Third Person's POV Alas 8 na ng gabi at nakahiga na si carson sa kanyang kama, kanina ay galing siyang opisina dahil may inasikaso kahit linggo naman, bago siya makalabas ng mansyon ay di niya napigilan ang kumatok sa pinto ng kwarto ng dalaga pero walang sumasagot at nang tingnan niya ang loob ay wala na ito roon. Hindi niya naabutan na lumabas ito, o sadya lang talagang umiiwas ito sa kanya. kaya ngayon nagtataka siya kung bakit wala pa ito eh hindi naman ito umuuwi ng ganitong oras. Nawala siya sa kanyang pag iisip ng makarinig ng sasakyan sa labas kaya dali dali siyang tumingin sa bintana at gayun nalang ang pagkunot sa noo niya na ang lumabas sa driver seat ay si Zayne at kasunod nito sa front seat si Astrid ang lumabas. "What the fck! bakit sila magkasama?" Di niya maintindiha

