Astrid's POV "Bakit ka naman mag seselos?" Tanong ko pa sa kanya, agad naman niya akong binalingan ng tingin magkasalubong na naman ang kilay niya na para bang mali ang tanong ko. "Seriously, Astrid?" Patuya niyang sabi, pigil naman ako sa pag tawa ko dahil naaliw ako sa reaksyon niya, umalis naman ako sa harap niya at naglakad patungong closet ko at ramdam ko ang mga titig niya na nakasunod lang sa akin. "Wala naman kaming ginagawang masama ni Zayne, para mag selos ka.." Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya, ngiting ngiti pa ako, hinubad ko naman ang aking suot na cardigan at ibinalik sa closet ko, sunod naman kumuha na ako ng towel dahil mag ha-half bath na ako ngayon. "Kung hindi ko lang kaibigan si Zayne ay baka binugbog ko na siya.." Napatingin naman ako sa kanya na ngayo

