Astrid's POV At makalipas ang tatlong oras na byahe namin ay nakarating din kami dito sa resort nila Xavier ang 'Escapade Beach Resort' Di ko tuloy maiwasang mamangha dahil sa ganda ng resort nila, at meron na ding iilang mga tao rito at halata naman din na mayayaman lahat ang nandito. Kahit namangha ako sa resort ay di ko parin mapigilang hindi mapahikab, sa tatlong oras na byahe ba naman namin ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa lalaking katabi ko. "Are you still sleepy Asrtrid?" Si Zayne na lumapit sa akin at parang nag aalala pa siya na hindi man lang ako nakatulog, ramdam ko rin kanina na panay sulyap siya sa akin o nag fe feeling lang ako? Tumango naman ako sa kanya at di ko na naman naiwasang mapahikab. "Don't worry makakatulog ka na din ng maayos mamaya kapag andun ka

