Third Person's POV "Astrid.." Agad niyang nahawakan ang dalaga na muntik pa itong matumba, nang makita siya nito ay agad na pinaningkitan siya nito ng mga mata, kumunot naman ang noo niya dahil namumula ang pisngi nito at lalo na ang ilong nito,hindi naman dahil iyon sa make up ng dalaga. "Hey, are you drunk?" Tanong pa niya rito. "Hindi ako lasing, gusto ko ng umuwi.." Sabi pa nito at masama parin ang tingin sa kanya. Sinulyapan naman niya ang lamesa at nakita niya ang tatlong baso ng wine glass na wala ng mga laman, kaya alam niyang lasing na ang dalaga. "You drank all that?" kunot noong tanong niya rito. "Pakialam mo ba.." Pagtataray nito na lalong ikina kunot ng noo niya ngayon. what is wrong with her? Naisip niya. "Bitawan mo ako, mauna na akong uuwi.." Akma na sana siya

