaile wife ni Kios pasensya na po now lang po ako nakadalaw sa inyo, at nagmano si Gaile sa Grandma ni Kios
So,Your Already married now Kios, I hope na mapangatawanan mo ang desesyon mong iyan at maging responsible Kang lalaki sa pinili mong wife
Lumapit si Kios sa kanyang Grandma at umupo sa tabi nito,
OO naman Grandma I'm already 28 years old Para hindi Malaman ang tinatawag na responsibilidad, she's my wife Alam ko, I am a part of her na...
So don't worry!
OK,... After two days magreport ka na sa office As I promise KONG SINO SA INYONG DALAWA NI DAVE ANG UNANG IKAKASAL AY SA KANYA KO I IBIGAY ANG PAMAMAHALA NG NEGOSYO NG ATING PAMILYA AT SYA ANG KIKILALANING PINUNO NG VALDEMOR CORPORATIONS
Kailangan ko monang tawagan ang aking assistant at ang family lawyer natin Para maasikaso ang mga bagay bagay na kakailanganin mo para sa pag turn over nito sayo...
At inaasahan Kong hindi babagsak sa mga kamay mo ang sinimulan ng ating mga ninuno ipangako mo Kios na magiging mabuti Kang leader ng ating company sa ating mga tauhan at nasasakupan Ipangako mo
Yes, I Promise Grandma hindi ko hahayaang ikahiya ako ng ating angkan Alam Kong napaka laking responsibilidad pero eto ang gusto ko at lahat ay gagawin ko... I assure you Grandma ang thank you so much
Niyakap ni Kios ang kanyang Grandma, natutuwa sya dahil hindi sya nito pinahirapan pa,
Iha, come here sit here
Ang tawag at utos ng Matanda Kay Gaile,pinapaupo sya sa tabi ni Kios,agad naman etong lumapit at umupo sa tabi ni Kios
Kinuha ni Grandma ang kamay ni Gaile at pinisil eto,
Maari bang dalaw dalawin mo ako kapag hindi ka bussy, ng sa gayon may makausap naman ako dito
Opo naman po Grandma, makakaasa po kayo,
Mabuti Kong ganun, ikaw na ang bahala sa Apo ko,.. At Sana mabigyan nyo ako agad ng apo bago ako lumisan sa mundong eto
Grandma! Ang pagalit na sigaw ni Kios
Grandma, huwag po kayong magsalita ng ganyan mahaba pa po ang buhay nyo kailangan lamang magpagaling at magpalakas kayo,, Para sa gayon makita at maisama sa pag shopping ang mga magiging apo nyo..
Lokong Bata to seventy five na ako mahina na heto ngat nakaratay na sa hospital bed na eto, malabo na yatang makasama pa ako sa pagshoshopping ng mga apo ko
Who knows Grandma, basta magpalakas. Lang kayo
Hahahahha!! Humalakhak ang matanda masaya eto sa naririnig sa dalawa
Kong ganun bilis bilisan nyo ang paggawa ng Bata, Malaman ko lang Gaile na buntis ka May sopresa ako sayo
Ay talaga po Grandma ang masayang wika ni Gaile
Naku Grandma hindi nyo po naitatanong may lahi po kami na kambal Sabi nga po Nila at ni mama ko hindi daw pwedeng mawala sa lahi namin ang pagkakaruon ng anak na kambal
Kaya malaki ang posibilidad baka magkaruon din po ako ng kambal na anak... Ang madaldal na Sabi ni Gaile sa matanda na nakalimutan na nya ang papel nya sa buhay ni Kios
Hahahaha! Ay ganun ba,, aba good news Yan sige umuwi na kayo at mag umpisa na kayong gumawa ng baby hahahahha ha!!!
Biglang na tauhan si Gaile sa sinabi ni Grandma umuwi na at gumawa na sila ni Kios ng baby, napatingin tuloy sya sa mukha ni Kios
OK, Grandma aalis na kami Ni Gaile Para makapag umpisa na kaming makagawa na ng baby, ang nakangising Sabi ni Kios sa kanyang Grandma
Grandma huwag po kayong magalala dadalawin ko ulit kayo promise po...
Ang sabi naman ni Gaile.. Nakagaanan na ng loob ni Gaile ang matanda kasi mula ng na kausap nya eto ay mabait naman Pala..
Kanina habang nasa kotse napakatahimik nya dahil tense na tense sya sa Kong ano ang mangyayari kapag na meet na nya ang Grandma ni Kios, kasi halos sa napapanuod nyang mga movies at teleserye sa television ay kadalasan mga matatapobre ang mga parents at mga Grandparents..
Ngunit sa Grandma ni Kios ay nagkamali sya, pinatunayan nitong hindi lahat ng mayayaman ay matapobre, ni hindi nga sya tinanong ng Kong ano ano,
Hindi eto nagtanong Kong ano ang trabaho o negosyo ng kanyang pamilya,,at kahit tanungin paano sila nag kakilala ni Kios ay wala, na halos hindi sya mapakali sa kakaisip paano ededelever eto ng maayos kapag naKaharap na Nila ang matanda
Nakaalis na ng hospital ang dalawa at naglalakbay na pabalik sa kanilang bahay, ng basahin ni Kios ang pananahimik nilang dalawa sa loob ng kotse
Nagugutom na ako kumain mona tayo bago bumalik ng bahay
Ok!
Anong gusto mo bang kainin
Kong may gusto ka sabihin mo or ako na ang bahala kahit saan OK lang ba sayo?
Ok!
Pangatawanan mo yang ipinangako mo Kay Grandma na dadalawin mo sya Kong Ayaw ko magka problema tayo sa kanya malinaw ba?
OK!
Anong nangyayari sa babaeng eto ang dami Kong sinasabi panay OK lang sinasagot.. Tingnan ko lang Kong OK pa din ang Isa sagot mo, at huwag ka lang magkamali dahil malala got ka sa akin Gaile
Umayos ka ng upo mo
OK!
Sya nga Pala Bilisan nating kumain Para makauwi na tayo agad,may gagawin pa tayong napaka importante bagay bago matulog, kailangan pa natin mag madaling gumawa ng baby OK lang ba sayo Gaile?
OK!
WHAT? Ang malakas na pagkakasabi ni Kios at Humalakhak eto ng malakas habang nag dridrive
Sinasabi ko na nga bat matindi ang pagnanasa mo sa akin,
Ha! Anong sinasabi mo at bakit ka tumatawa
Ang nagtatakang tanong ni Gaile na nagising na sa malalim na pagiiisip...
Siraulo talaga bigla na Lang tumatawa ang Sabi ni Gaile na walang kaalam alam
........................................................
THANK YOU FOR READING MY WORK!!!
PLEASE DO A VOTE AND ANY COMMENTS
IT'S GIVE ME MORE ENCOURAGEMENTS TO CONTINUE?