“Ang sinasabi mo ba na asawa ni Reynold ay yung pinakilala niya sa atin noon?” Tanong sa akin ni justin pagkatapos niya akong hilahin kanina. Kahit na nagtataka ay tumango ako sa kanya. “Yes, bakit may problema ba?" Takang tanong ko sa kanya. “s**t!" Mura niya sabay suklay ng buhok niya ng kanyang daliri. “Sandali nga Justin may problema ba?" Tanong ko ulit ng makita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha. “Nothing hon, pero sana mali lang ang iniisip ko. Tara na at baka hinihintay na nila tayo." Aniya na muli akong hinawakan sa kamay. “Justin ano ba talaga ang problema?" Inis na tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad at bumuga ng hangin bago muling tumingin sa akin. “Nai kwento namin sayo na iniwan si Jonathan ng babae diba?” Aniya. Tumango ako sa kanya at saka nag sa

