Astrid's POV "Kailangan mo ba talagang umalis dito sa condo ko beh?" Tumango naman ako ulit kay shantal, hindi ako nakatingin sa kanya dahil nag iimpake ako ng mga gamit ko, nakapag desisyon na ako na aalis na ako dito dahil alam ko na babalik si carson rito. Buo narin ang loob ko at hindi na mababago pa, kahit masakit gagawin ko parin. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at tumingin sa bff ko, at nginitian ko ito ng matamis pero napabusangot lang ito. "Ano ka ba beh, pwede mo naman ako puntahan roon..basta wag na wag mo lang sasabihin kay carson kung saan ako titira, promise mo yan ha?" Tumango tango naman ito. "Pero syempre bago mo ako ihatid roon sa titirhan ko ay ipapasyal muna kita sa mall, at libre ko lahat ng gusto mo.." Nagliwanag naman ang mukha nito at napa palakpak pa nga.

