KABANATA 1: Ang nakaraan!

1067 Words
11 YEARS AGO Lumabas ang isang matanda sa malaki at magarang building na nasa edad na 60's meron itong dalawang bodyguard na nasa likod nito at magarbo ang pananamit nito. Pinagbuksan ito ng driver sa backseat at sumakay na magarang kotse nito, natapos na ang kanyang meeting sa mga investors, at pauwi na nga siya. Siya si Don Rigor isang tanyag at kilalang tao sa pilipinas halos lahat ng mga stablishment na mamahalin ay pag mamay-ari niya, kilala siya sa kahit anong aspeto pagdating sa mga negosyo mapa legal at illegal, kilala din siya ng presidente ng pilipinas at ng iba pang politika. nasa kanya na ang lahat ng maiisip mong kayamanan. Pero may nag iisa lamang siyang apo sa nag iisa niyang anak na nasa ibang bansa. Si Carson Hendrix ang kanyang nag iisang apo na lalaki, ito ang mag mamana sa lahat ng kayamanan niya pagdating ng panahon na mawawala na siya sa mundo. Habang umaandar ang kanyang sasakyan ay natuon ang kanyang paningin sa gilid ng kalsada, marami siyang nakikitang kabataan na nasa kalye at nanglilimos, ulila sa mga magulang ang iba, at ang iba naman ay pariwara lamang. Nang tumigil sila dahil sa stop light ay agad na tuon ang pansin sa isang tagong iskeneta, nakita niya ang batang babae na ipinagtatanggol ang kasama nito sa mga lalaking basagulero at mukhang mga adik, naka harang ang katawan nito sa mga lalaking gustong bugbugin ang kasama nitong bata. Nakita niya sa batang babae ang tapang sa mukha nito at di alintala ang panganib na pwedeng mangyari dito, hindi malaman ni Don Rigor pero nakita niya ang sarili sa batang babae noon, naranasan niya din ang maging isang batang kalye,ang maapi ng ilang beses katulad ng mga adik na tao,naranasan niya din ang mag nakaw ng pagkain at pera, kung hindi dahil sa pinag daanan niya noon ay di niya mararating kung ano man ang meron siya ngayon. "Don Rigor, san po kayo pupunta?" lumabas si Don Rigor ng sasakyan at nagtungo sa iskeneta kung saan ang batang babae. Agad namang sumunod ang kanyang isang bodyguard at sinundan siya. "Tigilan niyo na siya! nag sorry na siya sa inyu!" narinig niyang sigaw ng batang babae. Ngumisi naman ang lalaking nasa harap nito at tiningnan ito ng malaswang tingin,pula din ang mga mata nito na halatang naka droga. "Patatawarin na namin siya kung sasama ka sa amin bata.." Akmang hahawakan na nito ang batang babae pero tinapakan nito ng malakas ang paa ng lalaki ng batang babae at napahiyaw sa sakit ang lalaki. "P*t*ng *na mong bata ka!" agad nitong sinampal ang batang babae dahilan para tumilapon ito sa semento. Nang akmang aambahan niya na ito ng sipa ay agad na pinigilan ito ng bodyguard ni Don Rigor at sinuntok agad sa sikmura ang lalaki, ng makita ng isang lalaki si don rigor ay agad na namutla ito, alam niya na kasi ang mangyayari kapag pinag patuloy pa nila ang kanilang balak. Namilipit sa sakit ang lalaki, ang kasamahan naman nito ay agad na inalalayan ang kasama at dali daling umalis ang mga ito. Inalalayan ni Don Rigor ang batang babae at tiningnan siya nito ng may pagtataka. "Ok ka lang ba hija?" tumango naman ito sa kanya. Nang tuluyan na itong makatayo ay pinantayan ito ni Don Rigor at tiningnan sa mata. "Gusto mo bang sumama sa akin? Hindi ako masamang tao.." Alam ng batang babae na masama ang sumama sa hindi kilalang tao, pero ramdam niya na mabait ang taong kaharap niya, base din sa nakita niyang reaksyon kanina ng lalaki ay namutla itong napatingin sa matanda, nasa pagmumukha nito ang takot. Ang iniisip niya ay pulis ang matandang lalaki. Inosenteng tumango ang batang babae at nginitian ito ni Don Rigor. Magaan ang loob ng batang babae sa kanya kaya napatango nalang ito sa matanda. ------------- Napa wow ang batang babae sa nakita na nakahain sa lamesa, dahil sa masasarap na pagkain na nakahain sa harapan niya, na tuwa naman si Don Rigor dahil sa pag ngiti ng batang babae, di niya maipaliwanag pero magaan ang loob niya dito. "Wow sa akin po ba ito lahat, Don Rigor?" namamangha parin ito habang tinitingnan ang mga pagkain, kanina ay nagpa kilala na siya dito. "Oo, kainin mo lahat ang gusto mong kainin, sayo lahat yan.." Tumango naman ito at nag simulang kumain, mabilis ang pagkain nito na mahahalata rito ang pagka gutom, halata din dito ang payat na pangangatawan dahil siguro sa walang makain na maayos. "Ilang taon kana ba?" "11 years old na po ako.." sagot nito habang sumusubo parin ng pagkain sa bibig. "Gusto mo bang ampunin kita?" Napatigil ang batang babae sa pagkain at tumitig sa kanya, bakas sa mukha ni Don Rigor ang awa para dito, buo na ang loob niya na ampunin ang bata, hindi man niya alam pero yun ang gusto niyang mangyari. "Hindi kana muling maninirahan pa sa kalye kapag pumayag ka.." dugtong pa niya dito. Nanatili itong tahimik. "Meron akong apo na lalaki nag aaral din siya, gusto kong mag aral ka rin.." unti unting nag liwanag ang mukha ng batang babae at napa ngiti ng malawak. "Talaga po? gustong gusto ko po talagang mag aral.." ngumiti naman si Don Rigor, nakikita niya ang determinasyon dito na gustong makapag aral, nararamdaman niyang hindi siya bibiguin ng batang babae pag dating ng panahon. "Pumapayag ka na ba na ampunin kita?" Mabilis itong tumango at ngumiti ng pagka tamis tamis. Bumalik na ito sa pagkain at maganang kumain, naaliw siya habang tiningnan ito. "Ano nga pala yung pangalan mo?" tumigil ulit ito at uminom ng tubig. "Ako po si Astrid Rodriguez, galing po ako ng orphan, pero tumakas po ako doon." "bakit ka naman tumakas?" lumungkot ang mukha nito. "Hindi po kasi maganda ang trato nila sa akin doon, nang aalipusta po sila ng mga ka gaya ko.." Pinipigilan nitong maiyak. Nalungkot siya sa narinig, katulad din ng naranasan niya noong ka edad niya pa ito, ito siguro ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya kasi nakikita niya dito ang mga karanasan niya noon. "Wag kang mag alala, hindi mo na iyon mararanasan pa.." Paninigurado niya dito. Tumango naman ito at nginitian siya ng malawak. "Maraming salamat po Don Rigor.." At dito magsisimula ang magiging buhay ni Astrid at makikilala niya ang apo nito na si Carson Hendrix ang arogante, playboy at masama ang ugali na makikilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD