"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin Justin dahil alam mo naman na ayaw ko ng naghihintay ako hindi ba?" Mariin sa sabi ko sa kanya. "Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ang lahat sayo at kung saan ba ako mag uumpisa.” Aniya habang na. Upo sa harap. “Saan ka nga dapat mag umpisa Justin? Kasi hindi ko naman alam kung saan ka nga nag umpisa na lokohin ako.” Ani ko sa kanya. " Nag umpisa lang naman ang lahat nung pumunta ako ng bangkok para makapag deal kay Mr. Pon. Pero maniwala ka hon, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na lokohin ka.” saad niya sabay hawak ng kamay ko. “Kung hindi mo naisip na lokohin ako, paano ka nag kaanak sa iba? Paano mo nasabi na hindi mo ako niloko gayong nakisama sa kanya Justin? May anak kayo Justin kaya saan banda doon ang hindi mo a

