HULYO NG LUNES

222 Words
Nakakainis itong araw na ito para sa akin. Nasira yung sapatos ko, umulan pa at hindi ko nalabas ‘yung booth para sa trabaho ko. Marami rin ang nangyari sa araw na ito na ikinabwesit ko. Ayaw bumukas ng laptop ko na naandon pa man din ang ilang chapters ng Billionaire’s Ex Fiancé at Cosa Nostra. Lalo na ‘yung 750 hours ko na halos ilang chapters na ang naroon! Nakakainis… gusto ko na lang mangagat ng tao sa gilid kanina sa sobrang inis ko. Ang sarap sa feeling na may nashe-share ako sa inyo. Kahit alam kong wala rin naman magbabasa nito. Alam niyo ‘yung feeling na ayokong makita ito ng mga kapatid at magulang ko na malungkot ako sa araw na ‘to. Ayoko silang mag-alala at ayoko rin naman magsabi. Marami akong natutunan sa araw na ‘to. Jusko! Kung alam niyo lang ang pagod ko sa araw-araw! Hindi ko alam kung paano pa ako nakakangiti sa sobrang stress ko. May sakit na, may iniisip ka pa, may kailangan ka pang gawin. Alam mo? Kung ang nagbabasa nito ay isang breadwinner? Magulang? Nasa abroad? Ulirang Ate? Ulirang Ina? Ulirang pamangkin at iba pa. ‘Wag kang sumuko. Itong araw na ‘to ay isang pagsubok lamang… at bukas ulit. Bibigyan ka ulit ng problema bukas. -Jonihoney (monday stress)

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD